flashback part 1

422 11 1
                                    

Nagising ako, binuksan ko ang aking mata at para bang hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin.

Napakalamig sa lugar na to, nasa malaking kama ako at bumangon na ako.

"H-hello?"

Nagulat ako nang may pumasok sa kwartong ito at nakita ko ang maganda, matangkad na babae.

"Ohh, Goodmorning :)" Sabi ng babae.

"S-sino ka? at Bakit nandito ako?" Kalma kong tanong sa babae.

"Ako si Krystal Jung, 19 years old."

"Alam kong nagtataka ka kung bakit ka nandito, ang dahilan lang naman ay nakita kita sa labas ng hotel na to na bigla kang bumagsak. Nagpatulong akong buhatin ka para idala dito. Nalaman ko lang kanina na nahimatay ka dahil sa pagod at kulang sa kain." Mahabang paliwanag nya.

"T-talaga? Maraming-maraming salamat sayo." 

"You're welcome! Oo nga pala, kumain ka muna ngayon para di ka gutumin atsaka uminom ka ng maraming tubig"

"Ahh sige"

"Tara dun tayo sa kusina." -Krystal

--


kang seulgi's chatbox part 2 [random]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon