Chapter 19

8.4K 167 17
                                    

Dianne

"Anong meron sa building nayun?", Turo ko sa lumang building na pinagkakaguluhan ng mga estudyante.

"Ewan, baka artista?"

"Baliw! Anong namang gagawin sa lumang building aber?", Kahit kailan talaga kung ano-ano ang naiisip ng isang ito.

"Baka shooting sa horror film nila."

"Alam mo?, pwede kanang mag-abugado. Ang galing mung palusot ehh. Tyaka ang dami mung alam na rason."

"I know right."

Hay, Ayaw ko ng patulan ito. Hahaba lang ang diskusyon naming dalawa.

Nakatingin lang ako sa lumang building ng maalala ko si Chris bigla. Nasaan na kaya yun? Malapit na palang mag-alas onse ng tanghali.

Kanina pa ito hindi pumasok. At hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit ito hindi nakapasok. Kanina ko pa nga ito tinetext pero ni isa ay hindi nito sinagot. Tinawagan ko rin ito pero out-of-coverage-area palagi ang sinasabi.

"Nasaan na kaya ngayon yun.", Bulong ko sa kawalan habang ang tingin ay nasa langit.

Meron akong kakaibang nararamdaman kanina pa, yung parang may hindi magandang nangyari.

"Hay nako! Kanina pa nga kayo nagkita tapos miss mo na agad? Ang landi mo bhe!"

Inikutan ko nalang ito ng mata.

"Kawawa yung lalaki no?"

"Oo nga ehh, sino kaya ang kayang gumawa ng ganoong krimen. Im sure hindi kaya iyong ng isang estudyante."

"Yeah. Agree ako sayo."

Napalingon ako sa napadaan saaming harapan. Anong krimen? Di ko gets. At gaya ng inaasan may pagkatsismosa itong si Box kaya tinawag nya ang dalawa.

"Anong chika nyo?", Tanong nya sa mga ito.

"Ay nako, may pinatay duon sa lumang building. Nakakaawa nya ehh. Hindi na makilala ang itsura.", Sagot nito kay Box.

"Sa department nyo yun, nakaABM departamental shirt kasi.", Dagdag ngkasama nito.

Para naman akong nabuhusan ng tubig sa sinabi nito. Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Wag naman sana si Chris. Wag sana.

"Sige una na kami.", Saad nila bago tuluyang talikuran kami ni Box.

"Hoy! Wag kang nega dyan. Malakas yung boyfriend mo ouii. Kaya nun na protektahan ang sarili. Ang laki kaya ng braso nun.", Ani ni Box. Alam kung pinapakalma nya lang ako.

Sasagot na sana ako ng nagvibrate ang cellphone na hawak ko sa kaliwang kamay. Agad akong tumalikod at tignan kung sino ang tumatawag.

Crazy Calling....

Para ulit akong nabuhusan ng isang baldeng tubig. Ito yung palaging nagtetext saakin na layuan ko si Chris. Matagal na itong nagtetext saakin, hindi pa kami ni Chris nun. Mukang the day after na pumasok nila Sir ay nagsimula itong magparamdam saakin.

Nung una ay sweet ang mga text nito. Sinasabayan ko rin ito. Nagpakilala itong Eeven. Sya daw yung admirer ko. Halos araw-araw kaming nagtetext at nagtatawagan bago matulog at pagkagising.

Pero nag-iba ito ng sinagot ko si Chris. Binalaan ako nito na kung manliligaw si Chris ay wag kung sasagutin. Mula sakanyang text ay masasabi kung sobrang lapit ko lang dito, nakakasalamuha ko lang ito. Dahil kung hindi paano nito nalaman ang tungkol kay Chris. Wala ngang alam ang iba naming kaklase.

Mula ng sinagot ko si Chris ay nag-iba ang mga text nito saakin. Palaging nagbabanta. Papatayin nya raw si Chris at ang pamilya nito pero hindi ko pinaniwalaan yun dahil akala ko nagdadamdam lang ito.

Nangngi-nginig ko itong sinagot,

"H-hello?"

"Binalaan na kita pero hindi ka naniwala. Hindi mo pa sinasagot ang mga text at tawag ko. Kaya napagpasyahan kung despatsyahin ang sagabal sa relasyon natin."

Hindi ako makasagot sa sinabi nito. Hangang sa marinig ko nalang si Box na sinigaw ang pangalan ko. Unti-unting nagdilim ang paningin ko bago ko pa malingon si Box.

Box (Kahon)

"Dianneeeeeeee!", Sigaw ko ng bigla itong natumba. Agad ko itong nilapitan at tinapik-tapik ang kanyang pisngi nagbabasakali na sa pamamagitan nito ay mababalik ang kanyang malay.

"Manyak? Tulungan mo kami.", Tawag ko kay Lyndon ng makita ko ito sa may hagdanan. Naiiyak na ako. Agad naman itong napalapit sa pwesto namin.

"Anong nangyari?"

"Nahimatay sya.", Sagot ko rito.

Hindi na ito nagsalita at binuhat na si Dianne. Sinundan ko lang sya papuntang clinic. At sakto namang pagbukas namin ng clinic ay bumungad saamin ang mga artistang nakahiga at natutulog ng mahimbing.

Nag-init naman agad ang ulo ko.

May nakita akong stainless tumbler sa table ng nurse sa school kaya agad ko itong kinuha at hinampas sa sahig dahilan upang mapabangon ang ilang artista. Kita sa mukha nila ang gulat.

Surprise motherfuckers!

"Oppss sorry.", Paghingi ko ng depensa dito kahit na sinadya ko. "Oo nga pala, pinapasabi nga pala ni Sir Deveen sa lahat daw umaacting lang dito ay mabuting lumabas na dahil papainumin daw ang nandito ng ____ ."

Agad namang tumayo ang mga kaklase namin. Yes right! Mga kaklase ko! Kabilang rin kami ni Dianne dati sa mga ito, artista squad, pero ngayon ay hindi na, kasi we found a better place.

Agad naman inihiga ni Lyndon si Dianne ng magkaruon na ng bakanti. Halos lahat ng nakahiga rito kanina ay umalis na. Takot pala sa gamot na lasang kalawang.

"Okay ka lang?" Pagbaling ni Lyndon saakin.

"Oo."

Niyakap ako nito at hinayaan ko nalang dahil wala rin akong ganang makipag-away pa rito.

Teacher's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon