"Lights, camera, action!" napamulat ako ng may biglang sumigaw. Ano ba 'yan aga- aga bulabog nanaman. PUTEK!KAINIS!I NEED PEACE!
Biglang may naririnig ako iyakan. Iyakan na akala mo wala ng Katapusan. kaya napumulat na ako.
Tangena! Nasan ako?
Teka bakit may nag-iiyakan? Ginalaw galaw ko ang katawan ko at laking gulat ng matauhan .
Pusang gala nasa kabaong ako?!
Biglang ibinaba na ang kabaong na kung nasaan ako. Hindi ko naman nakikita na nasa kabaong ako eh sa nararamdaman ko.
Putik! Pinilit kung hampas-hampasin yung salamin ng kabaong. E, itong mga yawang taong 'to ay parang walang pake at nag-iiyakan pa rin.
"Hoy mga GAG* buhay pa ko! mga kingina n'yo ilabas n'yo ako dito!" nagulat ako ng biglang nagdilim at lumiwanag ulit.
Nasa labas na ko ng kabaong at ilang na ata ang nakakalipas. Naramdaman ko kasi ang pagbilis at pagbabago ng paligid
Umuulan at nakita kong may puntod sa harap ko.
~ 'R.I.P'
huh? nagtaka ako sa nabasa ko. Kaya binasa ko ulit.
"REST IN PEACE sayo gag*" whut? siraulo tong puntod na to ah! Ganoong-ganoon ang nakasulat sa kabaong
Nasa harap na ako ngayon ng isang nakaka GAG*NG puntod. Not to mention na GINAGAG* ako ng puntod, literal. Yawa!
Tiningnan kong mabuti 'yung kabaong at yawa! Nakapangalan pa talaga sa pangalan ko!
"Hoy, kelvin!"biglaang may tumapik sa likod ko na hindi ko naman inaasahan.
"GAG__" naputol ako sa pagsasalita ng makita ang babae na nasa likod ko. Tae nang gugulat kasi.
"KELVIN?" tanong ko sa kanya ng may diin.
"Wow naman kelvin malilimutin ka na ba? cut na!" sigaw 'yan pero ang hina ng boses niya.
"Anong cut ang sinasabi mo at sino ka ba?" Diniretsa ko na siya. Feeling close kasi. Kami ba? 'Di naman ah? ASA! Sa g'wapo kong 'to papatulan ko 'yang pangit na babaeng 'yan.
"GOSH GUYS!!! CUT!! kanina pa ko sabi nang sabi ng cut. Tapos tutungatunganga kayo dyan? Napaka ta*ga n'yo naman. Ano bingi lang?
"G*go ka? kami pa tinawag mong ta*ga? e, hindi nga kita kilala."nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at kahit 'yung babaeng kanina kong kausap napanganga.
Parang mga ewan nakawala ata itong mga to sa mental? Sira lang?
"KELVIN FADE VERZORA BELDRON, what did you just say?" kelvin daw? hoy, Vans pangalan ko. Vans!
"My name is Vans Oreldo at hindi ako si kelvin kaya shut up ka na. p'wede ba?"pinaghahampas niya ako ng hawak niyang papel at tawa sila nang tawa. Muntimang!
Ano nakakatawa sa sinabi ko?
"Kailan ka pa naging living dead?"tanong nung bakla na hinampas ako.
"Living dead? hoy for your information, buhay pa ko at 'di ako patay." Takte ha! Nababakla na 'ko.
Nakakabaliw kasi 'tong mga kausap ko.
"Aray! Aray !Aray!" bigla akong piningot nung baklang kausap ko at dinala ako sa puntod na kaharap ko kanina. pag tingin ko dun wala na yung *Rest in peace na may mura pa* napatingin ako ng mabuti at muntik ko na akong mapamura ulit.
Vans G. Oreldo
Born in Feb 1, 2000
Died in Jan 7 ,2019
'Yan ang nakalagay medyo malabo tapos 'yung month na nakalagay ay birthday ko at yung isang month hindi ko alam... paano ba naman kasi ang alam ko 2016 pa lang, tapos 2019 'yang nakalagay.
"Loko kayo 2016 pa lang ngayon e!"
"Baliw 2021 na!"sagot nung babae
ANO DAWWW?!2021?!
So, totoo ngang nag fast forward ang paligid. Teka nga, ano bang nangyayari sa akin.
Tulog ata ako eh?
Tama panaginip lang 'to.
"Sapakin mo nga ako." sabi ko doon sa baklang kausap ko.
"Che, mahal ang talent fee ko!" Pagtataray niya. Aba arte?
"Ayaw mo? Edi ako na lang!" sigaw ng babae na kausap ko kanina at biglang sinapak ako.
Aray ansakit! Napahawak ako sa pisngi ko at napapikit. Dahan dahan ko iminulat ang mga mata ko.
dahan dahan
unti unti
kung iminulat ang mga mata ko
ng matauhan
at mapagtanto na totoo pala lahat ng ito.
Para akong kinuryenteng na-freezer na hindi makagalaw at pilit kong inaalam ang katotohanan.
So, panaginip lang lahat ng nakita ko?
Na mahirap ako?
Na tuyo ang ulam namin kagabi?
Panaginip lang ba 'yun?
Pero paano yung nangyari kanina 'yung nakalibing ako mismo sa kabaong at parang nag fast forward ang paligid. Napabagal ang pag-iisip ko nang masabi ko ang fast forward.
Nanaginip lang ba ako kanina? bakit parang totoo? bakit parang ako talaga si Vans oreldo?
Andami kong tanong pero sa pag freeze ko ng matagal inistorbo ng baklang nanampas sakin kanina ang pag dedaydreaming ko.
"Hoy, okay ka lang?" tanong niya at hinampas niya bigla ang babae na isa din sa mga kausap ko."Bakit mo kasi sinapak? Naapektuhan ata ang utak."
"Sabi niya e! Saka pagod lang siya kaya siya ganyan."
Pinagpahinga muna nila ako pero ito ako tulala parin.
YUNG SERYOSO? BALIW ATA AKO?
If hindi ako si Vans Oreldo then sino siya? What the heck! unting-unti nalang sasabog na ang utak ko.
YOU ARE READING
One-Eyed Man
FantasyPaano kung ang mahirap mong buhay ay naging mas miserable pa? kung nabuhay ka sa isang mundo na 'di mo inaakala? makakatakas ka pa ba sa ilusyon na iyon o mas pipiliin mo na lang na habang buhay ng makulong. Si Vans oreldo ay isang mahirap na lalaki...