[1]

10 1 0
                                    


WARNING: ANG MGA SUSUNOD MONG MABABASA AY HINDI KAAYA-AYA.
YOU'VE BEEN WARNED.

-----------------



HEIDI'S POV

"Woi! Ano na, okay ka lang? Kanina ka pa tulala ah.'' bulyaw ng aking pinakamamahal na bestfriend. Sya si Irene.

Kinuha ko nalang yung inabot niyang burger. Nandito kami ngayon sa cafeteria.Ewan ko ba kung bakit natutulala ako. Wala naman akong iniisip.

"Ayy! Hindi lang ikaw. Jusko naiistress din ako umpisa palang ng klase, ang dami ng pinapagawa! Tao din tayo no! Tao! Alam ba nila yun?!"sabay kagat ng paborito niyang turon.

Hays. Ganyan yan, maingay, madaldal, maingay uli. Tas madaldal. Ewan ko ba bat ko to naging kaibigan.

"Alam mo ba hinahanap ka ni Dean kanina."

Nanlaki mata ko. Hala pinagsasabi nito.

"Wag mo nga akong lakihan ng mata! Di ka na nga nagsasalita tap---"

"Bakit daw?! Ano? Nakakuha ba 'ko ng scholarship?! Sumagot ka!!"sigaw ko habang niyuyugyog sya.

"Aba malay ko! Ako ba si Dean ah?! Tampalin kita ng turon ko eh."pagtataray niya."Alam mo. Di ko talaga maisip kung bakit kailangan mo pa kumuha ng scholarship? Kung tutuusin kaya mo pa nga bilhin 'tong University eh!"dagdag niya.

Sinubo ko nalang sa bibig niya yung hawak hawak niyang turon. Aba yung bibig kasi ratatatatatat!

"Tigil-tigilan mo 'ko Natividad ah. Mamaya may makarinig sayo eh"mahina 'kong sabi sakanya sabay kurot ng binti niya.

Napatingin nalang sya sakin at tinarayan ako. Aba! Nanaray pa ang gaga.

Pagtapos namin kumain, nagpaalam na ako sakanya kasi vacant ko naman. At pupunta ako ng office. Kakausapin ko si Dean.

"Ano lalaban ka pa?! Umalis ka na dito sa University kung ayaw mong masira buhay mo."

Napalingon ako sa lalaking nagsabi non.
Nasa likod sila ng Faculty.

Nanlaki mata ko sa nakita ko. Binugbog nila yung sophomore.

"Hoy ano yan?!"sigaw ko sakanila. Napatingin nam----

Osheytt

Si

Si

Si Shaun.

"Wag kang pakilamera ah. Umalis ka na kung ayaw mong madamay."sabi nung lalaki. Siya ata yung narinig ko kanina.

Napatingin naman ako kay Shaun. Halatang nanunuod lang sya dito sa dalawang mokong na bumugbog dito sa sophomore na 'to.

Malamang siya nanaman nag-utos nito.

Sinamaan ko nalang siya ng tingin at nilapitan yung binugbog nila.

"Tumabi nga kayo kung ayaw niyong masaktan"banta ko sakanila sabay lapit dun sa lalaki. "Ok ka lang? Tara sasamahan kita sa clinic.''yaya ko sakanya.

Napatingin muna siya kay Shaun at sa dalawang mokong. Tss.

Hinila ko siya kaso hinarangan kami nung dalawa.

"Tumabi kayo."

Pagkasabi ni Shaun non, dali-dali kong inalalayan yung binugbog nila. Hays, kahit kelan ka talaga Shaun.

He Is She?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon