Chapter 3: Confirmed

20 1 3
                                    

May lakad kami ngayon ni Rie papunta sa SM, para bumili ng materials sa project namin..

"Rie, wait lang may titignan lang ako sa National" 

"Sige Mary Ann bilisan mo para makakain na tayo gutom na ko eh" -Rie

mabilis akong naglakad mula sa Jollibee papuntang National bookstore..Pag pasok ko sa National nakita, ko si Jeff, na..na..nakaholding hands si Klarisse..

Napaatras ako, dahil nararamdaman ko na tutulo na yung luha ko, tumakbo ako ng mabilis sa CR. pag pasok ko, hindi ko talaga alam kung ba't ako naiyak sa nakita ko..

Siguro..Siguro Mahal ko na nga siya..Mahal ko na nga si Jeff kaya ako nasaktan at napaiyak sa nakita ko.. Mali to, hindi dapat ako magkagusto  sa kanya, dahil unang una may girlfriend na siya at mahal na mahal niya to.. Isa lang ang dapat kong gawin ang Mag move-on..

Hindi na to dapat pang malaman nila Angel at Rie..

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyo ko, at hinilamusan ko muna ang mukha ko para hindi mapansin ni Rie na umiyak ako..

Habang naglalakad ako pabalik sa Jollibee, Sumagi sa isip ko na.. na sana ako na lang si Klarisse. Na sana ako na lang yung minahal ni Jeff..

Pagbalik ko sa Jollibee andun na ang mga kasama namin ni Rie na gumawa ng Project na si Kristel at Angel..

Buong araw malungkot ako, tahimik, lutang..

Tinatanong ako nila Rie kung bakit ako malungkot pero ang sabi ko, wala may iniisip lang ako, na ok lang ako..

Dahil kahit sabihin ko naman sa kanila ang nararamdaman ko, wala namang magbabago.. kaya pinili kong ilihim na lang at piliting kalimutan si Jeff.

Pag-uwi ko sa bahay namin, Madali akong umakyat sa kwarto ko.. Dapat mag sa-soundtrip ako, kaso pag play ko ng kanta ang tumugtog pa ay ang "Teardrops on my Guitar" ni Taylor ni Swift.. Lalong bumuhos ang luha ko, dahil damang dama ko ang ibig sabihin ng kanta niya..Pero Sana nga maging masaya siya kay Klarisse..

Oras na para saakin ang Iwasan siya.. ang kalimutan kung ano man tong nararamdaman ko para kay Jeff..

==========================================================================================================================================================

Once in a Christmas DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon