Chapter Five

8 0 1
                                    

Bakit kaya ganun ang love? Ang unfair eh. Pkshit lang! Kahit crush ko lang yun, masakit rin. 2 years?! Aba! Manhid ka na kung di ka masasaktan pag ganun.

Akala ko noon di siya paasa. Umaasa kasi ako na balang araw mapapansin rin niya ako, magugustuhan at mamahalin tulad ng pagmamahal ko sakanya.

Pero mali pala ako. Hays!

Totoo pala yung sinasabi nilang nakakamatay ang maling akala.

"Learn from your mistakes" sabi ng gagong katabi ko.

Sino bang di mababadtrip sakanya? Eh basta nalang nanghihila at wala pa naman kaming ginagawa kahit isa magmula nung hinila nya ko palabas sa bar. Nakaupo lang kami dito sa loob ng kotse niya. Nakaka bored. Ayaw pa niya kong iuwi sa amin. Nakakabadtrip. Kanina pa ko inaantok.

Pero pasalamat rin ako sakanya dahil inilayo niya ako dun sa demonyong lugar na yun.

"Pwede ba?! Iuwi mo na ko! Ala una na nang madaling araw, for pete sake Given!" Singhal ko sakanya.
Lalong sumasakit yung ulo ko sakanya eh.

"Tell me, my masakit ba sayo? Bakit mo hawak ang ulo mo?" At akmang hahawakan na niya sana ako ng pigilin ko. He's so concerned. Alam ko namang ginagawa niya lang ito dahil sa kaibigan niyang si Tyron.

"None. Please. Iuwi mo na ko. Inaantok na ko" I pleaded.

"Okay. Hinintay ko lang naman na mahimasmasan ka at tumigil sa pag iyak" sabi niya at inistart na ang engine ng sasakyan. Parang seryoso siya sa pagkakasabi nun. Pero alam kong pagkatapos nito, aasarin lang ako niyan.

Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa pisngi ko kaya nagising ako. Nakatulog pala ako sa byahe pauwi. Dala na rin siguro ng kalasingan at inaantok na talaga ako.

"Andito na tayo" sabi niya. Tinignan ko ang paligid at nandito nga kami.

Huh?!

"Teka, paano mo nalaman ang address ko?" Nakapagtataka. Si Rayne at Jenicca lang ang nakakaalam ng address ko. Paano niya kaya nalaman?

Di kaya stalker ko to?

"I have my ways" aniya sabay kindat sakin. Yayks. Akala mo naman gwapo siya pag ginagawa niya yan! Bumaba na siya sa kotse at pinagbuksan ako.

Nakapagtataka na talaga.
Di bat kaaway ko to? Bakit parang ang bait sakin ngayon?

Oo pala, dahil brokenhearted ako sa kaibigan niya at nandito siya sa tabi ko para kunwari concern tapos pagkatapos nito, tatawanan lang ako at sasabihin kay Tyron ang mga pag-iiyak na ginawa ko kanina. God! Bakit ba kasi ako nagpahila sa gagong to.

"Tarantado ka ba?!" Biglang sigaw ko sakanya na ikinagulat niya.

"Huh?! Pardon?"

Aba! Aba! Nang aasar pa ata to at gustong ipaulit ang sinabi ko a?

"Sabi ko, tarantado ka ba?!"

"Huh?! Why did you say so?" Ang galing talagang umarte nito. Akala naman niya di ko nakukuha yung meaning ng mga actions niya.

"Alam kong nandito ka ngayon sa tabi ko dahil brokenhearted ako sa kaibigan mo. Spy ka siguro no? Na isusumbong ang mga ginawa kong pag iyak kanina sa bar at sasabihin mo kay Tyron yun pagkatapos pagtatawanan niyo akong lahat. Damn! Akala mo di ko malalaman ang pakay mo?!" Sigaw ko sakanya na ikinatawa niya lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNDECIDED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon