[2]

9 1 0
                                    

---------------

IRENE'S POV

"Woi babaita bilisan mo dyan dahil hindi lang ikaw ang malelate!!" sigaw ko kay Heidi.

Aba magiisang oras na siyang nasa banyo, hindi parin lumalabas. Kung alam ko lang, inaalagaan niya lang yung kutis niya.

Pero kailangan bang nasa banyo ka ng isang oras? Psshh.

Binuksan ko nalang yung tv at nanuod ng balita.

Nandito kami sa tinitirahan naming dalawa. Oo. Dalawa. Kami. Ewan ko sa babaeng yan, may pa layas layas pang nalalaman kala mo naman kaya niya na sarili niya.

Napailing nalang ako sa katigasan ng ulo niya.

Narinig kong bumukas yung pinto ng cr.Napatayo ako at dali-daling pumasok sa banyo. Bwisit talaga to, bat ba kasi late ako nagigising?!

++

HEIDI'S POV

Papunta na kami ngayon sa EHU (Exacvier Heights University)

"Parang ayoko pumasok ngayon Aye."sabi ko kay Irene at nagpuppy eyes. Aye tawag ko sakanya dahil di bagay sakaniya ang Irene, tska nickname niya yon haha.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Tigil-tigilan mo 'ko Didi ah!"napatingin ako sakaniya bigla.

Ano daw? Didi daw?!

"San mo naman nakuha yang Didi na yan. Ang baho pakinggan!" angal ko sakanya at umarteng nababahuan talaga ako.

"Boba! Malamang sa Heidi! Hei! Di! Didi!" pagkasabi niya non tumawa siya ng malakas. Tssk.

Napapatingin tuloy samin yung mga estudyante, kahit si manong guard natatawa sa tawa ni Irene eh.

Di ko nalang siya pinansin at dumiretso na papasok. Ang baho talaga ng Didi ah, daming pwedeng itawag sakin Didi talaga.

"Hoy Didi! Hintayin mo ako!" di ko parin siya pinansin bahala siya.

Dumiretso nalang ako ng library, malamang kasi yung una kong klase wala nanaman yung prof ko.

Papasok na ako ng library, ng biglang may humarang...

"Hi."sabi niya sabay ngiti sakin.

Huh? Si ano to ah....

Teka....

Ahhhh...

Yung sabi kong sophomore na cutie....

"Ah. Hello?" ang cute niya talagaaaa.

Tinignan ko siya mulang ulo hang----

Yung lace ng I.D niya... pang-senior.

"Bakit ganyan suot mong lace?" tanong ko sabay turo sa I.D niya.

Pero di niya ako sinasagot. Nakakailang yung tingin niya. Crush ba ako neto?

Yak Heidi mandiri ka nga.

Hinila ko nalang siya papasok ng library, nakakahiya sa mga pumapasok nakaharang kami. Tsaka di siya nagsasalita? Di ako sinagot eh.

"Pwede ba wag moko titigan.'' pataray kong pagkakasabi.

Tinakpan ko nalang mukha ko ng libro. Nasa harap ko siya, alam niyo na nakatingin. Tss.

"Gusto mo ba mag cafet--"

"Ay sige! Tara!" pasigaw kong yaya sakaniya. Nasita naman ako ng librarian kaya hinila ko siya ng mabilis palabas.

Nakapamewang ako sa harap niya. Aba nakakaloka to, ang konti magbigay ng letters.

"Bakit ang tahimik mo?" seryoso kong tanong.

"...."

"Woi!" sigaw ko sakanya at kumaway sa harap niya. Bingi ba 'to? Tss.

"Ayy sorry hehe." napairap naman ako. Hays. Wala bang matinong kausap?

"Gusto mo ba ng dictionary?" seryosong tanong ko sakanya.

Yung mukha naman niya na pa 'Huh?'

"Baka sakaling may matutunan kang new words. Dyan ka na nga.'' inirapan ko nalang siya at pumasok na sa first subject ko.

As usual, nagaral lang naman ako at letseng surprise Quiz na yan. Buti napasa ko.

Uwian na ngayon, hinihintay ko lang ang magaling kong bespren. Yung mukha ko parang nilukot kapag naaalala ko yung 'Didi' na yon.

Nasa waiting shed ako sa tapat ng school ng may tumigil na kotse sa harap ko.

"Madam, pinapatawag kayo ni Mr. Feliciano." sabi nung bodyguard na lumabas galing dun.

Napapoker face nalang ako, welcome to my life guys.

Sumakay nalang ako na parang tinatamad papasok ng kotse, tetext ko nalang si Aye na mauna na siyang umuwi.

"My Daughterr!!" bungad ni Papa pagkababa na pagkababako ng kotse. Sinalubong niya ako ng yakap at halik sa noo. Same old Papa.

"You're looking for me daw?" sabi ko at pabagsak na umupo sa sofa. Nakakapagod mag aral hays.

"Yes anak, alam mo naman ang Mama mo. Palaging busy sa office." he's right, si Mama na ang halos umako lahat ng trabaho ni Papa. Workaholic eh, at the same time wala siyang time samin ng kapatid ko.

"Naiintindihan mo naman sigurong para sainyo yun ng kuya mo." tumango-tango nalang ako. Ye I know that.

"Is it about the 'Arrange' thingy again?" nakapoker face kong tanong.

"Anak I'm sorry, even I can't go against her. Alam mo naman ugali ng Mama mo." pagkasabi niya nun ay pabagsak din siyang umupo sa tabi ko.

Yep, Papa is right. Lahat ng gusto niya nakukuha niya. Plus she's very strict when it comes to feminism and the company. She's so bossy.

Napabuntong hininga nalang ako. Yun yung dahilan kaya di ako dito nakatira kila Papa. Dahil sa magaling kong Ina, sino ba namang gusto ma arrange marriage? Sila nga ni Papa hindi eh, so bakit sakin?

I texted Aye na dito muna ako matutulog.

"Papa, bakit nasa University kanina si Kuya?" ye, si kuya yung Dean 'kunno' kanina.

"Pinagpahinga ko muna si Mr. Salvador since nagkasakit siya." Mr. Salvador is the real Dean. Loyal ang Salvador sa aming mga Feliciano kaya ganon nalang si Papa sakanya.

I wonder kung ilang buwan si kuya sa University hahaha.

Btw, kami ang mayari ng EHU. Di ko lang sinabi kay Aye kasi bakit pa diba? Hehe.

"I'M HOOOMMMMEEE" oh nakauwi agad ang mahal kong kuya.

Sa ugali para silang Pinagbiyak na inidoro ni Papa. Childish and Cute. Pero iba sila magseryoso.

"How's Exacvier kuya?" pangaasar ko sakaniya. Psshh it's obvious na hindi niya gusto ang ginagawa niya.

"I.Dont.Like.It." diretso niyang sagot sabay tingin sakin. "Mas gusto ko pang nasa office." napangisi nalang ako.

"Ashuuu! Miss mo lang si Ate Gab!" si Ate Gab or Gabriella Salvador ay ang kaniyang Secretary. Anak din ni Mr. Bernard Salvador na Dean ng EHU.

"HEIDI ROSE FELICIANOOOO!" Sigaw niya sabay takbo palapit sakin. Tumakbo naman ako palayo sakaniya, si Papa naman tumawa nalang sa itsura namin.








--------------

He Is She?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon