Author's Note: Hiii there! :) Thank you for reading this, my story. Sana maka-relate ka at malaman mo na di ka nag-iisa haha. :D And oh btw, I'll be updating most of the time using a mobile so wala atang bold at italisized dito, sorry :P Anyways here is first chapter, hope you like it! All Glory to God! :)
-
Pagkauwi na pagkauwi ni Louise sa bahay, computer agad ang kanyang inatupag. 'Mamaya na lang ang Math homework ko,' isip niya. Binuksan niya agad ang kanyang Facebook at sinearch kaagad ang pangalang kanina pang nasa isip niya sa chatbox.
Brent Joaquin Sihesmundo.
Yan ang lalaking laman ng isip niya sa school, sa bahay pati sa panaginip niya.
'Hindi pa siya online. Siguro nagtra-training pa siya. Aga ko kasi umuwi eh. Kaasar talaga si Mama.'
Minutes later, nag-online na si Brent. Bumilis ang tibok ng puso ni Louise. Masaya niyang tinitigan ang kulay green na dot sa tabi ng pangalan ni Brent.
Pangalawang anak sa pamilya niya si Louise kaya hindi siya masyadong open sa family niya. Her secrets were hersband her friends'. Kaya't kahit sobrang saya ni Louise, di niya kwinento ang pagiging online ni Brent... Sasabihan lang siya ng O.A. o di kaya'y baliw.
Sa halip, Louise found refuge on Twitter. Dito niya malayang ine-express at kwinekwento ang mga damdamin at karanasan niya.
"GUUUUUYYYYSSSS ONLINE SI BJS<333 Kilig to da bones" kanyang twineet.
Wala pang isang minuto, nag-reply sa tweet niya ang isa sa kanyang mga kaklase.
"Oh ano, magka-chat ba kayo?"
"Wala eh, di naman niya ako kilala HAHAHAHA =))) :((( eto tinitigan ko lang yung berde na dot sa tabi ng name niya :("
Naghintay pa ng ilang minuto si Louise upang mag reply ang kanyang kaklase. Gusto niya rin kasi makipagkwentuhan. Ngunit hindi na ito nag-reply.
Typical.
Balik Facebook si Louise. May nakita siyang magandang picture na may quote kaya't ito'y ni-like niya. Nakita niya rin na kaya pala ito'y lumabas sa Newsfeed niya ay dahil ni-like ito ni "BJS".
Kinilig na naman ang freshman.
"GUUUUYS UPDATE WE BOTH LIKED THE SAME PHOTO ON FB..... Mutual liking na ba ito? Hahahahaha! :)" kanyang twi-neet.
Nag-reply ang kanyang close friend na si Louisa. "Gags, para yun lang haha ikaw talaga :P"
"Wala eh meant to be kami :)"
"Baliiiw :P Oyyy may kwento akoooo. DM me :)"
At nag-DM nga sila.
Kwinento ni Luisa kay Louise ang naganap noong lunch time. Nakita ni Louisa si BJS. Kinilig ay natuwa naman ang freshman. Kwinento din niya kay Louisa nung nakita niya si Dai noong lunch. Parang di ito affected sa "paghihiwalay" nila ni Louisa. Masaya ito kasama ang mga kaibigan niya.
"Grabe talaga omg wala na talaga ako para sa kanya :(" DM ni Louisa.
"Gags oy MU lang kayo no, wag masyado mag drama XD" sagot ni Louise.
"Kahit pa :(((( oy alam mo ba may bago na atang MU si Dai. Search mo name: Jenny Lu"
"Kk :)" sagot ni Louise, sabay sinearch ang name nito sa FB.
"Oh ano maganda diba?" Tanong ni Louisa.
"Shucks oo. Pero may mas malala na problema!!!" Sagot ni Louise.
"Ano?????"
"Ang ganda niya at friends sila ni BJS!!!!!!! Uyyy baka naging sila ah :((((
"Gaga ka talaga! Para friends lang eh -,- MU nga sila ni Dai diyan tapos si BJS siningit mo pa :P"
"Ehhh kasi naman eh :((("
"Search mo nga kung may ask.fm siya, ise-search ko kung may Twitter siya" sabi ni Louisa.
"Geh :)"
At sinearch nga ni Louisa ang ask ni Jenny. Thankfully, to her relief wala namang sagot o tanong about BJS sa ask.fm niya. Pero meron namang nagtanong sa kanya na, "Thoughts on Dai Oguin" at napaka-sweet at obvious ng sagot niya.
'Kailangan malaman to ni Louisa,' isip ni Louise.
She was about to DM it to Louisa nang biglang pumasok ang nanay niya sa kwarto niya.
"Louise 9 pm na matulog ka na! Akin na yang pocket wi-fi," sabi nito, sabay kuha sa pocket wi-fi ni Louise.
"Maaa naman oh! 9 pa lang ang aga pa!" sagot ni Louise.
"Kaya dumadami na pimples mo eh... Matulog ka na kung ano-ano lang naman inaatupag mo eh!" sagot ng kanyang nanay.
Napaisip si Louise at sumunod na lang. Dumadami na nga ang mga pimples niya. 'Stupid hormones," isip niya. 'Matutulog na nga lang ako baka dumami pa ito pumangit pa ako di pa ako magustuhan ni BJS.'
Nakalimutan niya ang part na hindi nga man lang siya kilala ni BJS.
Nahiga na si Louise at nagdasal muna bago matulog.
".....at sana po Lord, ay maging friends na po kami ni BJS. Amen"
Pinikit na ni Louise ang kanyang mga mata sabay yakap sa unan niya nang may ngiti sapagkat si BJS ang huling nasa isip niya.
Typical.
-
Author's Note: Oyy wag kayo masyadong high standards ha di ako magaling magsulat HAHAHAHA :D Kung panget o may typo man, sorry po :/ But I hope you liked it and sana relate kayo. :) Please comment at vote so I can improve. Thanks! I will update soon ;) God bless! AGTG! (All Glory to God!) ♡♥♡
![](https://img.wattpad.com/cover/10577365-288-k80c99d.jpg)