Ako si Rainier Alison Lewis kung ano ang kinaganda ng pangalan ko kabaliktaran naman ang sa buhay ko.
Ako na yata ang pinakamalas na tao sa mundo , bukod sa di ako biniyayaan ng mabuting pamilya (ampon kasi ako, ampon na nga sa maling pamilya pa ako napunta) , magandang buhay (akoy isang dukha) , mga kaibigan (oo wala akong kaibigan haha wala naman kasing kabaitan ang tumatagaytay sa dugo ko), at lablyp!!! (NBSB kasi ako.. No boobs since birth ^^ chos~ No boyfriend since birth pala).
Ang buhay ko ay di gaya ng sa fairy tales , may prince charming, god/goddesses, fairy god mother, queen, king and I'm not a princess..
Witches nalang ata ang nanatiling totoo sa buhay ko..
At alam mo bang may crush ako?
Oo! Di naman ako abnormal noh!So ayun isang araw bigla siyang lumapit sakin, kaya ayun sobrang kinilig ang butete sa tiyan ko! 😂
Gusto daw niyang makipagkaibigan (nadismaya ako mga bes! Syempre gusto ko more than friends!)
Months later naging close friend ko siya
Ang sweet niya sakin.. Syempre ako unti-unti naring nahuhulog sa kanya pero lintik! Pinaasa lang pala ako!
Ginawa akong panakip butas ng gago!Binalikan niya ang ex niya at iniwan akong nag-iisa!
Syempre nasaktan ako kaya naisipan kong magbakasyon sa Korea! Chos!
Wala nga akong perang pampa-aral sa sarili ko papuntang Korea pa kaya?
Sana naman maawa sakin si Lord at bigyan niya ako ng prince charming!
Yung mabait, caring, sweet at maarugang Prince charming!------
A/N: Bibigyan kaya si Alison ng prince charming ni Lord?Abangan!!!!!
BINABASA MO ANG
A Love To Last A Lifetime
De TodoAng istorya pong ito ay likha lamang ng malikot na utak ni Author ang ano mang pagkakatulad ng pangyayari , pangalan o lugar sa ibang istorya o imaging ma totoong buhay ay hindi sinsadya at nagkataon lamang. Ang istorya pong ito ay bawal kopyahin, k...