Maraming problema na yung dumaan.
Maraming tao na din yung nainvolve.
Selos ako, selos siya.
Malandi si ganito, epsi si ganon.
Okey fine.
Aaminin ko.
I get too sensitive about such little things when I'm attached with someone.
Atleast, may karapatan ako.
Minsan nga, umaabot pa dun sa point na gusto ko nang bumitaw.
Gusto ko nang sumuko.
Kaso ayoko, kasi alam kong hindi ko kaya.
Tsaka, ayokong magsisi sa huli.
Pero as for remembering things,
THROWBACK kumbaga...
One time, nasa market'market kami.
A mall which is somewhere in Bonifacio, Taguig. :)
We went all the way there to have our practice for the incoming performance in MAPEH.
Shempre, dahil malandi ako.
Kaya din ako pumunta dito kasi alam kong pupunta sila Kurt dito.
Siyempre, natunugan kong maghahanap sila ng costumes para sa sayaw nila.