Welcome to H. E. L. L.
Chapter1Holdvert East Logh Listerns
Where all of the students are classified as one of the best foundation in school scholar for the better obtainment. You'll be ranked otherwise. Once you chose to enroll here. We're the ones who'll grad you out. You'll passing Sat Byes and Sun Goods. Other information will be given by the Head, faculty staffs and CG officials.Again, Welcome to H. E. L. L
Enjoy staying.Ito lang ang nakalagay sa bondpaper na bigay ni Tito sakin bago nya ako iwan. Namatay sya sa isang car accident last week at nag-iisa nalang ako sa buhay ngayon.
5 years old palang ako ng iwan ako ng mga magulang ko kay Tito France. Hinanap ko sila matagal na panahon na. Kahit anong tanong ko kay Tito kung nasaan ang mga magulang ko ay hindi sya sumasagot ng matino. Palaging iniiba nya ang usapan.
"Gray sure ka bang papasukan mo ang school nayan?" nagpatuloy lang ako sa pagtupi ng mga damit ko at ipinasok sa maleta.
"Oo Sandy, alam mo namang nangako ako kay Tito diba?"
"Bakit ba kasi hindi mo tinanong kung saan banda yan dito sa Pinas, diba?" napatigil ako sa ginagawa ko.
Bakit nga ba hindi ko natanong kay Tito kung saan? Ah! Tama ngayon ko nga lang pala na open ang sobre na naglalaman nito. At ang petsa na nakasulat ay ngayon. Parang sadya ang lahat pero sana mali lang yung hinala ko.
"Gray pwede ka naman sa bahay, sa amin ka nalang tumira? Ok lang naman na si Papa magpaaral sayo–" pinutol ko na ang mga sasabihin palang nya.
"Alam mo namang napakalaki na ng naitulong nyo sakin at ayaw kung dumami pa'yon. Ayaw kung abusohin Sandy gusto kong masuklian yun balang araw kaya please lang suportahan mo nalang ako sa gusto ko, ok best?"
Tumango nalang sya at ipinagpatuloy ko ang pag-aayos.
Natapos namin ang pag-iimpake ng tahimik. Tapos nadin kaming kumain ng tanghalian. Bakas parin sa ala-ala ko ang lahat ng nangyari last week.
Birthday ko ngayong araw at kasalukuyang naghahanda si Tito France ng pagkain sa sala dahil darating yung katrabaho ni Tito France. Abala ako sa pag-aayos ng mga bagong damit na bigay ni Tito sakin. Ang nakakatakot lang ay halos black ang kulay ng mga damit na ibinigay nya.
"Candy! Lalabas lang muna ako. Kunin mo dito sa may lamesa yung sulat mamaya"
"Opo Tito, ingat ka po! " sigaw ko pabalik.
Nang matapos ko na ihanger ang lahat ng damit ay lumabas na ako at bumaba papuntang sala. Nakita ko agad ang puting sobre na sinasabi niyang sulat. Kinuha ko iyun at isinama sa ibang regalo para sakin na nakalagay sa gilid malapit sa sofa.