Ang Simula

28 2 1
                                    

Paalala: Ang istoryang ito ay orihinal na akda ni Zireee05. Ang anumang pangongopya ay maituturing na illegal.
.....

I hate my life. Ayaw ko kung ano ang meron ako ngayon.

Dirty shoes.

Old clothes.

Plastic bag.

And cheap books.

Ayaw ko din sa walang kwenta kong school.

School kung saan nag-aaral ang mga mahihirap.

School na parang pinagtapunan lang ng mga binasurang tao sa lipunan.

And I don't want to be a trash like them. 15 years old na ko pero ganito pa rin ang buhay ko?tss. poor boy.

"Mommy can you please buy me that." turo ng batang babae sa ice cream.

" No baby. Dirty yun."sabi ng kanyang ina.

"please..." sabi nung bata. cute naman niya.

"Vans." teka! mama ko 'yon ah. Oh shit, 'wag ngayon. Binilisan ko yung lakad ko pero isinigaw na niya ang pangalan ko kaya napahinto ako.

"Vans! Anak."

" Ba't nanaman ma? 'di ba sinabi ko na sa'yo na 'wag kang pupunta sa school ko." bulong ko sakanya.

" Kasi anak naiwan mo yung baon mo" Ito nanaman tayo, Ano ba 'yan.

"Akin na."sabi ko sa kanya sabay lapad ng palad ko sa harap niya

" O."

" BENTE LANG?" tanong ko sa kaniya.

" Oo anak,'yan lang ang nakayanan ni mama e."

"SAYO NA! HINDI KO MAGAGAMIT 'YAN."sabay hagis ko ng bente sa lupa. Nakita kong nagulat ang nanay ko pero wala akong paki pinapahiya niya lang ako. Namula 'yung mga mata niya pero 'di ko alam kung bakit at ayaw ko na malaman pa. Inuubos ko lang ang oras ko.

" Sige aalis na ako anak" umalis na siya at 'di na nakuha ang pera sa lupa. kainis.

Pumasok na ako at syempre 'yung ginagawa ko mas lalo ko pang ginalingan.

....

" Hoy. pare magkano 'yang relo mo?"tanong ko sa ka-tropa ko.

" Pare mga nasa 500. Bili pa 'to ng mama ko para sa birthday ko."

"Ang cheap mo naman pare. Tingnan mo 'tong relo ko 1500 original pa. Bili ko 'to walang kwenta kasi yung nanay ko ayaw ako bilhan."Sabi ko sa kanila.

"Talaga pare? P'wede bang bilhin? mayroon ako ditong 200 p'wede na ba 'yun?"sabi nung kaklase kong kulot.

"Hay naku. Ang kukuripot niyo oh 800 bibilhin ko."sabi nung kaklase kong bakla.

"Sus, mga kumag talaga kayo. patingin nga"sabi ni keth. Bestfriend ko 'yan at 'yan ang pinaka mayaman sa amin. Well, model kasi ang mama niya at lawyer ang tatay niya. Model din siya ng mga sapatos kaya mayaman talaga sila kaya lang nag- aral siya sa public kasi sabi niya mas maganda ang turo dito kaysa sa mga private schools sa lugar namin. Bobo.

"Oh, ano na?"

"Original?"tanong niya sakin. Hindi ko alam sasagutin ko kasi napulot ko lang naman 'tong relo sa amin. Tambakan kasi ng basura ang komunidad namin.

"Oo naman! Mukha ba akong nagsisinungaling?"

" Ge. Oh, 2000 bibilhin ko."Uto-uto. Talino mo sana kaya lang sorry madiskarte ako 'yan tuloy nadadaya ka.

"Wala akong panukli,Buong 1000 pera ko e."but deep inside wala talaga akong pera.


"Hmm. Ok fine keep the change." Ayun oh! JACKPOT.

" Teka pare asan nga pala ang bag mo?"ako? bag?

"Ah, e ayaw kong dalhin baka madumihan galing kasing U.K yun eh"U.K? baka sa united kingdom of tambakan ng basurahan.

" Grabe ka pare yaman mo talaga." sabi ni kulot.

"G'wapo pa." sabi nung kaklase kong bakla.

Mga salot.

Inintay ko ng matapos ang klase at umuwi na ng bahay kahit na wala akong natutunan.

...

"Anak kain na." sabi ni mama. Nag unahan na ang mga kapatid ko sa lamesa at 'yung papa ko tulog parin.

"Hoy! tabi nga d'yan."sabi ko sa kapatid ko, tumabi naman siya. Umupo ako at kinuha ung isang tuyo.

"Maghati-hati na lang kayo diyan, may isa pa naman e."Sabi ko at tumingin lang sa akin 'yung dalawa kong kapatid. Tatlo kasi kami. Tiningnan ko lang din sila. hay naku!

" Oh, ito na! Sa inyo na lang, busog na ako."sabi ko sa kanila.

"Anak pero kailangan mong kumain" Sabi ng nanay ko, tiningnan ko lang siya ng masama.

"At hayaang 'di makakain ang mga kapatid ko? NG MAAYOS? No thanks."pumasok na ako sa k'warto namin at kumain na lang ng tinapay.

Ayaw ko mabuhay sa isang pangit na kasinungalingan. Ayaw ko na.
























One-Eyed ManWhere stories live. Discover now