Chapter 6

11.1K 256 6
                                    

Dianne

Nandito ngayon ako sa office ni Sir Keveen habang nagche-chek ng quiz namin kahapon, putspa talaga.

Blanko-blanko pa naman mga sagot ko dito, sabi kasi ni Sir Keveen pre-test lang to kaya naman kampante ako kahit wala ako masyadong nasagot.

"O, bakit mukha kang matatae na ewan dyan?" natatawang saad ni Sir.

"Sir? diba sabi mo 'di mo irerecord tung pre-test kung may nakakuha ng below 20?"

"Oo."

Nagdiwang naman ang kaluod luoban ko. Kinabahan pa naman ako kasi ako yung unang natapos pero 'di ko naman pinasa yun no, naghintay muna ako ng may magpasa bago ko ito pinasa. Pag-una ka kasing nagpasa iisipin agad nila na magaling ka't alam ang mga sagot. at isama na natin na wala talaga akong masagot nakalimutan ko kasing bashain ang hand outs na binigay ni Sir.

"Pero, nakadepende ito sa rami ng nakakuha."

Pashneyaaa!! Bakit nya pa dinagdagan? Okay na sana yun eeh.

Unti-unti na namang tumulo ang aking pawis na kani-kanina lang ay nawala. putspa talaga!

"Sir? pano po kung meron isang makakuha ng below 20?" tanong ko rito, dahil sigurado ako makakakuha ako nito.

Sana pala talaga nagreview ako ng mabuti at pilinit na pigain ang ulo ko.

"Edi yun na yun," sagot nito habang nasa laptop parin nakatuon ang pansin. "Teka nga, 'di mo naman tinutukoy ang sarili, diba?" dagdag nito na ngayon nasa akin na nakatuon ang atensyon.

Para naman akong nabulunan at 'di agad ako makasagot, kaya naman tumawa ito at ngumisi ng nakakaloko. 'yan talaga parati ang napapansin ko kay Sir Keveen, ang nakakaloko nitong ngisi.

"di po ah,"

Bakit pa kasi napaka-palatanong ko? 'yan tuloy natunugan ako ni Sir.

Ngumiti ulit ito ng nakakaloko para may naiisip na magandang plano, ngunit sigurado akong 'di maganda to para sakin.

"Okay, Sa tatlong makakakuha ng high score ay lagyan mo ng +5 at sa nakakuha ng pinakababang score na below 20 ay bigyan mo ng -5."

Para naman akong napagsukluban ng lupa. Ang unfair! Dapat tatlong mababang scores rin ang bibigyan ng -5.

"Sir, ang unfair naman 'ata non? yung tatlong high score +5 tapos yung pinakalowest na below 20 ang score ay -5, diba dapat tatlo ring lowest score Sir?"

"Binigyan ko kayo ng hand outs, right? kaya walang dahilan para may makakuha ng below 20." saad nito.

Wala na talaga. Finish na. Tapos na ang maliligayang araw ko.

'di ko nalang ito sinagot at nagpatuloy nalang sa pagche-check.

Mukang 'di ata panig saakin ngayon ang kapalaran kasi nagkataon papel kuna ang iche-check ko ng biglang pumunta si Sir sa may likuran ko.

"Oy, kaninong papel yan?" nakakaloko nyang saad dahilan upang ikapula ng aking mukha.

"A-akin Sir."

"Sinabi ko na nga ba eh! 'di mo binasa yung hand outs, tama?"

"Nakalimutan ko kasi Sir." dahilan ko rito.

"Well, thats not an excuse. Mabuti pa'y isali mo na itong quiz sa ibang set naicheck at baka sakaling matataasan ko ang iyong score." tugon nito.

Lumakad ito sa kanyang lamesa at binuksan ang isa sa mga drawer nito at kinuha ang napakaraming bundol ng papel na syang kinabagsak ng langit saakin.

Inilapag ni Sir ang napakaraming papel sa harapan ko.

Mabuti nalang at mamaya pang 1 ang klase ko, 'di parin yun mabuti. Sigurado akong pagmamaktulan ako ni Kahon mamaya sa oras na 'di ko masasabayan ito sa tambayan.

"Sir? pwede bang mamayang 3 ko nalang ito tatapusin? Hinihintay po kasi ako ng kaibigan ko sa labas."

Ngumiti lamang ito bago nagsalita na inalaglag ng panga ko. "Edi isama mo na yang kaibigan mo rito, at dito narin kayo kumain tutal lunch break naman maya-maya."

Teacher's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon