CHAPTER 4

678 19 0
                                    

First Kiss...

Pagkatapos namin mag-laro ng UNO with a damn twist bumalik na sila Kuya Apollo sa kwarto nila at ang masasabi ko lang nakaka-pagod at nakaka-inis 'tong araw na 'to. At ang first kiss ko! Gusto ko maiyak. Dapat sa pisngi ko lang sya hinalikan. At si Summer naman ay nakangiti lang habang gumagawa ng homework nya. 

"Can you feel the love tonight?" oh girl here she goes again. 

"Or!" she paused. 

"Maybe. Chloe always does crazy things when she's in love!" and she laughs. 

"Shut up Summer. You're annoying." 

"Blah blah blah talk to the air where we can feel the love between Timothy and Chloe." at ngumisi pa sya ng nakakaloko. 

"Wag mong ipagkakalat yung nangyari!" pagbabanta ko sa kanya. 

"Oo naman ako pa ba. Ako lang 'to si Summer Trixie 'QUIET' Lynch." 

"The opposite of being quiet."

"May tanong ako sis." lumingon naman ako sa kanya. 

"Mesherep?"

"What the heck? Really, Summer? Nakakainis let's move on. Forget that scene please lang!" 

Natawa lang sya. Sana talaga hindi sya kabagin sa ginagawa nya. Nakakainis kasi. That's my first kiss at hindi ko matanggap sa isang stranger pa nakakuha nun! I can't believe it. 


Flashback.....

"I want you to kiss me here." ang kapal din ng mukha nya ituro pa. 

"No!" 

"Wag na kj Xiomara!" sabi ni Amber sabay halakhak. 

"DARE! DARE! DARE!" they screamed in unison. 

"Ayoko!" 

"It's just a kiss! Dali na kiss na!" 

Heck no! Syempre pinapahalagahan ko lahat ng 'first' ko. At isa na dun ang first kiss ko! OA man pakinggan pero naka-reserve na 'tong labing to sa magiging asawa ko. 

"Ang tagal naman. Ganito na lang, kapag hinalikan mo ko hinding-hindi na ako magpapakita sayo." well, magandang deal naman. Ayoko din naman sya makita. 

"Pero kung ayaw mo. Ayos lang. Araw-araw kita iinisin at araw-araw masisira ang araw mo sakin." ngumisi pa sya. 

"Bakit kasi sa lips pa? Pwede naman sa cheeks ah!" pag-angal ko. 

"Sige sa cheeks na lang." nginitian naman nya ako. Ngiting nakakaasar!

"Okay." ngumisi naman ako. 

"Boo! Ang daya dapat sa lips eh!" pagrereklamo nila. Nilungon ko sila at sinamaan ng tingin. 

"Okay na yan. Ayokong masuka." sabi naman ni Kuya. 

Dahan-dahan akong lumapit kay Timothy. Halata sa mukha nya ang pang-aasar kaya nginisian ko sya. Hinawakan ko ang mukha nya at aakma ko na syang halikan sa pisngi ng biglang nawalan ng kuryente. Agad ako napatayo dahil madilim. 

Aaminin ko matapang ako pero takot ako sa dilim. Nanginginig at naiiyak na ako sa takot. Hindi pa din ako umalis sa pwesto ko maya-maya ay naramdaman ko na lang na may humila sakin at hinalikan ako. PUCHA! BAKIT NYA AKO HINALIKAN?! It's just a quick kiss agad din syang bumitaw sa halik namin at hindi ko maiwasang masampal sya. 

"Hoy! Ano yun?" narinig kong tanong ni David. 

"Yieee!" I know it's Summer! 

Bumalik naman din kaagad ang ilaw. At nakita ko si Timothy na nakangisi. Susugurin ko sana sya pero pinigilan ako nila Amber. 

"Bes, chill! Hindi naman na natuloy yung dare." pagpipigil sakin ni Amber. 

"Anong hindi? Hinalikan ako nyan! Ano ba? Bitawan nyo nga ako!" 

"Sorry to burst out your bubble hindi kita hinalikan. Kung crush mo man ako hindi naman ako madamot sa isang halik lang." dahan-dahan naman syang lumapit sakin yung tipong hahalikan nya ulit ako. Pero bago pa mangyari yun ay nasapak ko na sya. 

"What the fuck? Nakaka-ilan ka na!" pagrereklamo nya. 

"Naka-tatlo na. Gawin nating apat para masaya. Sa kabilang pisngi mo naman para pantay." pangbabara ko sa kanya. 

"Let's call it a night. Good night everyone." pagyayaya ni Dustin kayla Kuya. Sumunod naman ang tatlo sa kanya. Bago pa man makalabas si Timothy ay tumingin ulit sya sakin at nginisian ako.

HUMANDA SYA SAKIN!

End of Flashback...

"At the same time, I wanna hug you, I wanna wrap my hands around your neck." pagkanta pa ni Summer. 

"You're an asshole but I love you and you make me so mad, I ask myself" naiirita ako sa pagkanta nya. 

"Why I'm still here, or where could I go you're the only love I've ever kn--" 

"Summer shut up please!" natawa lang sya. 

"You should thank me because I didn't tell everyone what I saw earlier." pag-ngisi nya. 

"You didn't see anything. And how you can be so sure na nakita mo kaming nag-kiss?"

"You forgot? I have a scotopic vision. And I'm sure that Timothy kissed you." paninigurado pa nya. 

"Whatever if it makes you sleep go on." sabi ko na lang dahil kahit anong pagde-deny ko wala ding silbi. Summer looks like an airhead pero in her skills nako umuwi ka na lang. 

Nagpaalam muna ako kay Summer na iinom muna ako ng tubig sa baba at binaba ang mga boxes ng pizza para hindi masyadong makalat sa kwarto at hindi masakit sa ulo bukas. Nakarating na din ako sa kusina na nakasalubong ko si Timothy. Nginisian nya lang ako at ang kapal naman ng mukha pagkatapos makikain samin kagabi hindi man lang ako tinulungan. Nilagpasan pa nga ako. 

"Kapal ng mukha kumain kagabi hindi man lang ako tulungan. Ihampas ko kaya sa mukha nya 'to?" pabulong kong sabi. 

"May sinasabi ka?" muntik ko na mabitawan ang boxes na hawak ko nang biglang sumulpot si Dustin. 

"W-wala." na-utal pa nga.

"Tulungan na kita." nginitian naman nya ako at kinuha sa akin ang boxes. 

"Salamat." 

Ang gwapo talaga ni Dustin plus mabait pa! Oh, diba saan ka pa? Kay Pareng Dustin Jacob lang malakas! 

Umakyat naman ako agad pagkatapos akong tulungan ni crush. Ang ganda talaga ng umaga ko. Kahit may panget akong nakita kanina bumawi naman agad si Tadhana. 

"Mukhang maganda ang gising natin ah?" pambungad sakin ni Sophie. Inirapan ko lang sya. 

"Syempre ikaw ba naman hali---" tinakip ko ang bibig ni Summer. See? Pasmado talaga dila niya pwede ko bang putulin?

Nagkatinginan lang ang dalawa samin ni Summer. At binalewala ang dapat sasabihin ni Summer. Ako naman ay nag-ayos na dahil may pasok kami. 

"Sis, mag-ayos ka nga." naiiritang sabi ni Sophie. 

"Halika nga dito lagyan natin ng BB Cream yang mukha mo. Chakabels mo 'te halata pa pimps mo!" sabat pa ni Amber. 

Hinayaan ko na lang sila sa gusto nila. Pagkatapos naman nila ako ayusan ay napatingin naman ako sa salamin. Bumalik nanaman ang trahedya na nangyari sakin 2 years ago. That's the reason bakit hinahayaan ko na lang ang mukha ko na hindi maayos. 

Hindi ko napansin na malalim na pala ang iniisip ko. Kung hindi lang ako tatawagin ni Summer ay baka hindi pa ako makapasok. Mahirap na ayoko pa namang may nami-miss na lesson dahil ayoko din maghabol. 

Pagkalabas ko sa kwarto ko ay nadatnan ko sila Kuya Apollo sa sala at nakita ko din na nakatitig sakin si Timothy kaya naman tinaasan ko sya ng kilay. Pero bakas sa mukha nya na para syang naiinis.

Anong problema nito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Destined With A Bad Boy (On-Going)Where stories live. Discover now