Once in a Christmas Day

113 2 4
                                    

December 24 na ilang oras nalang pasko nanaman, pero bakit ganun kasama ko naman ang mga mahal ko sa buhay, kaibigan at ang aking pamilya. Pero bakit ganun? parang may kulang? bakit naman kailangan yun pa ang maalala ko ngayong Pasko.. Ako nga pala si Mary Ann Clementine. Isang  simpleng babaeng nag bago ang pananaw sa pag-ibig dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan noong nakaraang pasko..

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 1 Pagpapakilala

June 11, 2012..Unang araw ng pasukan. Kasama ko ang aking mga kaibigan na sina Rie at Angel.. Magkakatabi kaming umupo sa iisang upuan at sabay sabay naming hinintay kung sino ang aming magiging adviser.. Masaya kami nung araw na yun, lalo na ako dahil talagang sinabi ko sa sarili ko na puro studies lang ako this year and NO LOVE LIFE crush lang pwede ;)

sumunod ang mga araw..

June 18, 2012.. Nagkaroon kami ng sitting arrangement sa classroom.. (Buti nalang sa likod ko pwinesto si Rie)-sabi ko sa sarili ko. May nalipat na isang guy sa tabi ko, matangkad siya, kayumangi ang kulay at gwapo naman.. Hindi ko inaasahan na ang katabi ko palang yun ang babago sa pananaw ko sa love life..

"Ahaha Wawa naman si Jeff!!! anlayo saamin!! hahaha" -sigaw ng kaibigan niya na si Seve, kilala ko siya dahil madalas kong naririnig ang pangalan niya last year.. Jeff pala ang pangalan netong katabi ko..

Nag daan ang mga araw pero hindi ko kinakausap si Jeff.. eh syempre hindi ko pa siya kilala eh..Isang araw nagkaroon kami ng group work sa Pilipino, at naging kagrupo ko siya, "si Mary Ann nalang leader natin." -sabi ni Jeff.. Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko.. Siguro dahil na din sa pag iintroduce namin sa napakarami naming teacher na bago.. Pumayag naman ang iba ko pang mga ka grupo. Edi syempre wala na ko magagawa  kundi ang pumayag nalang..

Ang pinagawa saamin ng teacher namin sa Pilipino ay kabisaduhin at kailangan naming i-recite ang tula na pina-assignment saamin. "sabay natin basahin lahat para mabilis nating makabisado" -sabi ko sa kanila.. Habang binabasa namin ng sabay sabay yung tula napapansin ko na tingin ng tingin saakin si Jeff at ngiti ng ngiti.. nang matigil kami natawa kami parehas  ng sabay "bat ka ba tingin ng tingin?" sabi ko.. "bakit hindi ba pwede?".. hindi na ko nasagot at ako'y nangiti na lang.

Pag-upo namin sa upuan ko nangulit siya puro kalabit dito kalabit doon. Kaya ako natatawa nalang ako sa ginagawa niya.. tapos naramdaman ko kinuha niya yung panyo ko na nasa desk ko "oh kase akin na yung panyo ko" natatawang sabi ko sa kanya. "wala kaya saakin" natatawang sagot din niya.. "akin na kaseeeeee" natatawangpakiusap ko. "yan na nga" sabay bigay ng panyo ko..  Nang nag uwian nakwento ko ang pangyayaring iyon kila Rie at Angel. "yieee ikaw Mary Ann ah, parang may gusto sayo yang Jeff na yan" -pangaasar ni Angel "hindi ah nangtitrip lang yun." -sagot ko  naman. "Baka bukas hingiiin na niyan cellphone number mo yieeee. Mary Ann luma-lovelife!" -dagdag na pangaasar ni Rie "hindi yan promise"..

_Kinabukasan_

Habang nag fa-flag ceremony kami, bumulong saakin si Jeff  "May cellphone kaba?".. "syempre"-sagot ko. "Ano ka Globe?" tanong niya..tumango naman ako.. "isulat mo yung number mo mamaya sa papel tas bigay mo saakin, text text tayo" -sabi ni Jeff.. "cge".. pagtapos ng flag ceremony, siya na mismo ang nagbigay ng papel at nagpahiram ng ballpen.."isulat mo dyan oh".. sinulat ko naman at binigay ko yung papel sa kanya.

_Recess Time_

"Uii Rie, tama nga hinala mo, hiningi nga niya cellphone number ko.." -Bulong ko kay Rie, "Sabi ko naman sayo eh!" sagot niya.. "Nako Mary Ann, mukhang may gusto nga sayo yang Jeff na yan ah"-singit naman na pagsabi ni Angel.. "Wala nga yan promise.. hiningi lang number may gusto agad?" tanong ko naman.. "Malay mo!" sabay na pagsabi ni Rie at Angel.

Pag Uwi ko sa bahay.. At pag silip ko ng aking cellphone may nag text saakin na unregistered number (sino kaya tong anonymous nato? O_o?) tanong ko sa sarili ko..

--cellphone--

 Anonymous: "Hi :))"

Ako:" sino po ito?"

Anonymous: "baby :))"

Ako: "huh?baby? wala po kong kilalang ang pangalan ay baby eh :)"

Anonymous: "kilala mo ko promise :)"

Ako: "Teka nga si Jeff to noh?"

Jeff: "Ang galing mo naman! nahulaan"

Ako: "ahaha"

**tuloy tuloy ang pag tetext namin  dalawa kung ano anong topic lang kung ano maisip, hanggang sa maitanong ko ang isang medyo personal na tanong:**

Ako: "Diba gf mo si Klarise?"

Jeff: "oo, pano mo nalaman?"

Ako: "Nakita ko sa fb mo"

Jeff: " ahh oo, mahal na mahal ko yun"

**************

Bat ganun, bat parang nalungkot ako na nalaman ko yun? nako hindi wala to baka inaantok lang ako..

patuloy padin ang pagtetext naming dalawa hanggang sa makatulog na ako..

pero ang alam ko lang  na iniisip ko bago ako makatulog ay.. Kung posible nga kayang may gusto siya saakin?? hindi imposible kasi may gf na siya at mahal na mahal niya yun..  pilit kong inaalis sa isip ko ang mga bagay na yun pero talagang hindi mawala..

Isang tanong lang ang talagang tumatak sa isip ko

Ano kaya ang mga mangyayari sa mga susunod pang araw?? ...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Once in a Christmas DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon