Nagliligpit si Sab sa kwarto habang nagpapatugtog sa desktop ng playlist niya.
Di pa rin maalis sa isip nya si kuya Edmund.
Ang cute talaga ni kuya Edmund! Nangingiti na wika ni Sab sa sarili niya.
Di maalis ang ngiti sa labi nya at ramdam pa rin niya ang kilig ng magkita sila ni Edmund kanina.
Haaaaalaaaaa!!!
Ang cute niya talaga grabe!!
Tapos pag ngumingiti siya, pamatay!Edmund R. Madrigal...
Kinikilig na naglulundag si Sabrina sa kama niya.
Ayiiiiieeee!!
Teka Sabrina S. Agoncillo ...
Kalma lang .. kalma ka muna ...Humihingal na humiga si Sab sa kama habang abot tenga ang ngiti.
Hehe ...
Makapunta nga kila Via mamaya.
Kakamustahin ko si Via.Malay natin ...
Anduon si kuya Edmund.
At
Muling nagsisisipa at nagpagulong gulong sa kama ang kinikilig na si Sabrina habang kagat kagat ang kanto ng yakap niyang unan.__________ 😍
"Tao po?"
"Via..."
Nakakatatlumpong minuto na nakatayo sa labas ng gate si Sab. Walang sumasagot sa kanyang pagkatok at pag doorbell.
Bakit kaya walang sumasagot o lumalabas man lang...?
Ilang minuto pa at nagbukas ang pinto.
Si Edmund!
Swerte!!!Magulong buhok at pupungas pungas na Edmund ang humarap kay Sab.
Naka blue na Tshirt at kupas na maong."Sorry ha?" Wika ni Edmund habang binubukas ang gate.
"Baby bilis mo... iniiwan mo naman ako magisa eh." Isang malambing na tinig ng babae na nagmumula sa bahay.
Napatingin si Sab sa pintuan ng bahay papunta kay Edmund.
Nahalata ni Edmund na nagtataka si Sab sa natinig niya.
Napangiti si Edmund kay Sabrina.
"Si Alex yun, kaibigan ko. Bumibisita lang kasi bakasyon." Natatawang sagot ni Edmund.
Pagkakita pa lang sa ngiti ni Edmund muntik na mapaupo si Sab sa kinatatayuan nito.
Anak ka nam ...
Ayun eh oh ...
Mga ngitiang ganun ...
Makahulog panga lang eh ..."Eh kuya, bakit baby??" Naguguluhang na tanong ni Sab.
"Ah eh ... trip niya ako tawaging ganun eh.. hehe .." sagot ni Edmund habang sumusunod kay Sab papasok sa bahay.
Isang maputing babae ang lumabas ng kwarto ni Edmund. Nakapula itong sleeveless na manipis na blouse at napakaikling maong na shorts.
"Baby, i miss you na... you are so kainis..." nakangusong wika ni Alexandra.
Wow tibay ng ngala-ngala nito ah!
Di man lang mahiya sakin may pababy-baby pa kay kuya Edmund!Maputi ka lang teh!
Nakasimangot na pinanunuod ni Sabrina ang kilos ni Alex.
Ngunguso nguso pa itong kuhol na to'!
Makalinggis kay kuya kala mo ahas."Alex, this is Sabrina. She is my sister's bestfriend. She is like a sister to me too."
Ouch naman sa ganern...
S I S T E R?????May kung anong kirot ang naramdaman si Sab sa sinabi ni Edmund.
Kapatid lang...
Nakatingin si Alex kay Sab habang nakataas ang kaliwang kilay.
"Oh, okay. Nice meeting you Sab." Wika nito na para bang napipilitan lang siya na pansinin si Sabrina.
"Sige kuya, balik na lang ako mamaya. Wala pa yata si Via." Sabi ni Sab habang nakayuko.
"Ching-ching, hintayin mo na lang. Kung gusto mo dito ka muna sa sala. Magpupunta lang kami sa ilog ni Alex. Gusto daw kasi niya magpicnic." Sabi ni Edmund habang sige naman ang linggis ni Alex sa kanya habang nakasandal ang ulo sa dibdib ng lalaki.
Anak ng kambing talaga!
Ang haliparot naman ni ate...
BUUUUSSSEEET !!!!

YOU ARE READING
Wicked Games
Romance"Pag nagmahal ka ba dapat ba nagtitira? Paano ba magtira para sa sarili? Kapag ba mahal mo dapat ibinibigay mo ang lahat?" Naguguluhan na si Edmund sa mga pinagsasabi ng kausap. "Paano kung iiwan ka lang pala niya tapos di mo alam kung babalik pa...