Stupid Decisions

42 7 9
                                    

Pagkagising na pagkagising ko tumakbo agad akong papuntang sink sa cr at doon sumuka.

Ilang araw ko na itong nararanasan. Ang pagsuka tuwing umaga, ang pagkain ng kung ano ano at kung ano anong morning sickness.

Para saakin sign ito na magkakaroon ako ng baby. Nakakaexcite malaman kung totoo ngang may little angel na akong dinadala.

Agad kong kinuha ang pang pregnancy test na binili ko kahapon. Hindi naman halata na excited akong malaman no? Hahaha

Nang makita ko ang resulta I jumped for joy! I'm so happy!! Ikaw kaya biyayaan ka ng anak, Hindi ka magiging masaya?

I'm so happy talaga but suddenly I felt nervous. What if hindi pa niya gusto magkababy? What if hindi pa sya maging ready sa pagiging tatay? What if kung ayaw nyang akuin? What if? What if...

Ugh! Stupid "what if's". It's making my brain crazy!

Haiist. Makapagsulat na nga lang sa aking diary. Oo, Diary as in sulatan ng mga nangyayari sa buhay mo or kung saan mo nilalagay ang mga bagay bagay na nangyayari sayo. So cliché right? I'm an adult but still nagsusulat pa rin ako. Parang elementary student lang? Lol. Gusto ko lang isulat kung ano yung mga nararamdaman ko. That's my way eh. Hahahaha

Dear Diary,

Diary!! I'm so happy na may darating na little angel sakin. This is such a blessing. Thank you Lord that you gave me this. Sana akuin sya ni Gray. I'm so excited to tell him. Can't wait to see you my little angel!

~Magandang Lara

Bwahahaha. Magandang Lara talaga. Libre mangarap! It's a free country. Hahaha

Sasabihin ko na kay Gray ang magandang biyaya na ito.

To: Gray

Let's meet. At the park. 3pm. I have something to tell you.

Message Sent

*FAST FORWARD*

5 minutes akong nag hintay bago dumating si Gray.

I have something to tell you too. Sabi ni Gray

Sige ikaw muna. Sagot ko sakanya

May nase-sense ako na hindi maganda ang kanyang sasabihin. Kinakabahan ako. Feeling ko........

Ahm. Lara. Aish! Paano ko ba sasabihin sa iyo ito? Ugh. I want to break up with you.

I want to break up with you.

I want to break up with you.

I want to break up with you.

Break up with you.

Break up with you.

Paulit ulit sa utak ko ang mga katagang iyon.

Those words. Those words teared my heart into pieces. Hindi ko inaasahang yun ang kanyang sasabihin.

Ang kaninang hawak kong pregnancy na nagsasabing positibo na buntis ako ay itinago ko muna sa aking bag na dala dala.

Kung sasabihin ko sakanya ito baka mapilitan lang sya na bumalik sakin. Babalik sya sakin dahil lang sa anak namin.

Bakit? Tell me, may iba ka na ba kaya ka nakipaghiwalay sakin? tanong ko sakanya

Oo. Simpleng sagot pero ang lakas ng impact saakin nun. Tao rin ako. May pakiramdam din ako. Sobrang sakit isipin.

Stupid Decisions (One Shot)Where stories live. Discover now