PAMAHIIN

180 5 0
                                    


wala namang mawawala kung susundin mo at maniniwala ka .. dahil kung hindi baka may mangyaring di maganda .. may mangyaring masama..

**

nagmemeryenda kami ng mga kasama ko ng araw na yun ... burger , kwekwek , fishball at juice .
kagaya ng nakagawian .
ganun at ganun lang naman lagi ang meryenda .
nagkataon kase na fave naming tatlo ang ganung meryenda ..



STREET FOOD .




si aileen ang taya ngayon , sya ang dapat magumpisa ng kwento at dahil madaldal siya go na go talaga sya walang preno ang bibig nya ..lalo at alam nyang interesado kami sa kinukwento nya .. ng biglang magsalita si lorenz ..

"uyy teka totoo ba ung pag nakapanaginip ka ng bungi ka o nalagasan ka ng ngipin dapat mong ikagat sa kahoy yung ngipin mo at wala kang dapat pagkwentuhan kase pag kinwento mo may mangyayareng masama sa mahal mo o sa taong malapit sayo?"  tanong nito samin .

"di naman un totoo"  sagot ko naman di kase ko naniniwala sa mga ganun ganun ..

"de, pwedeng totoo pwedeng hindi.. wala namang masama kung susunod ka nalang ii "  sabi naman ni aileen ..

"oo nga totoo nga un walang mawawala kung susunod ka kaya sumunod ka nakang kase kung hindo para mo na ding pinain kay kamatayan ung mga mahal mo sa buhay"  pagsang ayon naman ni lorenz

" sabagay "  nasabi ko nalang ..

balik kami sa pagkaen ng meryenda namin ng magsalita na naman si aileen .. may kwento na naman atang naisip ..

"alam nyo ba yung tita ko dati , nakapanaginip siya na binubunutan daw siya ng ngipin ng doctor ee kinuwento kay mama sabe daw ni mama sa kanya hala dapat di mo kinukwento ung mga ganyan masama yan aa .. dapat kung kkwento mo ung napanaginipan mo nakakagat ka sa kahoy pag gising mo para mawala ung masamang mangyayare ganun un ii kaso sabe daw ni tita di daw totoo yon ..di daw sya naniniwala don"  kwento naman ni aileen samin ..

"ohhh tapos may nangyare ba ?"  usisa naman ni lorenz

"wala hahaha"  sagot ko naman sabay tawa

"oo meron !"  sabi naman ni aileen .. at pinagpatuloy nya ing kwento ..

"tatlong araw pagtapos nyang mapanaginipan un namatay ung anak nyang 13years old .. nagduduyan daw sa gilid ng bahay nila mahilig daw kase un magduyan don tapos sila nasa loob ng bahay bigla nalang daw silang may narinig na parang humigok daw yung higok , tapos ayun paglabas nila nakita ung bata na nakabigti sa duyan na ung kamay ee magkaikot ayun patay na iyak ng iyak ung tita ko ii"  kwento nito samin ..

"ohh? grabe pala no kawawa naman "  sabi naman ni lorenz .

"oo nga kawawa bata pa ii" sabe ko naman naawa ako dun sa sinapit nung bata ..



parang gusto ko na ding maniwala .di man ako naniniwala pero sigurado ko na kapag nakapanaginip ako ng kagaya nun , gagawin ko kung ano ang dapat kong gawin..

SA AMING TAHANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon