Simula

8 0 0
                                    

"Via, kailan mo ba balak magpa enroll?" Tanong sakin ni mama habang kumakain kami.

Hindi agad ako sumagot. Tinuloy tuloy ko lang ang pagkain ko, Kailan nga ba? Miski ako hindi ko alam.

"Tanong ng tanong sakin ang papa mo! Bakit hindi ka pa daw nagpapa-enroll?" Aniya, at sumubo ng pagkain.

Kahit sakin din naman, walang sawang chat ang ginagawa ni papa.

"Naku! Pag hindi ako nakapag pigil ako na mismo mag e-enroll sayo!" Sigaw niya pa sakin, Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain.

"Tignan mo nga naman itong batang toh! Parang wala akong kausap." Rinig kong bulong niya.

Inangatan ko siya ng tingin "Malayo pa naman ang pasukan, tsaka na lang." sagot ko.

"Malayo?" Sigaw niya. "Anak, dalawang linggo na lang pasukan na! Yung iba bumibili na ng gamit nila! Yung kabitbahay din natin diyang kaklase mo enrolled na last month pa!" Inis na sigaw niya sakin.

Kaklase? Walang akong kaklaseng kapitbahay namin, Sino yon? alalahanin ko muna.

"Mama ang OA niyo!" Sigaw ko din pabalik, parehas sila ni papa.

Para namang mauubusan ako ng section sa School na yon!

Tumayo ako at kumuha ng kanin sa rice cooker namin dahil nagugutom pa ko. "Tsaka hindi ko yun kaklase ah? Hindi ko nga kilala yun eh." Ani ko.

Nakikita ko siya sa school pero hindi sa room, Ibig sabihin schoolmate ko lang siya hindi classmate. Tsk, Mama talaga.

"Hindi mo kilala si Jerylyn?" Tanong niya.

"Jerylyn Garcia?" Tanong ko sakaniya at umupo na ulit para kumain,

Tumango naman si mama sa tanong ko.

Ah. Siya pala yung laging bukang bibig ng mga kaklase kong lalaki noon, wala akong kamalay malay na siya pala yon.

"This coming monday, magpapa-enroll na tayo. Sa ayaw mo't sa gusto!" Ani ni mama at nagtuloy na sa pagkain.

Napakunot naman ang noo ko at napatingin sakanya.

"Kailang monday? Maraming this coming monday." Aniko, pedeng next monday or next next monday! Madaming coming mondays.

"May 26!" Sigaw niya.

Hindi nako sumagot at tumango na lang.

Pagtapos ko e, nagpaalam na muna ako kay mama na maglalakad lakad nagulat pa siya dahil ako pa mismo ang nagkusang lumabas ng bahay.

Gusto niya pa sanang sumama kaso tumanggi ako.

Dahil simula nung bakasyon hindi talaga ako lumabas ng bahay, Pinipilit niya ko laging pumunta sa mga Malls at dahil don nag aaway lang kami kaya tumigil na rin siya.

Hindi rin naman kami dumadayo sa mga resorts at kung ano pa naman dahil kami lang dalawa ni mama ang magkasama, Ang boring naman non diba.

Paglabas ko ng bahay ay napangiti ako dahil hindi masyadong maaraw kahit mag aalas-tres na ng hapon, Balak ko sanang pumuntang Mall.

Walking distance lang ang Mall dito. Malapit lang naman dito yon at masarap naman mag lakad ngayon.

Nag lakad nako palabas ng Subdivision namin. Kahit malayo pa ang labasan ay okay lang. Para ma-exercise naman ako. Dahil wala talaga akong ginawa ngayong bakasyon kundi. Kumain, matulog, mag-basa, makinig ng kanta, mag sulat ng kung ano sa mga natira kong notebooks. At uulit lang yon ng uulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Introvert Meets ExtrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon