Chapter 1 Ang Bida

2 0 0
                                    

Nagising ako na may ngiti sa aking labi. Haaay ikaw ba naman ang mapanaginipan ang man of your dreams. NBSB kasi hehe sa edad kong 18 sa panaginip lang ako merong bf. Siguro soulmate ko yung napapanaginipan ko. Naririnig ko kasi yun sa mga kaklase ko dati. Ako nga pala si Yzen Jenine Panis. Anak ako ng sikat na si Dettie Panis hehe joke lang. Kahit mahirap lang kami di ko naman ipagpapalit ang aking mahal na mahal na nagbigay ng buhay sa akin. Meet my mother the beautiful and mabait na si Samantha Panis at ang  gwapo at masipag na aking ama si Richard Panis.

"Anak gumising ka na diyan anong oras na malalate kna sa school. First day of classes dapat hindi ka malate." sabi ni mama

"Yes ma I'm coming". Naku first day of classes. Hay getting to know na naman ito. Ang ayoko sa lahat ang first day of classes pano kasi di ko classmate ang bff ko. Bagong school, bagong classmates at bagong teacher bagong pagibig kaya? Ay naku Yzen study ang priority! Okay lang naman kung may crush ah. Sabi ng puso ko haha agad agad.

First Year college student ako sa isang pampublikong university sa lugar namin si mama namin kasi gusto ko sana pareho kami ni Lovely ng school na papasukan pero hindi kaya ng mga magulang ko na pagaralin ako sa school ni bff. Mayaman kasi ang bff ko kaya lumuwas sila ng Maynila at dun ngaral.  Pero okay lang yun sakin masunurin at mabait naman ako. haha ako na ang bilib sa sarili.  Naiintindihan ko naman ang mga magulang ko. May dalawa pa akong nakababatang kapatid na ngaaral. Ang importante ngaaral ako at dapat may makuha akong karangalan para makapgtrabaho kaagad at syempre to make my parents proud at hindi masayang ang pera na inilaan para sa akin.
"Good morning ma,pa at sa kambal kung mabait", sabi ko. Niyakap at humalik ako sa kanila. Ganun kami pinaki ng mga magulang namin. Malambing kami sa isa't isa at bawal ang sekreto kahit anong bagay pinaguusapan namin gusto kasi ng mga magulang namin alam nila bawat detalye kung anong nangyayari sa amin sa araw araw. Protective ang mga magulang namin at naiintindihan naman namin sila. Kami na ang mabait na mga anak hehe.

"Ate this is your first day sa college galingan mo anak ha, okay lang sa akin kung anung club ang sasalihan mo basta hindi makakaabala sa pagaaral. Anak crush na muna ha tsaka na nlang ung bf thing na yan kung tapos kna hehe." sabi ni mama

"Alam ko po yun ma, ilang beses niyo pong sinabi sa amin yan ma high school palang po ako. Hindi ko po makakalimutan yan ma. Salamat po sa inyo ni papa gagalingan po namin diba kambal?,
sabi ko.

"Syempre naman po ate". sabi ni Clyde.

"Tama na ang drama we have to go baka malate tayo", sabi ni papa.

"Si papa talaga drama agad di ba pwedeng advice lang" , sabi ni mama

Secondary Teacher ang aking ina at isa namang Accountant ang aking ama. Parehong grade 8 naman ang kambal na si Clyde at Cobe.

Hinatid kami ni papa sa aming destinasyon bago siya pumasok sa trabaho niya its our daily routine.

UP Diliman

This is it pancit. Napakalawak talaga ng school na to. Buti nalang hindi ako mahilig maghills ayoko kasi yung ganun parang pabebe hindi naman sa tibo ako ayoko lang na masyadong feminine kung kumilos para kasing maarte tingnan. hehe Simple lang kasi akong manamit. T-shirt, pants at doll shoes okay na sakin. Yun din ang nagustuhan sakin ni Lovely kaya kami naging bff. Namimiss ko na si bff palagi kasi kaming magkasama. Lalo na ngayon wala akong kakilala sa school na to.

Hinanap ko ang room na nakasulat sa papel. Nahihiya kasi akong magtanong mabuti nalang may guard na naglilibot siya ang tinanong ko.
Sa wakas nakita ko na rin ang room ko sa malas nga naman late na ako. Wala na ring vacant seat. Ibinigay ko sa Teacher namin ang admission slip ko.

"Ms. Panis please find a vacant seat", sabi ni teacher

Wala akong nahanap na bakante may isang lalaki sa na inilagay yung bag niya sa upuan. Nahihiya naman akong kunin sa kanya. Hay mahiyain talaga ako pag di ko pakilala. Kaya Nakatayo lang ako sa likod.

"Ms.Panis you can have the vacant seat beside me. Wala namang nakaupo dito", sabi nung lalaki
"Salamat classmate", pabebe kung sabi. Ay juice colored etey ang gwapo naman ng classmate ko. Hindi naman pala masama ang first day ko okay pa sa alright.

As usual meet and greet angpeg namin sa classroom. So far wala pa akong friend sa room namin. Pero okay lang at least katabi ko naman si papa hottie!

"Okay class dismissed! Please don't forget to do your assignment. I will not tolerate those students who will not pass every activity in this class. Good bye", sabi ni teacher.

Hay salamat tapos na rin ang first day! Makauwi na nga. Ngantay na muna akong makalabas ng room yung mga classmate ko sila na yung excited masyado sa paguwi. Tatayo na sana akong ng nabunggo ko si hottie papa! OO MMM GGG

"Ay sorry sige mauna kana", sabi ko.

"Hindi okay lang ikaw na muna", sabi ni papa hottie. "By the way Jarvis nga pala" sabay abot ng kamay niya. Nahiya naman ako kasi namamawis ang kamay ko dahil sa presence niya. 

"Im Yzen its nice to be your classmate hehe"sabi ko. 

"Sige mauna na ako sayo" he said. 

"Okay ingat ka Jarvis". Naku naman mother gracious kinikilig ako. Feeling ko siya na ang forever ko!!!

"Ma I'm home!". sabay higa ko sa sofa nakakapagod naman kasi mgcommute medyo malayo yung school ko sa bahay namin. Pagkatapos naming kumain ay ginawa ko ang akong takdang aralin baka makalimutan at mapagalitan ng teacher namin.


The Man of My DreamsWhere stories live. Discover now