Chapter 2

19 1 0
                                    

Ano nanaman kaya yung trip ni mama?Baka mamaya katulad yan sa mga nababasa ko sa wattpad na pag magmerge ang mga companies nila kailangang magpakasal ang mga anak nila. Huhuhu='( Ayoko nun. Pero baka naman hindi. Hindi naman kompanya dinadala namin eh.

"Ms. Mangubat!!! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo! Bingi ka ba?!"-maam

"Sorry ma---"

"KAKABREAK LANG NYAN NG BF NYAN! KAYA WALA SA SARILI."-classmate1

"HAHAHAHAHAHA!!"

Nagtawanan naman silang lahat.

"Quiet!!"-maam

"Ahm. Sorry maam. Hindi lang po maganda pakiramdam ko."

"Sige, i'll allow you to go to clinic."

Tulad nga nang sabi ni maam, nagpunta akong clinic. Actually hindi naman talaga masama pakiramdam ko may masamang kutob lang ako. Tsaka wala rin kasi ako sa sarili ko kaya mas pinili kong lumabas. Iniisip ko kasi yung sinabi ni mama kanina.

Buti nga pinapasok ako sa clinic. Makaidlip nga.

Drey's POV

"Ipapakilala na kita mamaya sa babaeng papakasalan mo ngayong sabado."-dad

"Ipapakilala na kita mamaya sa babaeng papakasalan mo ngayong sabado."

"Ipapakilala na kita mamaya sa babaeng papakasalan mo ngayong sabado."

Nag eecho sa isip ko yung sinabi ni dad kanina. Ewan ko ba kung ba't pagdating sa dad ko hindi ako makakontra.

*Booogssshhhh!!!*

"Aray ko!!"

"Tatanga-tanga ka kasi."-mart

"Time out nga muna ako."

"Sus,nagiisip yan sa luvlyf!"-ives

Natamaan na nga ako ng bola pagtawanan pa ako. Mga kaibigan ko ba talaga to?

Pupunta muna akong clinic para humingi ng gamot. Napalakas yata tama ng bola. Naalog utak ko eh.

*Crreeeek~*

(Sound effect ng door yan. Thahaha!!)

"Ipapakilala na kita mamaya sa babaeng papakasalan mo sa sabado."

Naalala ko nanaman yung sinabi ni dad pagkakita ko sa babaeng to. Teka, bat siya lang yung tao dito?

*Booogshh!*

Nahulog siya sa kama. Agad naman akong tumakbo sa labas baka mapagkamalan akong nangialam sa babaeng yun.

Pero tama bang iwan ko siya doon? Ano ba namang konsensya to? Binalikan ko siya sa loob at binuhat siya pabalik sa hospital bed.

Aray ko!!Shet!!Temptation!

Pwehh!!Ano ba tong pinagsasabi ko. Nasabit yung kamay niya sa ilalim sa mesa kaya napabagsak siya at dahil buhat buhat ko siya edi siyempre nasama ako. Ang lapit ng mukha ko sa kanya. Delikado to. May mga kama pa naman dito. De joke lang yun (^_^)v.

May biglang nag play sa utak ko na ako at siya kinakasal.

HANUBAYAN!!!Ganun ba talaga epekto ng pagkatama ng bola sa utak ko? Pati tong stranger na to pinag iisipan ko na ng kung ano ano.

*Crreeeekk~*

Napahiwalay ako kaagad kay girl.

"Aahh,ano...ahmm..."-ako

Lumabas nalang ako. Hindi ko alam sasabihin ko eh. Baka kung anong isipin ng young nurse na yun.

Pero kung sa kanya na rin lang ako ikasal, hindi ako magpapakamatay.

*Shakes head*

Nababaliw na ako. Hahay. Pero tama si konsensya. Siya kasi yung tipo ng babae na hindi naman kaaya-aya ngunit hindi naman nakakadiring pakasalan. Gets niyo ba?

-fast forward-

Jill's POV

Nasa bahay na ako ngayon at nag aayos para DAW sa MEET UP. Ewan ko ba kung bat kailangan talagang paghandaan ng husto. Nag general cleaning pa nga kami. Masyado naman tong exage si mama.

Okay. Nandito na ako ngayon sa tindahan at nagbabasa sa wattpad habang hinihintay yung imimeet up DAW! Hay nako.

"Anak. Ayan na sila."

Well nandyan lang naman si Drey.

Wait! WHAT?! Si Drey?! NO!!

"I'll give them 2 hours to know each other."

Papa yata ni Drey sabay hagis ng susi kay Drey. Teka, para saan yung susi at ano yung know each other? Huwag mo sabihing...

"Sumama kana anak."-mama

"Saan ako sasama?" pabulong kong tanong kay mama

"Sige na." sabay tulak sa akin ni mama.

Nanay ko ba talaga to?

Sumakay ako sa motor at TAKE NOTE. Nakaangkas ako sakanya!

Parang napapansin kong ang bagal yata ng takbo niya. Para lang kaming naglalakad.

"Ahm, ang bagal yata natin?"

"Hindi ka kaya nakahawak."

"Huh?Anong connection nun?"

"WAAAAHHHH!!!OO NA GETS NA KITA!!"

Bigla niyang hinarurot ang motor at ngayon gets ko na siya. Nakahawak tuloy ako sa kanya. Ito pala yung sinasabi nilang awkward. Now I know.

Saan kaya kami pupunta nito. Alam niya kaya ang pinaplano nila mama?

"Saan tayo pupunta?"

Hindi siya sumagot kasi nakarating na kami sa park.

"Anong gagawin natin dito?"

Hindi siya sumagot kundi nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Aba! Snob tong lalaking to.

Umupo siya sa may bench kaya umupo rin ako. Pero medyo  malayo ako sakanya. Wala ring tao dito sa park dahil na rin sa mag aalas nuebe na.

"Alam mo bang pinaplano nang mga magulang natin?"-Drey

"Ipagmerge ang bussiness natin.Ipapakasal nila tayo."

"Ano?! Ee,ba't parang wala lang sayo?"

"Hindi rin naman ako makakakontra. Tsaka para rin naman sa kinabukasan natin ang ginagawa nila eh."

"Pano mo nasabi eh makakasira pa nga sa kinabukasan natin to kasi maaga tayong ikakasal."

"Hindi naman tayo gagawa ng baby eh."

Matawa tawa niya pang sabi.

"Baliw!Pero seryoso.Hindi ka talaga kokontra sa gusto nilang mangyari?"

"Hindi na. Baka yun pang maging dahilan ng pag aaway namin."

"Mahal mo talagang dad mo no?"

"Siya nalang kasi ang natitira kong pamilya at siya na rin yung tumatayong nanay ko."

"Sorry to hear that."

"De okay lang. Namimiss ko narin siya. Namatay siya nung graduation. Nalaman ko na lang na wala na siya nung dinala ako ni papa pagkatapos ng ceremony sa morgue ng isang hospital."

Kawawa naman siya. Sa likod pala ng napakagwapo niyang ngiti may tinatago din pala siyang hinanakit. Pag kinasal na kami. Magiging mabuting pamilya ako sa kanya.

Drey's POV

Namimiss ko tuloy si mama. Matino naman palang kausap tong babaeng to. Hindi na ako gaanong o.a. nang magkita kami kasi alam ko nang siya pala ang papakasalan ko bago pa lang kami pumunta. Pero nang nalaman ko na siya pala laking gulat ko at nalaman ko na rin ang sanhi kung bat ganon yung mga lumalabas sa isip ko nung nasa clinic ako. Susubukan ko siyang mahalin para sa ikabubuti ng magiging samahan namin.

****************

My Husband [O N G O I N G]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon