Ringgggg... Ringggg... Ringggg
Inabot ng kamay nung taong nakahiga sa kama ung bwisit nyang alarm clock dahil pinutol ung napakaganda nyang panaginip
"Urgghhh" inis nyang ungol pagtayo sabay hagod ng dalawa nyang kamay sa kanyang mukha
At pumasok na sa banyo para mag sipilyo at maghilamos ng mukhaKnock.. knock..knock
"Handa na po ung almusal nyo ma'am"
Sabi ng tao sa kabila ng pinto
"Sige lalabas na din ako"
Sagot nman nya habang sinusuklay ang kulay itim nyang buhokPaglabas ng kwarto ay sinalubong na sya ng bati ng mga kasambahay nila at puro
"Good morning ma'am" at "magandang umaga po" ang mga narinig nyaPagpasok sa kusina naka upo na ang lahat maliban sa kanya
Nandun na ung mga magulang nya at dalawa nyang kuya"Morning Mom, Dad, Kuyas"
Nakangiting bati nya sa kanila
"Morning" bati naman ng mga ito sa kanya
Sa ganoon lagi nag uumpisa ang araw nya==========
Knock..knock..knock
"Gumisingg na kayong dalawa jan at baka malate pa kayo"
Sigaw ng isang babae sa kabila ng pintoPak!
Hampas ng isang kamay sa binti ng babaeng tulog pa rin
"Ate ano ba baka malate tayo nyan pareho. Gumising ka na!!!"
Sigaw nung taong humampas sa ate nya"Hmmm. Ano ba ayoko pumasok.. alam mo ba kung gaano kakulit ung mga tao don.."
Inaantok na sabi nung isa"Ate kasalanan mo yan. Yan ung pinili mo ehh. Tsaka hindi pwede na hindi ka pumasok. Aba! Sinong magtuturo sa mga bata eh ikaw ung teacher!" Pag papaalala naman nung isa
"Oo na eto na nga ehh" sagot nya pagkabangon
"Sige na ate bilisan mo na maligo ka na. Bababa na ko para kumain. Wag kang matutulog sa c.r ha!"habol nung isa bago lumabas ng kwarto
"Teka naligo ka na?!!"sigaw nung ate na nagising na
"Tapos na!!" Sigaw naman nung isa sa labas ng kwarto
Pagdating sa kusina nandun na ung mga kapatid nya at mama nya
"O mami si papi asan?"tanong nya sa mama nya
"Eh may inasikaso sa trabaho eh. Sige na kumain ka na at baka malate ka pa" sagot naman nito "ate mo asan na?" Habol pa nito"Edi naliligo pa lng"sagot nya
"Ate samahan mo ko sa playground mamaya ahh"
Sabi ng bunso nilang kapatid
"Nagtanong ka pa eh wla namang gagawin yan mamaya ehh. Hahaha " singit naman pangatlo sa magkakapatid"Ano namang ibig sabihin non, aber??" Tanong nya
"Wla naman ate ang sinasabi ko lang eh wala ka naman laging plano sa hapon. Kelan ka ba hahanap ng date ha??" Nakangising tanong nito sa kanya
"Aba't nakangisi ka pa ah! Hoy wag ako. Eh bat ikaw kelan mo balak ligawan yung si margie? Hahaha cge ka baka maunahan ka pa" balik naman nyang tukso sa kapatid nyang lalaki na namumula na"Itigil nyo na yang dalawa at kumain na" saway naman sa kanila ng mama nya
"Ateeeee!!!!" Sigaw nung bunso
"Ano ba ang aga aga sumisigaw ka na bunso!" Saway ng panganay na kakapasok lng ng kusina"Sori na ate wla kasing gustong sumama sa playground mamaya eh" nakasimangot na reklamo nung bunso
"Sori bunso ah may aasikasuhin kasi si mama at papa mamaya eh" sbi ng mama nya
"May tryout mamaya para sa basketball ehh sori" sambit naman ng pangatlo
"May teacher's conference mamaya bunso ehh" huling sabi nung panganay
Nagmamakaawang tumingin sa kanya ung bunso
"Haaayyy sige na. Sige na ako na sasama sayo mamaya" nakangiti nyang sabi at lalo pang lumaki ang ngiti nya nang makita ang saya sa mata ng bunso nila"Oo nga wla ka namang ka date eh!!" Tawang sbi ng pangatlo at lahat sila ay nagtawanan maliban sa kanya
Sa ganoon nagsisimula ang araw nya
BINABASA MO ANG
Silence And Noises
RandomVictoria (Vic) Angela Ramirez -18 yrs. old -brunette (shoulder length) -5'8 -brown eyes -1st year college - simple - good girl (daw) -book nerd At kilalang kilala na ayaw sa mga banda Samantha (Seige) Gail Olivarez -18 yrs. old -jet black hair (mid...