Chapter One

84 3 0
                                    

--

Ako si JOHNNY DE LOS SANTOS , nag rerent ng appartment sa tayuman , simple lang ako isang estudyante, maputi, makatawan, may malaking boses medyo katangkaran, matangos ang ilong at malinis sa katawan. Isang tao na naghahanap ng katotohanan sa nagtatagong katungkulan sa lipunang aking ginagalawan.

---

5:00 AM na kailangan ko na tumayo! , nako ! Ayoko pa naman malate. Medyo hindi kasi ako nakatulog kagabi ee pano excited pumasok first day of school ee at first time kong maging isang ganap na kolehiyo. Hindi ko pa kabisado yung papasukan ko HAHAHAH kailangan ko pumasok ng maaga baka maligaw ako kung saan yung una kong klase at room.

(Sa CR )

.... Lalalalaalalala, sino kaya magiging kaklase ko ? , may makakausap kaya agad ako? , masungit kaya yung professor ko ? , mahirap kaya yung subject na psychology? . Aaa ! Bahala na.

( sa kwarto habang nagbibihis si johny iniisip nya parin kung anong mangyayari sa first day niya)

... Medyo kabado ako na naeexcite . Whahaha sige bahala na si batman!

*bago ako makapunta sa school kailangan ko munang lakarin ang tayuman hanggang sa sakayan ng jeep papuntang quiapo. Medyo malayo layo kasi sa bahay namin yung sakayan ng jeep ee Buti nalang ee maaga ang pasok ko kaya hindi ganun kabigat ang traffic.

( sa UNIVERSITY )

* andami naman estudyante at ibang iba yung highschool sa college. Noong High School ako diretcho pasok lang sa gate hindi na kailangan i check yung bag mo hindi katulad ngayong college kailangan buksan yung bag para icheck pero feeling ko hindi naman nila talaga chinecheck yung bag sinusundot lang nila ng stick na hawag nila ahahaha kala ko nga may sensor yung na pwedeng maka detect kung may dala kang deadly weapon ee. Trip lang pala talaga nila yun. Ganun sila mag check ng bag. Iba iba rin yung mga mukha ng estudyante iba iba uniform depende sa course. May mga naka make up na babae , may mga maarte, may mga sobrang ikli magpalda , may mga nakakulot na para bang aattend ng kung anong party , yung mga lalaki papogian, pahigpitan ng pants , paputian ng polo, pakapalan ng pulbo. Pabanguhan ng uniform. Sempre meron ding mga homosexual na hindi na kung kumilos ee daig pa yung gender na gusto.

... Medyo napaaga ata yung pasok ko. 7 pasok ko pero 6:30 palang. Ang nakakatuwang isipin kasi 6:30 palang ang fami ng estudyanteng pumapasok siguro excited din sila kagaya ko. Ahahahah maglilibot muna ko. Makapunta nga ng canteen tignan ko lang kung ano meron.

(Sa canteen)

Wala naman gaanong tao siguro kasi umaga, tinignan ko yung mga tinda hahaha ang mamahal. Pero in fairness , yung presyo ng pagkain appropriate naman sa itsura ng canteen namin. Para kang kumain sa casual dining .

tignan ko din yung CR baka mapanghi din gaya ng CR sa highschool ahahhaa.

(Sa CR )

Ang ganda ng CR highly maintained , parang nag CR ka lang sa mall.

(Maya maya pag tingin sa relo)

OMG! 5 mins before the class hindi ko pa pala alam kung saan yung room ko. Dapat pala ayun yung una kong pinuntahan. Masyado akong nalibang.

(Habang tumatakbo sa corridor at kinakalkal yung bag )

Oh! Sorry , sorry po nagmamadali kasi ko ee - mala late na ko. Sorry po ulit! Di ko kasi alam yung room ko.

- aa , osige bakit ba madaling madali ka? , nakabangga ka na tuloy.

Di ko kasi alam yung room ko pre ee.

- teka anong room ka ba ?

Room 302 .

- huh!? 302 ee dun din ako pre ahahaha , sabay na tayo.

Bestfriend üTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon