"Ang ingay naman dito!" Sigaw ko sa dalawa. Di na kasi maririnig ang normal mong boses dito eh.
"Kaya nga bar diba? BAR!" Sigaw rin ni Rayne.
Nandito kami ngayon sa bar na para sa mga estudyante lang.
Di naman ito yung bar na malalaswa ang makikita eh like nude dancing or pole dancing."Walang makakausap" bulong ko nalang sa sarili ko ng umupo na sila sa harap ko.
"Bat kasi di mo dinala si Wayne"
Hello? Wayne? Magiging enjoy naman kaya ang gabi na to kapag nandiyan siya? Sigurado akong pagbabawalan lang ako nun na uminom. Kaya nga pumunta kami dito para magpa cool kasi midterm na namin next week.
"Pano ka nga pala nakalusot dun?" Balik tanong ni Rayne sabay kuha sa baso na may light drink lang at ininom ito.
"Sinabi kong pupunta ako sa bahay niyo para magreview kasi midterm na next week."
"Naniwala ba?"
"Uhh. I don't know?"
"Wag na nga natin siyang pag usapan. Palagi na nga lang siya yung nakikita ko, nakakasama, pati ba naman pag wala siya, siya pa rin?" pahabol kong sabi.
"Uhh. Okay. So, how about let's start a topic with Tyron" suggest ni Jenicca na ikinatango ko na lang.
Perfect!
"Pansin ko lang Harriet a, di mo na masyadong bukambibig si Tyron these past few days eh"
Uhh? Oo nga no?
"Parang hindi na ikaw yung dating Harriet na gustong gusto si Tyron. Yung tipo bang kahit san siya magpunta, sinusundan mo siya"
I think, Rayne is right of what she said.
"Ayaw mo na ba sakanya?" Tanong nilang dalawa sakin.
"NO! It's not like that" I answered at tumungga rin ng maiinom. Medyo hard. Pangatlong drink ko na to, simula kanina.
Lumiwanag naman ang kanilang mga mukha sa naging sagot ko.
Gusto kasi nila si Tyron para sa akin. Ang bait kasi niya, talented, gwapo, gentleman. Na kahit ayaw niya sakin ay pinipilit pa rin ako ng mga saltik kong kaibigan.
Minsan nga, naiisipan ko ng sumuko pero, binibigyan naman ako ng mga positive thoughts nina Rayne at Jenicca, kaya sa huli, nagugustuhan ko pa rin siya. Ang daming umaaligid sakanyang babae pero wala siyang pinapansin. Hell yeah, he's a NGSB. No Girlfriend Since Birth! Hindi ko naman pinapangarap na maging 1st niya. Kung sana lang, eh pwede, bakit hindi?
Siya ang pinakamabait sakanilang magkakaibigan.
Si Jester? Ang gulo nun. Babaero, maloko, matakaw at mahangin. May pagka gentleman naman kahit ganun. 1 week lang ang pinakamatagal na babae para sakanya
Si Red naman, maloko rin, yun nga lang, ayaw sa babae. Mas adik pa nga siyang maglaro ng xbox kesa sa paghunt sa mga babae eh. kaya walang pag asa yung mga babaeng may gusto sakanya.
Ivan? Maloko, pero kung ikukumpara sa apat, siya ang may matinong utak. Gentleman rin. Matinik sa babae, gustong gusto niya nga kung hinahabol siya ng mga babae eh.
At si Given? Duhh! Nasa kanya na ang lahat! Lahat lahat! Ng masusuklam na ugali. Walang modo. Gago. Jerk. Pervert. Mahilig na mahilig sa babae. As in! Diba nga? Nakita ko pang may ka make out? Mygosh! Ang layo niya kay Red. Nakalimutan kong sabihin na magpinsan pala sila ni Red. Di halata diba? Well. That's life. Siguro kinakahiya ni Red yun. Duh!
"Harriet!" Sigaw ng dalawa sakin ng makitang wala ako sa sarili ko.
Bakit ko ba kasi ipinapakilala yung apat na yun?Ininom ko na lang ulit yung wine na nasa baso ko.

BINABASA MO ANG
UNDECIDED LOVE
FanfictionNapunta ka na ba sa punto na di mo na alam ang gagawin mo? Yung tipong pagpipiliin ka, just because of the stupid past of your family. ONE QUESTION. ONE ANSWER. FAMILY or the GIRL YOU LOVE? She's your Life, World, and EVERYTHING. Pero masasabi m...