kung ikaw na mismo ang nakakaranas ng pagpaparamdam at kung ano anong konektado sa mga nilalang na di nakikita , magsasawalang kibo ka nalang ba o mag uumpisa ka ng maniwala na totoo sila..
**
tuwing gigising ako sa umaga, mag aagahan lang ako at uumpisahan kona yung ginagawa ko.. anniversary gift para sa boyfriend ko .araw araw ganun ang ginagawa ko .. pagtapos ko kumaen ng agahan itutuloy kona ung naumpisahan ko ..
ng araw na yun , ako palang mag isa tao sa bahay , umalis kase sila may pinuntahan .. mas pabor sakin walang gagambala sa ginagawa ko ..
ng bandang alas onse na ng tanghali , dumating na sila .. pagod na pagod nagpunta agad sa kani kanilang kwarto pagtapos ng ilang kwentuhan ..
pabor ulit sakin dahik atleast walang nagtanong o nangulit sakin ng araw na yun hindi naabala ang ginagawa ko ..
pagkatapos kong kumaen ay bumalik nako sa sala , sa tapat ng kwarto nila kuya .. nakaupo ako dun habang patuloy sa pagruler ng ilustration board pag gupit ng mga materyales na gagamitin ko sa pagpapaganda ng anniversary gift ko sa boyfriend ko ..
nung nagsusulat nako sa card na ginawa ko , habang ako'y patuloy na nagsusulat .. naaninagan ko ung isa kong kuya na sinilip ako .. isang mabilis na silip lang na parang nakangiti pa siya habang nakasilip sakin ..
"bakit kuya ?" sabi ko sa kanya habang patuloy ako sa pagsusulat ..
dahil hindi siya sumagot ay tinanong ko siya ulit ..
"kuya ! bakit kako !" sabi ko ulit .. ng patapos nako sa isang card na sinusulatan ko ..
" kuya sam! bakit mo kako ko sinisilip !!!" sigaw ko ulit .. ngunit kagaya ng dati wala pa ding sumasagot ..
ng di nako makatiis ay tumayo ako at pumunta sa kwarto nila para personal siyang tanungin ..
"HOY ! KUYA BAKIT MO KAKO KO SINILIP KANINA !BAKIT MOKO SINISILIP TINITIGNAN MO YUNG GINAGAWA KO NO???" pagalit na tanong ko dahil nainis ako ng nakailang ulit nako ay hindi nya naman ako nipapansin ..
para namang siyang nagulat at napatayo dahil nasa loob ako ng kwarto kasalukuyan pala siyang nanonood ng movie at nakapasak ang earphone sa tenga kaya di niya ko naririnig ..
"ha ? ano yun ???? sabi nito sakin na halatang walang kaalam alam sa pinagsasasabe ko ..
"sabi ko bat moko sinilip kanina ? kanina pa kita tinatanong di ka naman nagsasalita .." bat moko sinilip ? pag uulit ko ..
ngunit para naman siyang nagulat sa sinabe ko at agad na nagsalita ..
"anong sinilip sinasabe mo? di kita sinisilip no! " bulyaw nito sakin .
"anong hindi ? sinilip moko kanina ..." kampanteng sabi ko naman .
"hindi kita sinisilip bata ka bat kita sisilipin pake koba sa ginagawa mo?" pagalit na sabi nito sakin ..
"sinilip moko nakita ko nakita kita sinilip mokoooooo" pagpipilitan ko ..
"hindi kita sinisilip di pako bumabangon dito sa higaan ko simula pagdating ko nanonood akong movie" pagkaklaro nito
"kanina ko pa nga sinasabe na bakit moko sinisilip iiiiii " sabi ko naman ..
"ohh sumasagot bako?" tanong nito sakin habang naghahanda na sa pagbalik sa kanyang pagkakahiga
"hindi " matipid kong sagot
"ohh kase nga hindi ako un" sabi nito hanggang sa tuluyan na itong bumalik sa pagkakahiga sinalpak ang earphone sa tenga at nanood ulit ng movie ..
ako naman ay naiwang nakatulala , di malaman kung ano ang dapat maramdaman ng mga oras na yun ..nakatulala lang ako sa harap ng kwarto nila kuya ..hanggang sa mapansin ko ang nakasandal na salamin na nakaharap sa pintuan ...