"Aphrodite baby, wake up. Wake up baby Aphrodite."
"Mmmmm. Mommy five more minutes please." sabay talukbong ko ng kumot.
"No baby girl. It's already 7:00 in the morning." Sus! 7am nalang pala. ANO?! Waaaaaaaaahhhhhh bigla naman ako napabangon.
"Aray!" grabe sakit sa ulo nun ah. Nakita ko naman sina kuya, ayun tumatawa. Tss
"Hahaha ikaw talaga baby girl. Wag ka kasing bumabangon agad-agad." tawa ng tawa din si mommy habang hinahaplos yung buhok ko. Hindi ko alam kung concern ba si mommy sa akin o ano.
"Mommy kasi eh~"
"Hala! Ako pa may kasalanan? Hahaha" mom said while laughing. Napatingin naman ako sa orasan, 6:15am palang pala. Naisahan ako dun ah. =3=
"Mom, you said it's already 7 in the morning so I need to hurry naman diba?" nakasimangot kong sabi.
"Hahaha stop pouting baby Aphrodite." sabi ni kuya Cross habang papasok sa kwarto ko.
"Hephep." -me biglang sumabat naman yung isa.
"Huray!" sabi ni kuya Blake sabay taas ng both arms niya. Urrrgg napaface palam nalang ako. Kahit kailan talaga ang kukulit nina kuya pero kahit ganyan sila may sweet at caring side yang mga kuya ko 😂😂
"Baba na kayo ah. Breakfast is ready." sabi ni mommy sabay labas ng kwarto.
"OK mommy." we said in chorus.
"Tara na baby girl. Bilisan mo ah" -kuya Blake
"Che!" pagtataray ko. Hay nako! Edi sana natutulog pa ako ng mahimbing ngayon. 😞
"Tara na. Bilisan mo ah, baba ka na." sabi ni kuya Cross.
"OK" tipid kong sagot. Kung Makikipagsagutan pa ako sa kanila paniguradong talo ako. Hahaha
By the way, Hindi pa pala ako nagpapakilala.
Hi! Hello! I'm Queen Aphrodite Suzy Joy Lee. Waaaahhhh grabe ang haba noh. Grabe naman kasi parang mauubusan ng pangalan kaya hinakot na hahaha joke. Pero kahit na mahaba ang name ko, I like and love my name. Syempre binigay na pangalan sa akin ng parents ko yun eh XD . I'm 16 yrs old. 4th yr highschool student sa Nice Academy. Bongga ng name ng school ko noh, pang mabait na school 😇 Ewan ko ba bakit nandun yung asungot na yon sa school eh. Hayyyysss hahaha joke lang po. 😂😁✌
-------
Kakalabas ko lang sa library ng may kumausap sa akin.
"Hi ate Aphrodite! ^___^ " masayang bati sa akin ng 2nd yr girl student.
"Hello ^____^ " pagbati ko din sa kanya. Ganyan talaga dito, bati-bati ang lahat. Hahahaha XD
"Ate kanina ka pa po hinahanap ni kuya Hades" she said.
"Huh?" Bakit naman ako hahanapin nun?
"You know ate, kanina nag-announce si kuya Hades and hinahanap ka po niya." pagpapaliwanag nya.
"Bakit naman niya ako hinahanap?"
"I don't know ate"
"Uh okay thanks ^__^ " sabi ko with matching smile pa.
"No problem ate ^__^ "
"Okie. Thanks ulit. Una na 'ko ha. Babye" pagpapaalam ko. Tumango naman siya then umalis na ko.
@Student Council Office
"Where have you been?" pagtatanong nya
"None of your business." tipid kong sagot. He he iniinis ko lang sya XD
"What did you say? None of my business? Huh?! You're my vice president, you should be always beside me." Wow huh gawin daw ba akong julalay Tss
"FYI galing lang ako sa library and FYI ulit I'm not your secretary to be always with you whenever or wherever you want." Totoo naman diba? Porket siya yung SC president eh gaganyanin nya ako. Dapat candidate ako sa SC president position pero pinull out ko kaya nag Vice Pres nalang ako.
"Ohhhh Hello my dearest love birds" sabi ni Mrs. Oh
"Good Morning ma'am" pagbati namin ni Blaze. Kahit na panay bangayan kami nyan marunong rin naman kasing rumespeto at gumalang. :)
"Grabe kayong dalawa hah. Makapagbangayan parang wala ng bukas o susunod na araw." medyo natatawang sabi ni Mrs. Oh. Lagi ba naman hayyy
"Siya naman pong may kasalanan ma'am. I only ask her kung san po sya galing pero hindi man po niya sinagot ng maayos." Wow hah makapagsumbong tong si koya, talagang ako pa ang bad T^T
"Hay nako King, parang hindi ka pa sanay dyan kay Queen hahaha mga bata nga naman." sabay tawa ni ma'am.
"Hoy babae!" pagtatawag niya.
" Oh Kingkong, bakit?" pang-aasar ko.
"Anong sabi mo?!" naiinis na tanong nya hahahaha akala mo ah! :D
"Sabi ko bakit? Anong kailangan mo KINGKONG?" Talagang diniinan ko yung word na 'KINGKONG' ayaw nya kasing tinatawag ko sya nun.
"Diba sabi ko wag mo kong tinatawag na ganun ---" Hindi na nya natapos yung sasabihin niya dahil nagsalita ako
"Aba! Bakit naman ayaw mo? Ang cute kaya bagay sayo." may halong pang-aasar ko. Nung isang araw nga sabi niya M.King or Mr. President daw itawag ko sa kanya. Tss as if. Hmp! Manigas sya!
"Hoy Queen! diba sabi ---" hindi nya na naman natapos yung sasabihin nya because nagsalita si ma'am.
"Hephep tumigil na nga kayo love birds, baka kung saan pa mapunta yan ah." natigil naman kaming dalawa.
"By the way, diba you still have class? Sige na pumasok na kayo." padagdag na sabi ni ma'am.
"Ok po ma'am. Babye ^__^ " sabay naming sabi at umalis na.
---------------
Hay buti naman malapit na kami sa room. At kung hinahanap nyo si asungot I mean si Blaze, ito katabi ko at kinukulit ako =___=
Kakadating palang namin sa room namin...
"Hi Ms. Pres ^__^ Pinapatawag ka ni Ma'am Zef sa faculty." sabi ni Fei, classmate namin.
"Oh hello Fei ^___^ bakit daw?" I ask her.
"We don't know Ms. Pres Basta punta ka nalang daw."
"Okay :) " at umalis na ko. At si Blaze asungot ayun pumunta na sa pwesto nya. Classmate ko sya Galing noh? At ang mas malala SEATMATE KO PA! Nasan ang hustisya?!
By the way yung kaninang pagtawag ni Fei sa akin na 'Ms. Pres' tama kayo ng rinig/basa I'm the President of our class habang si Blaze naman ang vice pres sa room hahaha kitams nagkabaligtad noh.
@Faculty
"Hi po Ma'am ^___^ " pagbati ko kay ma'am with matching wide smile pa hehehe
Kaya napahinto si ma'am sa ginagawa nya.
" Hello Ms. Lee." pagbati din sa akin ni ma'am.
"Pinapatawag nyo daw po ako?"
>>>to be continued..
Ano kayang dahilan ng pagpapapunta sa kanya sa faculty?? Abangan.. ^__^
---•---•---•---•---•---•---•---
A/N: Welcome sa pagpasok sa mahabang pangalan-- ai este makulay at maingay na buhay nina Suzy at ng iba pang characters dito. Hahaha XDThank you po sa pagbasa sana suportahan at magustuhan nyo po tong story ko. 😀 Kamsahamnida! Heart heart <33
-TheIcePrincess_22
YOU ARE READING
Let It Be Me
FanfictionHi! I'm Queen Aphrodite Suzy Joy Lee na naniniwala sa kasabihang "Habang may buhay may asungot sa buhay. Hahahaha Lagi niya nalang ako tinatapatan. / \ / \ Walang araw na hindi niya ko iinisin? / \ / \ Wala ring araw na papatahimikin niya ang araw...