Niyakap niya ito. Halatang nabigla ito sa sinabi niya. Hindi ito gumanti ng yakap sa kanya kaya bumitaw siya.
Nakatingin ito sa kanya nang nangingilid ang mga luha.
Hinawakan niya ang pisngi nito at pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata nito.
"I love you" Madamdaming sabi niya.
"Bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa?" Sagot nito.
--------
Hindi na nito naitago ang hinanakit. Matagal na niyang alam na may gusto ang bestfriend niya sa kanya pero di niya iyon pinapansin dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila. Ito ang unang sinabihan niya tungkol sa pagkatao at ito din ang kasama niyang magsabi sa mga magulang niya.
--------
Tinanggal nito ang kamay niya sa pisngi nito at marahas na pinunasan nag sariling luha.
"Bakit ngayon mo lang sinabi yan, Aya? Ano pang magagawa niyan,huh? Bakit, por que sinabi mo yan, hihiwalayan ko na si Sky? Dahil lang sa sinabi mo yan , tatakbo ko sayo ng nakangiti na parang wala lang?"
--------
Nahihirapan siyang tignan si Kara na nasasaktan. Hindi niya gusto iyon. Matagal na niyang gustong aminin ang nararamdaman pero huli na dahil nalaman na lang niyang sinagot na nito si Sky.
Hindi nga sinasadya iyon. Nakita lang niya ang mga dalawa sa paboritong restaurant ni Kara kasama si Sky. Nagulat nga din ito ng makita siya doon. Wala na itong nagawa kung hindi sabihin na sinagot na nito si Sky. Hindi na sila katulad ng dati pagkatapos ng pagtatagpong yun. Iniwasan na muna niya ang mga ito.
Nito ngang nagdaang kaarawan ng ina ni Kara ay inimbitahan sila. Family friend kasi nila ito. Pero sana pala ay hindi na lang siya pumunta dahil un din ang araw na pinakilala nito si Sky sa pamilya nito. Umuwi na kagad siya pagkatapos nun samantalang ang pamilya niya ay nagstay pa.
Laking pagsisisi niya. Mahabang panahon ang binigay niya sa sarili bago niya napagdesisyunang kausapin ito.
Kahapon lang, nakita niya itong mag-isa sa library. Linapitan niya ito. Nagkamustahan lang sila. Ayaw niyang biglaan ito ng pag-amin niya.
"Kara, pwede ba tayong mag-usap ulit?"
"Ano kaba? Bakit mo pa tinatanong yan? Siyempre naman,noh. Namiss ko ung ganito." Nakita niya na sincere ito sa sinabi.
"Oo nga,eh. Ahm, pede ba tayong lumabas sa birthday ko?" Alanganing tanong niya.
"Ay,oo nga pala sa isang araw na un!" Sabay hampas sa braso niya.
"Ayan!Ayan ung isa pa sa namimiss ko sayo, ung panghahampas mo." Masayang pahayag niya.
"Ay,sorry! Ano nga palang gusto mong regalo?"
"Basta makasama lang kita, ok na."
"Ayan ang gusto ko, eh, ang tipid mong kaibigan." Pabirong sabi nito sa kanya. "Sige, sige, magpapaalam ako kay Sky."
At ngayong birthday nga niya napagdesisyunang ipagtapat kay Kara. Naalala nya na gustong-gustong nitong pumunta sa Enchanted Kingdom kaya lang ay naunahan na naman siya ni Sky dahil dito din pala galing ang dalawa kahapon. Sa iba na nga niya gustong pumunta pero mukhang nabitin ito kahapon kaya dun din sila natuloy.
Umaga pa lang nang umalis sila. Buong isang araw niyang nakasama si Kara, birthday pa niya. Bumalik ulit sila sa dati, masayang kuwentuhan at tawanan. Hindi sila naubusan ng kuwentuhan kahit nung pauwi na sila.
YOU ARE READING
One Day, One Chance (Kaye Cal Song Fic)One Shot
FanfictionI was listening to Kaye Cal's "Isang Araw" when the idea popped into my head... I was like... "What happened after?" So, hence, the story is about what happened when she asked for that one day. PS. This is purely coming from my imagination, ok...