Wakas

14 4 0
                                    


Luther's POV

"Hala? absent si Star?" sabi ni Jesper sabay upo sa upuan nya.

"Oo eh. May sakit ba sya? sayang may pasalubong pa naman ako sakanya." sabi naman ni Marinela.

Di ako nakisali sa usapan nila nakabaling pa rin ako sa upuan nya.

Bakit di sya pumasok? may sakit nga ba talaga sya?

O baka di sya nagising sa alarm nya? mag cutting kaya ako para gisingin sya. Kasi.. sayang yung lessons.

Pero pano kung may sakit sya? daan muna ako ng market para mabili sya ng prutas tapos gamot.

Tapos di na muna rin ako papasok kasi ano... wala syang kasama dun. Ako na lang muna ang magbabantay sakanya.

"HOY TROPAPIS!" natauhan ako sa biglang pagsigaw ni Jesper.

"Kanina ka pa kinukulbit ni Marinela oh." Pagpapatuloy nya.

Napabaling naman ako sa daliri ni Marinela na nakadikit sa braso ko.

Ang lambot... pero mas malambot yung sakanya. Tsaka bakit wala akong nararamdaman? bakit pag sya may iba akong nararamdaman.

Tinitigan ko si Marinela.

Sumipol si Jesper. "Dumadamoves!" di ko na lang sya pinansin.

Gusto ko ang lahat sa mukha ni Marinela. Maganda kasi talaga sya. Pero...

Sht. Bakit ngayon ko lang napag isip isip to.

Pero... wala akong nararamdaman.

Tumayo ako at lumabas ng classroom. Si Marinela kaya kong mawala ng tatlong araw pero si Star di ko kakayaning mawala ng kahit isang araw.

Narinig ko pa yung paulit ulit na pag sigaw ni Jesper sa pangalan ko at narinig ko rin yung sinabe ni Marinela..

"Narealize na nya."

Binilisan ko yung pinaglalakad ko. Lumabas ako ng gate, sinigawan ako nung guwardiya pero di ko sya pinansin.

Lakad lang ako ng lakad.

Hanggang sa... makarating ako sa bahay niya. Wala nang katok katok pumasok lang ako agad at nung nakita ko sya agad kong hinila yung braso nya at hinarap sya sakin.

"Lu---e-este... Uy.."

"Ayoko sayo.." pagkasabing pagkasabi ko nun, yumuko agad sya.

"Alam ko.." bulong nya

"Ayaw ko sa mukha mo.."

"A-alam ko.." bulong nya ulit.

"Ayaw ko sa ngiti mo sa tawa mo... ayaw kong maririnig na binabanggit ko yung pangalan ko.. ayaw ko sa labi mo, ayaw ko na tinititigan mo ko ayo----"

"ALAM KO OKAY? ALAM KO! a-alam na alam ko.." sinamaan nya ko ng tingin. At nung oras na kumurap sya, nagtuluan lahat yung mga luha nya.

"Pero..." lumapit ako sakanya at pinunasan yung luha nya.

"Mas ayaw ko na umiiyak ka... mas ayaw ko na nakatingin ka sa iba.. mas ayaw ko na bibabanggit mo yung pangalan ng iba at mas ayaw kong tumatawa ka na hindi ako yung kasama mo." Sabi ko habang dahan dahan na pinupunasan yung luha nya.

"Kasi mas okay na mamatay ako dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso kesa sa selos.. kesa makita kang nasasaktan."

Napaawang yung labi nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Star and Luther (Short-Story | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon