2

780 15 0
                                    

Pumasok na si Den sa room nila and she's still thinking about the moment. Nakatingin naman ang mga kaibigan nito ang ngiti ni Den na parang nasa kung saan kaya inasar sya ng mga ito.

"Uyy." Pang-aasar ni Ella.

Napatingin si Den kay Ella na ngayon ay nagpapalit na ng damit pang-itaas. "Bakit?"

"Ang swerte mo kay Aly no?"

All of the sudden napangiti nalang sya sa sinabi ni Ella. Normally kasi pang aasar lang binibigay ni Ella kay Aly at pag may compliment she does it in a sarcastic way.

"Aba mas swerte siya sakin no." She joked.

"Kapal mo!" Binato niya ang towel niya kay Den.

"But you know what?" Nakangiti siya habang hinihubad niya ang kanyang damit. "He's everything I want."

Napailing agad si Ella. "More of he's everything you need kasi before di ba-"

"Oo na." She threw the towel back to Ella. "Don't try to bring back the past."

"Sus dami mong arte eh kay Valdez rin pala ang bagsak mo."

Den laughed at the thought. "Oo na, sige na."

"See?" Ella giggled. "Magbihis na nga lang tayo."

"Okay sabi mo eh."

"Tara . Bawal tayong malate remember? We have an hour left." Dzi said politely as she reminds them of the time.

"Yes captain." They answered her in unison.

About fifteen minutes din kinain na oras ng dumating sila sa cafeteria. Lahat naman ay napalingon sa kanila.

"I can't believe that we're friends with chicks." Kim muttered while they were looking at them. "Hot." He adds.

"Hot pala ha? Isusumbong kita kay Mela." Pag-singit ni Vic sa sinabing iyon ni Kim.

"Bro I got my eyes on her-" Kim said. "All-the-time."

"All the time wushu, kahit mas hot pa kay Mela?"

"Yes naman."

"Tingnan natin yan."

"Inggit ka lang bro kasi ako may Mela ikaw walang Dennise." He said as he taps Vic right shoulder.

"Ehem." Nagparinig si Aly ng marinig niya na naman ang pangalan ng girlfriend niya. He's not used to it and never used to it. Minsan nga naiisip niya na sana hindi nalang sikat si Den walang tao pag uusapan girlfriend nya. Pero wala siyang magagawa ganun na ng makilala niya si Den, siya naman parang nadala lang nito at ng sinasabi ng ibang tao na sex appeal daw niya.

"Uy." Tinapik ni Den si Aly ng makatabi niya rito. Alam niyang may iniisip ito pero hindi niya alam kung ano.

Umurong siya agad ng makita niya si Den sa kanyang tabi, to give her space. Kinuha niya narin ang lunch ni Den na binili niya para rito. "No meat,  just veggies." And then he smiled at her.

"Thanks babe." Nakangiting sambit niya nang iabot sa kanya ni Aly ang kanyang lunch. "Are you okay?" May pag-aalalang tanong ni Den.

"Oo naman nandyan ka na kasi."

"Bolero." Natatawang sambit niya.

Natawa rin si Aly sa sinabi niya. Aminado naman siyang corny siya pagdating kay Den. But it's true, Den calms him.. and she's not even aware of it. "I love you." Bulong niya rito sabay halik sa pisngi ni Den habang kumakain ito.

Tiningnan ni Den si Aly ng hindi ginagalaw ang katawan niya, just her eyes. "May kasalanan ka ba sakin?"

He let out a soft laugh. "Kapag sweet ako sayo may kasalanan agad?"

"Just making sure." She giggled. "I love you too." She assures him.

ConstantlyWhere stories live. Discover now