Chapter 7 ~ TRISTAN KIM

92 23 3
                                    

"Ang astig naman nung Tristan Kim!" Sabi ni Klariz.

"Tss... ano astig dun? Eh kay yabang yabang! Akala mo pogi! Mukha namang pogita!!!" Sagot ni Sab na banas na banas sabay kagat sa kinakaing sandwich.?

"Maiba ako. Alam mo ba yung chatsite na let'schatmoomoo?" Sabi ni Joselito.

Si Joselito ang class president nila at kasabayang nagrerecess nila Sabrina.

"Ahhmm.. parang nakita ko na yun nuong bakasyon." Sagot ni Sabrina.

"Punta kayo dun guys! Mababasa nyo dun ung mga grupo nila Borela nakikipagaway dun." Natatawa at excited na sabi ni Joselito.

"Sinong Borela?" Tanong ni Sab.

"Yung mga kaklase namin na nasuspended. Paano nakipag riot sa ibang school." Sagot ni Michelle.

"Pati nga yung bf ni Chris na si Nixon nadamay kasi sama ng sama kay Borela." Sabi pa ni Klariz.

"Si Chris? Yung vice president natin?" Tanong ni Sab.

"Oo siya nga." Sagot ni Klariz.

"Mabalik tayo kay Tristan, bakit parang nagaaway kayo kanina?" Tanong ni Klariz kay Sab.

"Paano unggoy yun. Di ako marunong ng language ng unggoy!" Pairap na sagot ni Sab.

Nagtawanan silang apat habang papasok naman ng classroom si Tristan.

--------------------- 😈🐒🐵

Katatapos lang maghapunan ni Sab at kasalukuyang naghuhugas ng pinggan ng marinig ang cp nya nagriring.

Iniwan ni Sab sandali ang hinuhugasan upang sagutin ang cp.

----------------------
SAB: Hello?
MICHELLE: Uy Sab! Punta ka sa let'schatmoomoo bilis!!!
SAB: Bakit ano meron?
MICHELLE: Basta!!!
SAB: Okay. 5 minutes andun na ako...
----------------------

Tinapos kagad ni Sab ang hinuhugasan at nagbukas ng computer. Pumunta siya sa let'schatmoomoo upang makita ang pinaguusapan. Gumawa siya ng User id. RockStarPrincess4U.

Hmm ... mukhang ang daming nakalogin ngayon ah.

Pumasok siya sa mainroom.

--------------------
ThugBoy: oy biboy! Magpakita ka! Babangasin ko mukha mo!!

Biboy: thugBoy dalhin mo tropa mo dadalhin ko tropa ko!

ThugBoy: sabihin mo kung saan at kelan kumag!

Biboy: ngayon na gusto mo?!

ThugBoy: ang yabang mo gago! Ngayon na!!

Biboy: sure boy! Saan? Gusto mo sa kanto?

ThugBoy: sige sa kanto!!

Biboy: sige sa kanto ng mukha mo!!
Hahahaha!!

ThugBoy: gago ka wag mo ako lolokohin!

Biboy: Easy lang boy gigil ka kagad eh.

Thugboy: gago!!
----------------------

Naisipan ni Sab na makisali sa usapan

----------------------
RockStarPrincess4U: naku bakla yang si Biboy. Nakita ko na yan. Bading yan. Tapos naglilipstick pa! 😅

Biboy: oizt RockStarPrincess4U wag ka sumali at umepal dito. Sino ka ba?

RockStarPrincess4U: ako ang syota ng lolo mo!!
-------------------

Sabay logout sa chat.

Tawa ng tawa si Sab sa ginawa niya.

Bahala siya sa buhay niya ngayon...
Hehehe ... bully ka ha, ngayon ikaw naman ibubully ugok.

----------------------- 😅😂😎

Badtrip na isinara ni Tristan ang Laptop niya.

Sino kaya yung RockStarPrincess4U...
Siraulo ng epal na yun ah.
Badtrip na araw.
Ipapasok lang ako ng eskwelahan sa pambabae pa. Tsk!!!
Tapos may katabi pa akong nerd na masungit.
Kala mo matalino. Ginagago pa ako porket akala niya di ako nakakaintindi ng tagalog.
Tapos eto naman RockStarPrincess4U, eepal epal.

Nagring ang phone ni Tristan.
Sinagot niya ito.

---------------------
TRISTAN: hello?
BIBOY: 'dre!!!
TRISTAN: oh 'dre! Sup?
BIBOY: 'dre may lakad tayo.
TRISTAN: sino ba 'dre?
BIBOY: si thugboy.
TRISTAN: geh 'dre. Count me in.
---------------------

Wicked GamesWhere stories live. Discover now