Feeling ko ang hyper ko. Sobrang saya ko, ewan ko ba. Simula kanina nung makilala ko si Albert, hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya kahit ngayon ko lang nakilala. Siguro dahil ang pogi nya at sobrang bait at ang ganda ng personality. Sa unang tingin parang intimidating pero pagkausap mo na gaaassh! Nganga sobrang manly ng boses at yung ngiti nya! Nakakatunaw.
"Ok, class dismiss. Nice meeting you all. Don't forget to do your assignment we will discuss it tomorrow. Bye." nakangiti ako habang nakatingin sa kanila. Ang bait ng mga students ko. Sobrang active nila sa discussion namin kanina. Kaya hyper din ako eh. Nakakainis lang kasi yung kumag lang ang panira sa klase ko. Ewan ko kanina pa siya nakatingin sakin. Pag tumingin naman ako sa kanya iiwas lang. Hindi siya nag participate sa discussion. I tried to to call his attention to participate in our idea.
Flashback
"Mr. Adrian, can you at least give one example of organelles" nakangiti ako sa kanya, pero nag iwas lang ng tingin pero kapag hindi ako nakatingin sa kanya ramdam ko eh nakatitig siya sakin. Sumagot naman siya.
"Sorry I forgot organelles." walang gana nyang sagot. Nagtawanan naman ang classmate niya. Oo nga pala mahina siya sa biology. Magaling daw sa math pero sa science naman siya mahina. I wonder kaya kailangan niya ng tutor. Tanggapin ko na kaya. Kawawa naman.
*Present time*
Paalabas na ako ng classroom ng bigla akong tawagin ni Adrian.
"Miss Nadine" nakangiti na siya ngayon. Sabi ko na eh! Mas pogi siya kapag nakangiti. No! Erase that. Ano ba tong naiisip ko!
"Bakit Adrian?" nakangiti kong sagot.
"Sabay na tayo mag lunch?" sheemss bakit ganito siya. Kanina lang halos sumimangot siya sa klase ko tapos ngayon todo ngiti. Napansin ko lang ah, parehas sila ngumiti ni Albert. May pagka chinito lang si Albert tapos malamlam naman ang mga mata nitong si Adrian na nagbibigay ng mysterious looks sa kanya.
" ah... eh, Kasabay ko na si Al--"
" Okay lang" nawala ang ngiti nya balik sa pagka walang expression ang mukha. Naglakad na palabas tapos biglang dumating yung clown at kumapit sa braso nya. Kumunot naman ang noo ko ng tumingin sakin ng kakaiba yung clown na yun. Napaisip ako kung merong ba talaga silang relasyon? Kasi parang ayaw naman ni Adrian na kapitan siya, sadyang tuko lang yung clown na yun.
"Nadine" tawag sakin ni Albert, namalayan ko na lang kanina pa pala ako nakatulala. Bakit ba kasi ako natulala, bakit feeling ko nasaktan ko siya. Tch. Haayan ko na nga lang kasama naman nya ang girlfriend nya eh.
"Ay, Albert" ngumiti ako.
" Are you okay? Is there anything wrong?" concern na tanong niya.
"Ah wala, medyo napagod lang. 4 hours straight yung klase ko eh. Wala ka ng klase?" pag-iiba ko ng usapan.
" Wala na, shall we go?" tanong nya. Naglakad na kami papunta sa canteen ng school. Habang naglalakad nagkwento siya ng mga nakakatawang nangyare sa klase nya at ganun din ako. Di ko tuloy maiwasan na maalala yung mga pagtitig ni Adrian kanina sakin. Siguro guni-guni ko lang. Pero hindi eh.
"Nadine?" untag sakin ni Albert.
"huh?" tanong ko naman.
" We're here. Saan mo gusto umupo?"
" doon sana malayo sa mga students" syempre mahirap na. Mamaya matsismis kaming dalawa. Nagsisiguro lang ako.
Ngumiti naman siya at tinuro yung vacant chair sa bandang kaliwa ng canteen konti lang yung mga students.