Chapter 2 New Beginning

3 0 0
                                    

Monday na agad bukas at bukas na rin ang start ko sa bagong school na papasukan ko. This is it! The new beginning! Hindi pa pala ako nakapagpakilala no? Ako si Nadine L. Castro, 22 years old at isa akong teacher major in Biology.

 Hindi pa man ako nagkaboyfriend eh meron akong manliligaw, sa totoo nyan eh crush ko talaga yung nanligaw sakin muntik ko na syang sagutin buti na lang nalaman ko agad ang tunay nyang motibo. Gusto nya lang pala akong gamitin para pagselosin yung dati nyang girlfriend. Pano ko nalaman? Narinig ko sya habang nakikipag inuman sa kaibigan niya. Kaya simula noon hindi na ako nagpaligaw pa. Natatakot na ako sa mga lalaki, karamihan mga manloloko, manyak at manloloko ulit! HAHA sarreh na .

Hays... hindi ko pa tinatanggap ang offer nung kaibigan ni mama na maging tutor ng Adrian na yun. Ayoko ng sakit sa ulo, tama na yung stress sa school. Pero paano ako makakatanggi eh shemaaaay! Ang pogi nga ni Adrian. Naalala ko yung mukha na sobrang gwapo! Ang kinis at kahit moreno! Pero mayabang at feeling gwapo. Dapat mainis ako sa kanya. Naalala ko yung pagtawag nya sakin ng payat!

*ring ring ring*

Napatingin ako sa cellphone na hawak ko. Omg si Miss Natalie administrative staff sa school.

"Hello Good Evening Miss Castro I'd like to remind you, tomorrow morning at 7 o'clock will be your schedule to sign the contract." 

" Okay, thank you"

"Welcome, see you tomorrow" 

Binaba na nya ang tawag, I feel so nervous, bukas na talaga. Sana maging maganda ang simula ko.

---

* kring kring kring* 

Pinatay ko agad yung alarm, maaga pa 4 am pa lang eh gumising na agad ako. Kahit naman malapit lang yung school eh inagahan ko ang gising. Medyo na excite din kasi ako. Feeling ko this day will be the best day.

Naligo ako, nagbihis at ginawa ang morning routine ko. G

5:45 na, agad akong kumain ng almusal at nagmamadali akong kinuha ang bago kung sandals.

Agad akong pumara ng jeep. Karamihan sa mga kasabay ko ay students din sa papasukan ko. Hays lalo akong na excite. Kailangan ko pang dumaan sa administration office para mag sign ng contract at makuha na rin ang schedule ng class ko. 

Bumaba ako ng jeep ng may ngiti sa labi, pagpasok ko palang sa gate ang ganda agad ng umaga ko.

"Good morning maam" sabi ni kuya guard.

"Good morning" bati ko din sa guard at naglakad na.

Malaki ang ngiti ko habang naglalakad. Medyo nailang lang ako kasi napansin ko na medyo iba yung tingin nung mga nakakasalubong ko. Yung ibang lalaki , laglag ang panga at tulala sakin. Yung iba naman na babae binati ako.

"Good morning ma'am" Nagulat naman ako kasi first day ko pa lang dito sa school. Narinig ko yung bulungan nung bumati sakin

"Ang ganda talaga nya, mas muka pang bata sa atin, parang ka edad lang natin." sabi nung naka red na bag.

" Oo nga eh, balita ko isa sya sa science professor natin" natuwa naman ako dun sa narinig ko.

Nasa tapat na ako ng admin Office. Kakatok sana ako nung biglang bumukas. Wala na. Sira na ang araw ko! Akala ko pa naman best day ever na. 

"Good morning MISS Nadine." sabay ngisi nya at naglakad na paalis. Nakakainis talaga yung mukha nya. Talagang may diin sa MISS! Alam ko naman na inaasar nya lang ako. Grrrr kainis. Pumasok na ako at lumapit naman agad si Miss Natalie sakin at bumati.

I Got YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon