Prolouge / Chapter 1 : Ang Simula

9K 158 11
                                    

CHAPTER 1

*James POV*

September 29 2013 ang araw na iyon at may isang event na gaganapin sa aming eskwelahan kung saan nagsama sama lahat ng unibersidad sa bulacan at maglalaban laban, parang Sportfest kumbaga . Intramurals day ang tawag namin dito. 

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdaman ng kaba. Ewan ko ba, parang may mangyayaring isang malaking trahedya.

Ako nga pala si James , isang highschool student na nagaaral sa sikat na unibersidad sa bulacan.
Isa lang akong tipikal na studyante na hindi masyadong pansinin ng lahat, pwede nating sabihin na ako ay isa sa mga nerd sa school at isang anti-social. Mahilig ako sa mga palabas na merong zombies, if alam niyo yung The Walking Dead na palabas, yan ang pinakapaborito ko. 

Pumunta na akong school at nakipagkita ako sa mga kaklase ko na naglalaro ng volleyball. Hindi nagtagal , nagring na ang bell at nag morning ceremony na kami sa gym para sa opening remarks ng intramurals. Isa isa nang pumasok ang mga players, mula grade 5 to 4th year. Matapos nito ay Intramurals na din! kanya kanya nang galaan . 

Dahil isa akong anti-social , dumiretso ako sa classroom upang magpahinga. Nakasabay ko papunta sa classroom sina JOY , NICK at MARIA . Sila ay mga kaklase ko dito sa school. Si Joy ay isa sa mga tahimik kong kaklase, at parang hindi mo mabasa ang tinatakbo ng isip niya, pero siya ay madaling lapitan lalo na at matalino siya. Si Nick naman ay medyo may pagkajoker side pero most of the time ay chill lang sa buhay. Si Maria naman ay isa sa mga magaganda kong kaklase, maputi at kakaakit akit ang itsura, imaginin niyo nalang si Maria Clara, ganon siya sa itsura. Pero kahit Maria Clara ang kanyang itsura, ang ugali niya at isang palaban at maasahang babae. 

Sa sobrang kaboringan , ay nakaidlip ako. Hanggang sa nagising nalang ako nang makarinig ako ng malakas na sigaw. Pagkabukas ng mata ko ay nakita ko sina Maria at Nick na nakasilip sa salamin ng pintuan namin.

James: Hala anong problema?

Maria: James ang daming dugo sa labas.. Nagkakainan sila!

James: Whaat?

(Lumapit ako sa kanila at nagulat ako sa nakita ko. Nakita ko ang hallway na parang isang massacre hall)

Nick: Shh.. wag kayo maingay baka pumasok dito.

James: Dali harangan natin ang pintuan! Maria , Joy gumilid muna kayo!

(Pagtapos naming harangan ay nakarinig kaming boses na kakaiba)

Joy: Ano yun?

James: Shh.. Teka teka parang pamilyar..

(Sumilip si Nick sa pintuan at nagulat siya sa nakita niya)

Nick: Ang dami niyang sugat!

(Nagulat din si Maria nung sumilip siya. Kaya sumilip nadin ako)

James: Patay na yan.

Maria : Gago kaba?! kitang nakatayo siya oh?! Dali pagbuksan natin!

James : Hindi kaba nagiisip? Kapag nakagat tayo , magiging ganyan tayo!

Maria : Bakit ? Zombies ba sila?!

James : Oo .. Survivor of the fittest mode na tayo ngayon. Tayo na ang maghahanap ng pagkain, tubig, tulugan, gamot lahat.

Nick : Ehh.. Ang pamilya natin?

James: Wag ka nang umasa na buhay pa sila , simula ngayon tayo na ang bubuhay saatin sa ayaw at sa gusto niyo.

(Biglang kumabog ang pintuan)

Maria : Tara na! Kailangan na nating umalis dito!

Joy : Pero pano?!

Nick : Sa bintana!

(Malaki ang bintana kaya kasya ang tao doon kaya duon kami lumabas. Sa aming paglabas , nadatnan namin ang ibang mga buildings na nasusunog.)

(Dumiretso kami sa katabing room namin)

Nick : Nakasarado ang bintana pano yan?

Maria : Ito may kawayan , basagin natin.

(Kinuha ni Nick ang kawayan at binasag ang bintana. Nang nabasag ang bintana ay inabot ni Nick ang handle ng bintana . Nang nabuksan niya ito ay hindi niya namalayan na may mga zombies sa loob at nakagat siya )

Maria : Nick!!

Joy : Ahhh!!

James : Pota bumalik tayo!

(Sa Pagbalik namin sa room)

James : Nick..

Nick : Oo..

Maria: Ibig sabihin ba...

James : Oo..

Maria : Hinde !! Hindi to pwede!!

Nick: Wag ka magalala  , kaya ko na ang sarili ko. Iwanan niyu na ko.

James: Papaano kami makakatakas?

Nick : Kanina sa kabilang room , naihulog ko sila .

Maria: Pero! (Umiiyak)

Nick : Si..ge na! (Sumuka ng dugo)

James : Tara na!!

(Dumaan kami ulit sa bintana . Sinara na ni Nick ang bintana ng aming room. At nagpatuloy na kaming tatlo)

Maria : Nick.. Salamat...

(Nailaglag nga ni Nick ang mga zombies at nakapasok kami ng ligtas sa kabilang room. Dahan dahan kaming sumilip sa labas.)

(Pagbukas ko ng pintuan , nakita ko si Nick na nagpapahabol sa mga ganoon)

Nick : Tumakbo na kayo!

(Tumakbo na kami papuntang ground floor. Sumilip si Joy sa gate palabas ng building habang si Maria ay sumilip sa kabila)

Joy : Marami sila sa labas!

Maria : Dito din sa kabila!

James : Tae pano to.

(Nakita namin ang mga yon na papalapit na saamin. Pinasarado ko ang gate para mabawasan sila kahit papano pero hindi padin kami ligtas)

Maria : Umakyat nalang tayo ulit.

James : Sige tara.

Joy : Teka may tao sa Laboratory!

Maria: Oo nga no!

(Pinagbuksan kami ng mga tao sa laboratory at nakapasok kami. Pero dahil sa mga pangyayari ay hindi agad namin napansin ang mga taong nagpapasok saamin at bigla kaming nakatulog.)

CHAPTER 1 END

<JAMES.MARIA.JOY.NICK>


Survivors of The Dying World (A ZOMBIE OUTBREAK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon