CHAPTER 3

722 21 0
                                    

Sleepover

You've got to be kidding me!

Sleepover din sila? 

Napatingin naman ako kay Timothy. Si Timothy ba 'to? Ang dami nyang pierce. Meron sa may noo, mas marami sa tenga at meron din syang lip piercing. 

Ang gwapo nya.

Hold on. Did I say pogi? What the heck! He's not handsome he looks cool lang pero hindi sya pogi okay? Hindi! Remember self sya yung muntik makasagasa satin kaya hindi sya pogi only Dustin is pogi in our eyes! 

"Bakit?" tanong ko sa kuya ko. 

"Wala lang." sabi nya lang. 

Dumating naman si Dustin kaya naman bigla akong kinilig. Ang ganda naman ng gabi ko mga sisteret. Andito sa bahay ko ang pogi kong crush. Enebe. Bago pa ako mahimatay sa kilig umakyat na ako dala ang pagkain namin. Muntik pa ako madama sa kakamadali. 

Pagkapasok ko pa lang napasimangot naman ako sa tatlo. Pambihira, nag-sleepover nga mga nagse-cellphone naman. Ang gagaling. Tumikhim naman ako pero parang wala silang narinig. Nilakasan ko para naman mas mapansin nila. Aba ayos talaga! 

"Hoy mga paknita ano cellphone na lang gagawin nyo dito? Kung pagsasakalin ko kaya kayo?" 

"Tagal mo kasi sis." bored na sabi ni Sophie. 

"Ikaw sasampalin kita ikaw nag-aya mag-sleepover dito sa bahay ko. Desisyon ka diba?" 

"Whatevs. Bakit kasi ang tagal mo?" tanong ni Sophie. 

Agad naman ako napangisi. "Andyan sila Dustin! Oh my gosh hindi ko ine-expect ang pogi nya kahit simpleng with shirt lang suot nya." sabi ko pa. 

"What the heck? Bakit andito yung mga yun?" tanong sakin ni Amber.

"Overnight daw sila dito." 

"Iww so gaya gaya. No originality." sabi naman ni Trixie at kumain ng pizza.

"So anong gagawin natin ngayon? Tutunga?" reklamo ko naman. 

"The usual. Inom!" sabi ni Amber. 

"Hoy bawal pa satin yun tsaka andito sila Mommy!" sabi ko naman sa kanila.

"Maglaro na lang tayo ng UNO. Kung sino matalo kailangan gawin ang dare. Ano game?" suggestion ni Trixie.

"Okay okay game!" sabay naming sagot. 

"Kunin ko lang kay Kuya yung UNO." paalam ko sa kanila. 

Lumabas naman ako ng kwarto ko. Malapit lang naman kwarto ni Kuya kaya hindi na din ako masyadong nahirapan. Kumatok naman ako sa pinto nya at pagkabukas ng pinto lumabas ang usok galing sa kwarto nya. Hindi na bago sakin yun. Alam ko namang nagsi-sigarilyo si Kuya. Nakita ko din si Timothy na nakaupo sa bean bag chair ni Kuya at humihithit din ng sigarilyo. Napatingin din sya sa gawi ko at tinaasan nya ako ng kilay. At ako naman ay tinarayan sya. 

"Ano kailangan mo? Walang yelo dito!" sabi pa nya sabay halakhak. 

"Ha! Lasing ka, susumbong kita kay Mommy!" pagbabanta ko pa sa kanya. 

"Sumbong mo sasamahan pa kita. Teka, ano ba kasing kailangan mo? Panira ka ng trip eh." 

"Pahiram ng UNO." 

"Wait ka lang dyan." sinarado na muna nya ang pinto. 

Naririnig ko naman na inuutusan ni Kuya si David na hanapin ang UNO pero naririnig ko din naman na panay reklamo din 'tong pinsan ko. Ilang minutes na ang lumipas pero wala pa din. Kakatok na sana ako ng bigla naman bumukas ang pinto at si Timothy ang nag-bukas nun. 

I'm Destined With A Bad Boy (On-Going)Where stories live. Discover now