OJT

218 3 0
                                    

"OJT"

Pano mo ba masasabing mahal mo ang isang tao ?

Kapag hindi mo siya niloko ?

O kapag hindi ka nagtago sa kanya ng sikreto ?

Eh paano kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo ?

Matuturingan ka bang mabait na karelasyon o isang manloloko ?

♥♥♥

"bhe. San ka mag o-ojt ?" tanong saakin ng kaklase at kaibigan ko na si Alice.

"hmm ? Ewan. Hindi ko pa alam. Sabi kasi ni Jiro siya na daw mag-hahanap." sabi ko habang ngumunguya.

Nandito kasi kami ngayon sa mcdo. Meryenda lang. Kagagaling lang kasi namin sa school dahil pinapirmahan namin yung letter sa prof naming bakla para sa ojt namin.

"hay naku. Uma-asa ka lagi diyan sa boyfriend mong mukhang nakalunok ng gluta. Mamaya tapos ng bakasyon lahat-lahat hindi ka pa din nakakapag-umpisa." mahabang sermon nya.

Yep. Jiro is my boyfriend for almost a year.

"Al, ano kaba. Syempre meron na kong pinagpasahan ng requirements ko no. May tumawag na nga sakin kaso kung hindi sa greenhills eh sa may QC naman. Masyadong malayo no. Sayang pamasahe ko." pagdadahilan ko. Isa pa tream down ang allowance ko dahil wala naman daw akong masyadong babayaran dahil nga bakasyon. Saka for sure may mahahanap si Jiro na pwede kong pag-ojt-han na malapit lang sa bahay.

"hay nako. Tara, samahan mo nalang ako bumili ng damit."

♥~♥~♥

"hon, may nahanap na ko. Isang jeep lang pag galing jan sa bahay nyo." 

"sabi na nga ba ! Hahanapan mo ko eh. Haha. Love you" nakita ko namang umasim yung mukha ng bunso kong kapatid na si Daryl nung narinig niya kong nag 'I Love you' sa gwapo kong boyfriend.

Nandito kami pareho sa sala at nanunuod ng t.v habang nakasalampak sa couch.

Inirapan ko sya saka ko tinalikuran at inilagay sa kabilang side ng tenga ko yung cellphone ko.

"tomorrow may interview tayo ah. Agahan mo." sabi niya.

"yes dad." sabi ko naman. Para kasing matanda.

"Dara . ." warning nya saakin and na fi-feel ko na yung masamang tingin nya, yun bang warning look.

"what time ba interview ?" tanong ko nalang para hindi siya mainis sakin lalo.

"mga 9:30 daw. Sunduin kita ah. I love you." haay. Ang sarap talaga pakinggan yung mga salitang yun lalo na't galing sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam.

"love you too." yes. And I mean it. I really do love Jiro.

"yuck ate ! Kilabutan nga kayo !" nakabusangot na sigaw ni Daryl na parang diring-diri sa salitang 'I Love you.' palibhasa kasi walang love life.

Nag make face ako saka ko sya dinilaan haha ang pikon, ayun umalis !!

♥~♥~♥

"hey. Sorry, kanina kapa ?" hay, late nanaman ako sa usapan namin ni Jiro.

Tinaasan nya ko ng kilay at saka tinignan yung wrist watch nya.

"honey, sorry na. Si Daryl kasi eh may retreat mamaya. Sinamahan ko lang sya bumili ng mga kailangan nya. Utos kasi nila mommy eh." malambing kong sabi at hinawakan yung kamay nya.

Catching Feelings (One shot compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon