Chapter 2: BJS

33 1 0
                                    

I dedicate this chapter to Katrina Mendoza, the first reader of this story of mine (and probably the only one,LOL :P), and probably will be the last. Thanks girl. Ily.<3

-

CHAPTER 2: BJS

It was a hot, sunny lunchtime nung naisipan ni Christia, kaibigan ni Louise, na "tignan-tignan" ang crush niyang si Noel, isang popular na Sophomore, sa madalas nitong tambayan, ang High School Covered Court.

Echos. "Tignan-tignan" baka i-stalk daw.

Siguro maituturing na rin ni Louise na close friend niya si Christia dahil magkaibigan na sila for almost 4 years, pero hindi pa rin siya sure. Alam niyang may pagka-brat at judgmental si Christia kaya't ayaw niyang tawagin itong bestfriend niya. Ilang beses na rin siyang nilaglag, iniwanan sa ere at binack-stab ni Christia.

Pero, this year, ayaw man ni Louise, naging classmates pa rin sila ni Christia. Classmate din niya si Reece, naging friend ni Christia noong lumayo-layo si Louise sa kanya last year dahil binack-stab ulit siya ni Christia.

Pinatawad pa rin ni Louise si Christia matapos ang mga pinaggagawa sa kanya nito. Siya lang kasi ang close friend niya sa klase at ayaw niyang maging loner, sa bahay nga halos loner siya tapos sa school pa? Kilala na rin kasi silang mag-"best friends" ng mga kaklase nila.

"Oh my gosh si Chalk!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Christia habang tinuturo si "Chalk" at pinipisil ang braso ni Louise sa sobrang saya.

Chalk ang codename ni Noel dahil sa comment ni Louise tungkol sa kanya na, "Ano ba yan, Christia sobrang puti naman ng bagong crush mo! Chalk-white!"

"Aray grabe ka naman makapisil hoy," sabi ni Louise, sabay kalag kay Christia na namumula na.

"Guys, tahimik naman ng onti, ang daming nakakarinig sa atin, obvious masyado," sabi ni Reece. Si Reece na dating mahiyan ngayo'y may confidence nang mag-comment.

Nag-lakad sila patungo sa bleachers katapat ni Chalk. Umupo si Christia rito. Sunod naman si Louise.

"Uy guys wag tayo umupo diyan sobrang halata na. Halos araw-araw tayong naka-upo diyan eh," complain ni Reece.

"Eh di diyan ka sa kabilang bleacher umupo," sagot ni Louise na palaging naasar sa kaartehan at masyadong kahiyaan ni Reece.

"Ugh hindi na, diyan na nga lang, ayok maging loner no," sagot nito sabay roll ng eyes niya. This action almost always irritated Louise.

Umupo na si Reece sa tabi ni Christia. Mas close kasi ito sa kanya.

"Ang gwapo talaga niya!!!!!!!!!!!!!!"

"Omg naka-jacket nanaman siya!"

"What the hell naka-akbay na nanaman siya sa guy friend niya.... I'm doubting his sexuality..."

"De joke lang gay bay an eh ang gwapo gwapo niya.."

"I WANNA HAVE HIS BABIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEES."

Napuno ng mga comments ni Christia tulad ng nasa taas ang lunch time nila. Alam ni Louise na susulitin Christia ang buong lunch time sa pagtitingin kay Noel.

"Bibili muna ako ng snacks," sabi ni Louise, sabay baba sa bleachers para di na maka-angal pa si Christia at sumama si Reece. Kahit ayaw niyang nagiging loner, she enjoyed being alone also.

Umakyat si Louise papuntang cafeterioum. Ngek, ang daming tao. Nakalimutan nga pala niya na may activity ang mga 3rd at 4th year.

"Excuse me, excuse me," makailang sabi ni Louise makarating lang sa bilihan ng French fries.

"Ate, isa po, medium, sour cream," sabi ni Louise, sabay abot ng bayad niya.

Inakala ni Louise na hindi na siya makakahanap ng ma-uupuan sa dinami ng tao. Pababa na siya ng covered court ng makitang may bakanteng table.

