Paunang Salita

145 6 11
                                    







   ~"Write to express, not to impress."~

XOXO~chilbi_chums

Please do not copy this short story. Plagiarism is a crime.






****

      "Napadpad ako sa gitna ng kakahuyan, hindi ko alam kung bakit naparito ako. Ang tanging alam ko lamang ay nakita ko ang isang lalaki at nalaman sa aking sarili na siya'y aking sinusundan sa 'di malamang dahilan.

Parang may sariling isip ang aking mga paa. Ipinagpatuloy ko aking paglalakad. Pagod na ako pero Gustuhin ko mang huminto sapagkat hindi na tukoy ang tinatahak na daan, ngunit may nagsasabi sa'king ipagpatuloy ko lang ng siya'y aking maabutan. Hindi ko alam sa aking sarili kung bakit ganito ang nararamdaman. Hindi ko pa naman batid ang kanyang pangalan, ngunit sa pagtibok mg puso'y parang kilala na ang nilalang.

           Hindi ako tumigil sa paghahanap dahil umaasa akong siya'y muling aking makikita. Hindi ako nawalan ng pag-asa at patuloy na tinahak ang daan patungo sa kung saan.

"Alam ko, hinihintay lamang niya ako. Hindi ako susuko, dahil alam ko na magkikita muli tayo."

           Hindi nga ako nabigo, sapagkat sa dulo ng kakahuyan ay siya'y aking natagpuan. Sa wakas! Nag-krus muli ang aming landas. Ngunit durog ang puso matapos malamang hindi siya nag-iisa.

Kasama niya ang kanyang sinisinta. Masayang nag-uusap at nag-hahalakhakan. Ang mga ngiti nito'y abot hanggang tenga. Nag-niningning na parang mga bituin ang kanyang mga mata. At alam ko sa aking sarili na hindi ako ang dahilan nuon, dahil ang dahilan nito'y ang babaeng kaharap at ngayo'y kanyang yakap yakap.

             Ang pagsunod sa kanya ay mali, ang umasa sa isang tulad niya ay mali. Natagpuan ko nga siya, ngunit kasabay naman nito ang pagtatagpo ng kanilang dalawang puso. Nasayang lamang ang lahat.

Naligaw ako matapos ang lahat ng ito. Ngayo'y hindi ko na alam ang daan pabalik. Kung alam ko sa simula pa lamang ay napigilan na ang nararamdaman. Sana'y hindi ako ngayon nahihirapan hanapin ang daan pabalik sa dating pinagmulan."

          "Ang lalim naman ng pinaghuhugutan mo. Hindi ko maintindihan."

Inabot niya sakin ang papel kung saan ko sinulat ang kwento ko. Wala naman talagang makakaintindi nito. Dahil ako lamang naman ang makakaintindi sa babaeng nasa kwento.

"O siya, tara na? Nandiyan na sundo natin."

"Una ka na, may aayusin pa ako."

           Tumango siya at umuna na. Inilagay ko muli ang headphones sa'king tenga. Isinukbit ko ang aking bag at niyakap ang libro at nilisan ang silid. Nagtungo pa ako sa locker bago tuluyang umalis.

Tahimik ang bawat silid na aking nadaaanan. Wala nang nagkalat na studyante sa hallway. Marahil siguroy nakauwi na ang mga ito at ako na lamang yata ang natitira.

             Binilisan ko ang lakad sa takot na maiwanan ng sundo. Hindi pa naman marunong makapaghintay iyon. Ngunit malapit na ako sa gate ng mahagip ng mata ko ang isang lalaki. Bitbit-bitbit niya ang bag at libro ng kasama niyang babae. Masaya silang nag-uusap at naghahalakhakan. Ang mga ngiti nito'y abot hanggang tenga. Nagniningning na parang mga bituin ang kanyang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ko. Heto na naman ang kakaibang nararamdaman ko kapag nakikita siya.

Nababa ang tingin ko sa kamay nila, magkahawak ito. Biglang sumikip ang dibdib ko. Napako ang mga paa sa aking kinatatayuan. Hindi ako makagalaw. Hindi ko din alam kung bakit ganito na lamang ang aking nararamdaman. Sanay na akong makita silang ganito, pero bakit masakit parin?

               Pinanuod ko lamang sila hanggang sila'y nawala na sa aking mga mata. Kanina pang nangingilid ang luha ko, pinipigilang ito'y bumagsak. Ngunit napakamapaglaro talaga ng tadhana, bumuhos ang malakas na ulan at kasabay rin nito ang pagpatak ng aking luha. Pati ba naman ang panahon, karamay ko?

Ang Sampal ng Katotohanan  [COMPLETED]Where stories live. Discover now