Chapter 15: Chaos

14 0 0
                                    

Angel's POV

                  Naglalakad lang ako ng naglalakad sa woods at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Maaring kahit saan basta mawala doon kina Megan at Jescon. Ayoko ng manatili pa rito.. I should escape right now.

                  Nag-aalala na ako sa mga kaibigan ko. Ni isa wala akong makita sa kanila. At nakakatakot dahil ako lang ang mag-isa dito sa woods. Mahirap na... Baka ako na ang isunod nila Megan.

                   May nakita akong maliit na bahay sa gitna ng woods. Napangiti naman ako at naglakad patungo roon. Binuksan ko ang pinto at bahagyang pumasok rito. Napamangha ako sa nakita ko dahil maala-vintage style ang bahay na ito. Tinignan ko rin ang mga gamit at halatang luma na ito. May pamilya sigurong nakatira dito at in-abanduna itong bahay.

                   Hanggang sa may narinig nalang ako na scratch ng dahon. Napatingin ako sa bintana at nakita kong wala namang tao. Hanggang sa nakita ko si Megan na naglalakad patungo dito sa bahay na pinagtataguan ko. Napalaki ang aking mata ng makita niya ang mga mata ko.

                  Dali-dali itong tumakbo sa bahay at iniharang ko ang mga mesa at iba-ibang bagay sa pintuan. Nagbabasagan na ang mga baso at pilit na binubuksan ni Megan ang pinto. Napatalon naman ako at Hindi malaman ang gagawin. Hanggang sa may nakita ako CR at pumasok ako dito at isinara ang pinto. Narinig ko rin na nagsisiraan na ang mga kahoy ng pinto. Napasinghap ako ng hininga sa patuloy na pagsira ng kahoy sa pintuan at bigla kong iwinasak ang maliit na bintana gamit ang aking siko. Pilit kong ipinapasok ang aking sarili sa bintana at napahinga ako. Bigla ko nalang narinig sa isang tinig na tuluyan ng nabuksan ni Megan ang pinto. Pinipilit ko parin ipasok ang aking sarili ngunit hindi ko kaya. Masyadong maliit ang bintana pero sa tingin ko konting push pa at makakadaan rin ako. Payat naman ang aking katawan.

Megan: Nasaan ka na Angel?!!

                    Pinupush ko parin ang sarili ko sa bintana ng patahimik upang hindi agad mapansin ni Megan. Hanggang sa marinig ko nalang ang PAGBUKAS ng pinto ng CR.

Megan: Shit! Nandito ka lang pala!!!!!

                    Ipinasok ko na ang sarili at bigla na lang akong hinawakan ni Megan sa paa.

Megan: Hahahaha! Mamatay ka na Angel!

                     Aakmaing tutusukin ako ni Megan ng kutsilyo ngunit sinipa ko ang mukha nito at alam ko na napahiga ito sa sahig. Inilusot ko nalang ng inilusot ang making katawan at napasigaw ako. Ng sa BIGLA nalang akong lumusot. Napanganga ako dahil sa wakas nakalusot na ako ang tanging gagawin ko nalang ay ang humanap palabas dito sa woods. Tumakbo nalang ako ng tumakbo at naghanap ng daan palabas.


        

Deadly Friends II: The Deadly Finale [Director's Cut]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon