Love Retreat

64 4 0
                                    

"Love Retreat"

"okay class. Tomorrow bring that waver with you and kelangan may pirma na ng parent or guardian nyo. Kay ? That's all. Class dismissed"

"kyaah~! Sarahh~ sabay tayo bukas ah. Mga 3 am sunduin kita." sabi ng bessy kong si Katrina in a sing-song way na parang bata.

"wow ah. Parang ang layo ng bahay ko sa inyo. At saka di ka naman excited no ?" sarcastic kong sabi habang inaayos yung bag ko.

May reatreat kase kame bukas at apat na araw, tatlong gabi kami dun. Sa Zambales yun at 5:30 am pa ang alis pero two hours advance siya, kamusta naman yun diba ?

"eehh ano ka ba ! Para mauna tayo sa bus. Saka di ka na nasanay four talaga ko pupunta, yah know. Alam ko namang limang oras ka mag-ayos eh. Ayoko kayang ugatin ng kahihintay sayo sa bahay nyo." mahabang litanya nya.

Hindi ko talaga alam kung pano ko naging kaibigan tong madaldal na to eh.

At limang oras ako mag-ayos ? Tss. Grabe. Ang OA talaga netong babaeng to.

"ewan ko sayo. May seating arrangement na nga eh. Tara na. Yung sundo natin yung uugatin kahihintay satin eh." sabi ko saka sya hinila.

Bukod sa pagiging bessy ko, pinsan ko din tong madaldal na to. Nasa iisang compound kame pero hiwalay yung mga bahay.

Nagegets nyo ba ko ? Kumbaga nasa iisang bakuran kami pero hiwalay yung bahay.

"ah basta. Dapat maaga tayo. Sasabihin ko kay tita na magluto ng maaga." hay. Wala na talaga kong magagawa sa pagiging makulit neto.

"ouch~!" aray. Nabali yata yung tadyang ko. Jusme.

"Sar, are you okay ?" worried na tano ng ni Katrina habang chine-check kung buo pa ba yung kawatan ko.

Ilang beses ba kong tumalbog sa hagdan ? Oo sa hagdan lang naman ako nahulog.

"ahh~ yung likod ko Kat masakit" grabe nakakaiyak ang sakit ng balakang ko.

"ano ba naman yan Daryl ! Baket ba kasi dito kayo sa hagdan naghahabulan ?" galit na sabi ni Katrina sa kaklase naming si Daryl.

Hindi na ko magtataka kung siya nga yung naka bunggo sakin.

Makulet kasi siya, SOBRA. Loko-loko pati, pero infairness naman sa kanya gwapo sya.

"harang kasi kayo eh. Yan tuloy talo ng ko !" at siya pa ang nainis. Great. Ang bait talaga niya hindi ba ?

Aray T__T nabalian ata ako.

"aba ! At ikaw pa talaga ang galit ngayon ? Nakakabuntis na nga kayo't lahat-lahat naghahabulan parin kayong parang bata !!" galit na sabi ni Kat sa kanya.

Hindi ko naman narinig na sumagot si Daryl kaya tinuon ni Katrina yung atensyon niya sakin.

"Sar, kaya mong tumayo ?" tanong ni katrina.

Tumango ako saka sinubukang tumayo habang ina-alalayan nya ko.

"a-aray !" kelangan ko na atang ipa-ospital to. Baka hindi ako makasama ng retreat bukas.

Hay, wag naman sana.

"tch. Bwiset ka kasi eh !" bulyaw ni Kat kay Daryl.

"sorry na nga eh." sabi ni Daryl ng hindi mapakali.

Tinignan ko siya habang akay-akay ako ni Kat. Nakita ko siyang nakatingin sakin pero mabilis nyang inalis iyon ng makita ko.

"sorry. Sorry. Tulungan mo nga ko dito !" demanding na sabi ni Kat sa kanya.

Catching Feelings (One shot compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon