Ito na ang klase na kinatatakutan ng lahat, Math class, Quantitative Techniques in particular. Sino ba naman ang hindi sasakit ang ulo sa pinaghalo-halong numbers na hinaluan ng kung ano anung equations. Nagsimula na magbigay ng long exam ang kanilang professor.
May ibang silip ng silip sa katabi, may sinisipa ang upuan para mapansin at makakopya sa katabi. May binato ng papel para isulat ang sagot. May nag cr kasi dun iniwan ang libro para makakuha ng sagot.
Hindi nagkakalayo ang mga klase ni Aly at Den dahil hindi rin naman nagkakalayo ang course nilang dalawa. Den's currently taking her BS Biology and Business Administration degree while Aly's pursuing for his BS Psychology and also a Business Administration, same silang double degree.
Marami ang nahanga sa kanilang dalawa. Bakit? Dahil bukod sa sikat sila sa mga extra-curricular activities nila ay nagagawa rin nilang mag-excel sa kani-kanilang klase.
"Highest scorer for our long test last time are Ms Dennise Michelle Lazaro, Mr. Alyxis Valdez and Mr. Timothy Cruz. Keep it up." Taas noong binaggit iyon ng kanilang professor dahil iyon ang mga consistent na estudyanteng nakakapasa sa kanyang exams. "Pwede na kayong hindi magtake ng finals."
Another goal has been hit, relationship goals nga.
Hinatid na ni Aly si Den, tahimik lang ang dalawa dahil siguro napagod si Den ngayong araw na ito. Inalalayan naman ni Aly si Den makababa ng sasakyan.
"Masama ba pakiramdam mo?" Tanong muli ni Aly sabay hipo sa noo ni Den. Hindi ka naman mainit." Tumigil sila ng nasa harap na sila ng pinto ng bahay nila Den. "Alam ko na ang kailangan mo-" Nakatingin lang sa kanya si Den, seryoso ito. "Kiss?" Ngumuso siya sa harap ng dalaga.
Natawa si Den ng makita niya iyon kaya hindi niya naiwasang ilagay ang kamay niya sa labi ni Aly para maiwasan ang paghalik nito sa kanya. "Tigilan mo ako Alyxis." He hugged her from behind.
"Sana tayo na talaga forever."
Napatingin si Den kay Aly, at nagsalita ulit si Aly, "I want to stay like this forever."
Nagets naman agad ni Dennise ang gustong sabihin ni Aly, "We will stay like this forever babe except kung may aagaw sayo."
"Para namang magpapaagaw ako." Hinila niya papalapit sa kanya si Den, inilagay naman ng dalaga ang mga kamay nito sa balikat ni Aly. "Kaya nga sinasabihan lang kita, kasi kapag nagpa-agaw ka wala tayong forever." She chuckled. Hinalikan niya ng mabilis ang labi ni Den. "Mahal na mahal kaya kita."
Bago pumasok si Den sa bahay nila lumingon ito kay Aly, "Ingat ka." She smiled. "Kasi mahal kita."