"Hey, can we seat with you?" tanong ng isang lalaki, sabay poke kay Louise, "Can't find more seats."

Tinignan ni Louise ang lalaki. Naka-glasses, medyo maitim, may mga pimples at matangkad. Nakilala niya ito bilang isang Sophomore na madalas niyang nakikita kapag "tini-tignan" nila si Chalk.

"Sure," sagot ni Louise sabay talikod sa lalaki. She wasn't comfortable with the idea na nagsha-share sila ng iisang table ng lalaking ito. Alam mo naman ang isip ng mga tao ngayon........ Buti na lang pa-ubos ang fries niya.

"Wax! Sit here na lang!" sigaw ng lalaki. "Yes may table din!" sabi ng isa pang boses. Umupo ang lalaking ito at dahil sa curiosity ni Louise napatalikod siya para tignan ito. Biglang nag-iba ang pakiramdam niya, bumilis ang tibok ng puso niya, parang wala na siyang marinig at makita. Tila humigpit din ang kapit niya sa hawak niyang fries. This guy was gorgeous.

Beautiful.

He looked like the stars above who twinkled every night, trying to outshine all the other stars seen. Only, this guy shone differently, in a different way. He would outshine all the other stars. And sun. And moon. Combined.

Patay.

Biglang kinabahan lalo si Louise. Madalas madaming poetry at kung ano-anong salita at pangungusap ang nabubuo sa utak niya. Pero iba ito. Hindi tungkol sa Math class na sobrang hirap ang nabuo sa utak niya. Hindi tungkol sa cute na pusa na nakikita niya pauwi ng bahay niya. It's about a boy who she just saw for the first time, yet he had the power to combine and form all those beautiful words in Louise's head.

Siguro mga 3 segundo pa bago ma-realize ni Louise na hindi lang niya tinitignan ang lalaki, tinititigan niya ito.

"Ah, erm," biglang sabi ng lalaki na naka-glasses. Ito'y humagikgik. Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Louise. Sobrang halata na na mind-block siya dahil sa kaibigan ng naka-glasses na lalaki. Tumalikod ulit siya, binilisan ang pagkain at umalis.

Bago umalis tinignan niya ang kaibigan ng lalaki. He was acting normally, no signs of emotion, delight, surprise or amusement. 'Normal na sa kanya ang ganoong reaksyon mula sa mga babae,' isip ni Louise.

Sinilip din niya ang name patch ng lalaki ngunit naka jacket it kaya't wala siyang nakita. Pagkababa na pagkababa niya, tumakbo agad siya kela Christia at Reece. Kwinento niya ang nangyari at kinilig ang mga kaibigan niya at mas lalong kinilig siya.

For the next few days, nagtanong-tanong sila tungkol sa lalaki at nagkalap ng impormasyong tungkol sa kanya.

"Louise, Louise alam ko na ang name niya!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw nila Christia at Reece isang dismissal.

"Nakita namin siya at narinig naming ang friend niya na tinawag siya. Nakita ko rin ang section niya dahil naka Intrams shirt siya. 2A!!!! Eh di pinuntahan naming ang 2A tapos tinignan ang name niya!!!!!!!!!!" kwento ni Reece.

"SO what???? Guys ano name niya?????" tanong ni Louise, excitement filling every single space in her.

"Brent Joaquin Sihesmundo!"

At pagka-uwing-pagka-uwi ni Louise, sinearch niya ito sa Facebook, Twitter, ask.fm, lahat ng social networking sites na alam niya.

At simula noon, nahulog na nahulog si Louise kay Brent.

Simula noon, beautiful poetries filled her head. Simula noon, Louise looked forward going to school, fixed her hair more often and thought of Brent, Brent, Brent every single second of the day.

-

Author's Note: I imagined Louise's first sight of Brent to be better and sweeter and I think this is a disappointment omg :(((((((((((((( time pressure kasi eh huhu. So sorry, kung panget ha, I promise I'll do better next time :((((((((( tell me what you think; vote, comment, like and follow! Thanks.:) :/

P.S. I will upload ASAP. Will think harder on what to write. God bless!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School Crush (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon