Chapter 1

14 0 0
                                    


Nadine POV

Matatapos na ang bakasyon lahat lahat malungkot pa rin ako! Paano ba naman kasi, kahit bakasyon kailangan ko mag-aral! Tinapos ko na kasi ang Graduates studies ko for Master's degree kailangan kasi para sa papasukan kong isang prestigious school dito sa Manila sa Taft Avenue. Buti nga at natapos ko na din.


All my life sa ilang na taon na mag-isa akong  naglalakbay! Walang kasama sa pag-uwi galing ng school, walang naghahatid pauwi o kaya magtetext na "Nakauwi ka ba ng maayos? I love you". Oo na! Ako na ang single since birth! Bakit required ba pumasok sa isang relasyon! Eh sa hindi ko naman priority yun eh! Paki niyo ba?


Nakasakay ako ngayon sa bus pauwi akong Fairview sa bahay nila mama. Simula kasi nung nag-aral ulit ako hindi na ako sa bahay tumira. Nagre-rent ako ng isang room ngayon dito sa Manila medyo malayo kila mama. Pero malapit sa school kung saan ako nag-aral at malapit din sa school kung saan ako nagtuturo sa isang kilalang Science High school sa manila.

"Kuya bayad po isang Fairview" inabot ko sa konduktor yung bayad ko para maka-idlip na  ako kasi sobrang traffic. Swerte ko nakaupo ako ngayon last na upuan na ito at lahat ng susunod na sasakay eh nakatayo na.

"Maluwag pa sa likod, konting atras lang oh" sigaw nung konduktor. Marami na ang nakatayo halos puro mga estudyante dito sa university belt. Ang pangit lang ng pwesto ko, nakaupo ako dito malapit sa mga nakatayo kaya nababangga ako ng mga bag ng dumadaan. 

"Aray" bulong ko na medyo napalakas, ang sakit kasi eh. Parang sinadya!!!

"Arte naman" narining kong bulong nung nakabangga sakin. Antipatiko tong lalaking to ah!

"Hindi man lang nagsorry! Ang kapal lang" nag-init yung ulo ko sa narinig ko eh! Aba kahit teacher ako eh hindi ko maiiwasan na magalit lalo na sa ganitong estudyate! 

Magsasalita pa sana siya nung hinawakan nung babaeng kasama niya ata, yung kamay niya. Feeling ko girlfriend niya ata. Nako, ayan ang sinasabi ko eh, ang babata pa tapos pa girlfriend girlfriend lang. Imbes na mag-aral ng mabuti, mga kabataan nga naman oh! HAHA natatawa ako feeling ko tuloy ang tanda ko na kung makapagsalita ako eh 22 pa lang naman ako.

"Hayaan mo na babe, muka kasing bitter si ate HAHA " halakhak nung babae kaya napatingin ako sa kanila. Ang panget naman ng babae nato ang kapal ng make-up hindi siya bagay sa kasama nya. Nakita ko naman ngumisi naman yung lalaki. Pogi siya, matangkad, moreno, makinis ang kanyang balat, yung hubog ng kanyang katawan alam mo na laging nasa gym at nagwo-work out, yung mga mata niya may pagka-singkit na mas lalong nagpa-pogi sa kanya, yung kanyang panga ay talagang na emphasize, yung ilong nya na sobrang tangos at bagay sa kanyang mukha na makisig tapos yung lips nya na manipis na bumagay ang pagka pula sa kanyang kulay na moreno na balat, shemay may ganito palang lalaki. Sobrang pogi! 

 Teka, bakit ko ba pinupuri tong kumag na to eh antipatiko at mayabang, pogi nga mayabang naman. Hindi ko na lang pinansin at nag-earphones na lang at natulog. 

Hays grabe ang traffic sa Espana ang tagal ng byahe ah! Buti naman at nabawasan na ang tao. Kagigising ko lang nakatulog pala talaga ako. Humukikab ako ng biglang may nag flash sa mukha ko at pagtingin ko yung kumag na mayabang. Abat kinuhan ako ng picture habang humuhibak ako. I wonder kung anong itsura ko, malamang nakanganga ako dun. Nainis talaga ako.

Tumatawa siya at napansin ko  wala na yung kasama na yong kasama nya kanina yung girlfriend nya. Nakatingin na sa kanya yung ibang mga nakatayo sa lakas ng tawa nya, kaya lalo akong nainis. 

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon