TRAINING SA BUS

36 0 0
                                    


Bus to basurahan

Makalipas ang tatlong araw ay nakatanggap si Tim ng isang text message na nagsasabing "Congratulations, You've passed the Interview and the Exam and there will be a bus that would pick you up at this date and time. We expect you to be ther and please don't be late". Ngunit ilang araw hindi makita ni Tim ang kanyang telepono sa kadahilanan na napakaraming mga customer sa kanilang karenderya.

Dumating ang araw na kung kailan susunduin si Tim ng Bus, sa kalagitnaan ng madaling araw ay merong ingay na naririnig si Tim habang siya ay natutulog. Nang marealize niya na ito ay tunog na nanggagaling  sa kanyang telepono ay agad siyang bumangon sa kama at hinanap kung nasaan nakalagay ang telepono niya.

Nang makita niya ang telepono na nakalagay sa isang basket kasama ng mga sibuyas kinuha niya agad ito at nakita na merong 15 messages at merong kasulukuyang natawag sa kanya pero number lang ang nakalagay. Sinagot niya ang tawag at bigla siyang humarurot ng takbo sa kanyang kwarto.

Nabulabog naman ang kanyang tiyahin na biglang nagising sa ingay na ginagawa ni Tim, pinuntahan ng tiyahin niya si Tim sa kwarto at nakita itong nagmamadali na nagbibihis

                          "Ano bang nangyayari sayo Timang at nagkakalabog ka dito?" Sabi ng Tiyahin

                   "Late na ako tyang, natanggap ako sa Inaplayan kong trabaho, sinusundo nila ako ngayon sa may bus station" sabi ni Tim.

                "Ano?! dis oras ng gabi!" Pasigaw na sabi ni Tiyang.

              "Next time ko na ipapaliwanag alis na ako, pinagdadala nila ako ng 3 araw na damit baka di muna ako umuwi." nagmamadaling tumakbo papalabas si Tim pero bumalik siya sa bahay para humalik sa tiyahin at magpaalam ng maayos.

Nagmadaling Tumakbo si Tim papunta sa Bus Station, at ng makita niya ang lahat ng mga kasama sa bus na kakasakay lang at handa na itong umalis. Nang biglang umandar na yung bus at nagmadali na si Tim na tumakbo para habulin ang tumatakbong bus.

Nasa gilid ng Bus si Tim at kumakaway siya sa mga nakasakay dun at sumisigaw siya nang itigil yung bus at sasakay din siya, walang nakakapansin sa kanya hanggang sa may nakitang mga bato si Tim at dinampot niya ito at binabato sa bintana ng bus.

Sakto naman ang pagbukas ni Kenneth na nandun din na nakasakay sa bus, binuksan niya ang bintana dahil naiinitan siya sa loob ng bus, at bigla siyang tinamaan ng bato na hinagis ni Tim. 

      "Iniwanan nyo ko" Sigaw ni Tim. At pinatigil ni Kenneth ang Bus dahil merong sasakay.

Pagkasakay ni Tim ay nakita niya si Kenneth na kumakaway sa kanya at tinuturo yung bakanteng upuan sa tabi niya, kung kaya't dun na naupo si Tim.

"Salamat pre!" Sabi ni Tim kay Kenneth habang hinihingal.

"No Problem" sagot naman ni Kenneth. "Bakit ba late ka? hindi mo ba natanggap yung text kung kelan at saan tayo susunduin?"

"Nawala kasi tong cellphone ko, ilang araw ko hindi makita" 

"Buti na lang nakaabot ka, kundi hindi ka na makakasama sa training"

At sa sobrang pagod ay nakatulog ulit si Tim habang nagkukuwento sa kanya si Kenneth.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay biglang may pumasok na lalake na naka formal attire at nagpakilala "Magandang tanghali sa inyo mga aplikante, ako si Mr. Balasu Bus at ako ang magiging inspektor kung kayo ang karadapat dapat na magpatuloy sa aming kumpanyang smile industries"

Nagtataka ang lahat ng mga taong nakasakay sa kanya hanggang sa ilang oras pa lamang ay may mga sumakay na mga lalaki na nakasuot ng maskara ng clown at may hawak na mga baril.

Nagising na lamang si Tim ng nakita niya na ang lahat ng pasahero ay nagtatawanan ng malakas habang tinututukan ng baril sa kanilang mga ulo, nakita niya si Kenneth na tawa ng tawa sa tabi niya.

Biglang huminto ang bus na sinasakyan nila sa isang abandonadong sira-sirang building at isa-isa silang pinatayo at hinila palabas ng bus, at hindi parin sila pinapatigil ng mga taong ito na tumawa. Napansin ng isa sa mga nakamaskara na hindi tumatawa si Tim kaya hinampas siya ng malakas sa ulo at inutusang tumawa pero biglang nawalan ng malay si Tim.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Smile IndustriesWhere stories live. Discover now