Chapter 9

2.9K 83 4
                                    

{9}

Shin's POV

"Di mo lam dahil sa'yo, ako'y di makakain. Di din makatulog buhay ng iyong lokohin. Kung ako'y muling iibig sana'y di maging katulad mo, tulad mo na may pusong bato~" putspa mga bh3, may nababaliw na ata dito.

"Ang pangit ng boses mo.." sabi ko nalang sa kanya.

"Ang ganda kaya ng boses ko! Ok lang ung sinabi ko, nagsitilian na ung mga babae." Jusko, ang hangin naman dito. Nafi-feel niyo?

"Eh kung i-try mo kayang buksan ung pintuan kesa sa kanta ka lang ng kanta diyan?" pagtataray ko sa kaniya. Eh kase naman, kung bubuksan daw namin toh, may pupunta daw na mumu kaya nagtatalo kami kung sinong magbubukas ng pintuan!

"Eh may mumu nga eh.." inis niyang sabi. Oh diba? Ang tapang niya kase MANLY daw siya eh.

"Oh and so? Takot ka naman ngayon? Dapat nga ikaw talaga dapat ang magbukas kase lalake ka! Duwag!" pang-aasar ko sa kanya.

"O-oy di ako duwag noh? Sadyang ayoko lang na magkagusto ung mumu sakin since ang gwapo ko. Pati mga mumu, crush din ako." nabatukan ko nga. Ang hangin kase eh!

"Aray naman! Ito na." sabi niya sabay lakad papuntang pintuan.

"Naka-lock!" sigaw niya. Halah? Naka-lock?

Agad akong tumakbo papunta dun at tinesting ko din. Naka-lock nga. Anong gagawin namin?

It All Started As A Fake Girlfriend (Exo Luhan fanfic) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon