LoveWarning- III

4 0 0
                                    

-Cherrylhyne-

Mahigit 3weeks na ang lumipas mula nung huling nakita ko yung kaibigan ni kuya. Si Dylan. Masyadong feeling close ang lalaking yun. Biroin niyo yun bigla nalang kinausap ako nung naglalaba ako. Tinulungan pa ako mag laba. Wew. Hanep ang gusto ng loko. Andami pang kinukwento. Eh paki ko naman sakanya. Ni Hindi ko siya kinubo pero siya andaldal parin. Nakalunok ata ng microphone yun ang ingay na nga madaldal pa. siya na!

Andito pala ako sa waiting sheid. Nag aantay ng bus papuntang School. Hindi kami mayaman kaya wala akong service or kahit kotseng panghahatid sakin. Monday ngayon at 8:45 na. 15mins pa naman ang aabotin bago makapunta sa school. Plus yung oras pa ng pag hihintay. Malalate ako nito panigurado. 9:15 pa naman ang first subject ko ngayon. Dagdag stress nanaman ang bus!

Sa dinami dami ba namang kasing kapatid na maari ibigay sakin. Tamad pa ang pinili. May Motor si kuya pero ni minsan di ko pa na try mag pahatid sakanya gamit yung motor na yan. Kung bakit? Kasi tulog mantika ang walangya. Kaya ako binansagang miss late nung elementary at highschool ako dahil sa kuya ko. Kasalanan niya yun! Hindi Sana ako nalalate Kong masipag lang siyang anak at kapatid. Hayst! Nababaliw na ako!

Huminga ako ng malalim. 8:50 na sakto at may nag stop ng bus kaya yun agad akong pumasok. Pag pasok ko palang kita ko na agad yung mga lovers na naka sakay dito. Kaunti lang ang naka sakay pero puro mga may kapartner. Mag kaka akbayan pa! Letche! Odi sila ng may lovelife. Tumabi nalang ako sa isang lalaking nakaupo mag isa. Kunwari partner ko rin siya. Marami namang bakanti pero trip ko to pagbigyan na. Pogi naman si kuya pwedeng pwede na.


Nakatingin lang sa labas si kuyang pogi. Malalim ang iniisip pwede ng sisidin. Hayaan na lang baka na heartbroken pagbuntungan pa ako. Ayuko nun natry ko na kaya mapag buntungan.


Flashback**

Puno ang bus. Late na ako kaya no choice ako kundi maki siksik ako dun sa pinaka likuran ng bus. 4 lang naman sila dun. Pang 6 ang pwedeng umupo roon yun nga lang yung mga nakaupo roon mga dambuhala kaya makikipag sisikan nalang ako. Kesyo namang tumayo ako. Ano yun. magbabayad ako eh di naman ako nakaupo? Wag ganun unfair.

Lumapit ako dun Kay kuyang nasa dulo ng upuan sasabihin ko lang na magpaurong siya para may space naman ako. Para naman makaupo ako kahit 15 mins lang.

"Kuya. Urong ka po para po may space ako" sabi ko Kay kuya. Nagulat nalang ako ng tinignan niya ako ng matalim.

"Space? Bat kita bibigyan ng space!? Alam mo bang binigay ko na sakanya lahat ng space na gusto niya! Pero wala! Bumabalik parin ako sakanya!" Sigaw ni kuya. Umiyak pa tapos my nilabas na baril sa takot ko tinaas ko yung kamay ko.

"kung gusto mo pang mabuhay umalis ka sa harapan ko! At wag na wag mo na akong uutosang bigyan ka ng space!" Sigaw niya. Walang ano ano'y kumaripas ako ng takbo habang sumisigaw Kay manong driver.

"Manong! Manong ihinto niyo po! baba na po ako!" Sigaw ko. Marami akong dala kaya hindi ko alam kung anong itsura ko habang tumatakbo papunta sa pintuan nitong bus. Ayaw ko ng maulit to! Pesteng love oh. Kagagawan mo nanaman to.

End of flashback**

First time ko na ngang masigawan with baril pa. Hanep eh! Iba talaga ang kagagawan ng love. Pwedeng makapanakit ng taong walang kamalay Malay. Kaya dapat may warning ang love. Bigla ka nalang tatamaan ng Hindi mo namamalayan. Bigla ka nalang iiwan ng walang kalaban Laban. Saklap no? Kaya wag ka nang mag mahal panira lang. May oras para Jan.

"Move" sabi ni kuyang pogi. Di ko maintindihan kaya na pa "huh?" Nalang ako. Tinignan pa ako ng matalim.

"I said move" seryosong sabi niya. Napatayo naman ako kasi para na siyang mangangain ng buhay. Kapatid ata ni shreak.

"Stop the bus!" Sigaw niya. Tumayo naman na siya. si kuyang driver natakot ata sa sigaw ni kuyang poging heartbroken kaya agad na inihinto yung bus. Napasinghap nalang ako sa nangyari grabe siya oh! Mainitin ang ulo ni Kuya.

Umupo nalang ako sa pinagalingan ni Kuya. Enjoy na enjoy ko yung hangin ng mapansin kung parang lagpas na ako sa school ko. Hindi. Lagpas na pala ako! Ay tanga. Napatayo ako agad. Kung kanina di ako masyong sigurado na malilate ako ngayon sigurado ko ng late na ako. Pag hakbang ko may naapakan ako. akala ko bato pero pag tingin ko kwintas na may pendant na heart. Naisip ko lang na baka Kay kuyang poging heartbroken yung kwintas kaya pinulot ko. Kung sakaling makita ko siya ibibigay ko nalang.

"Manong dito na po ako!" Sigaw ko. Hindi pa naman masyadong malayo yung naabot ng bus mga 4 na bahay lang kaya kayang kayang takbohin maabotan ko pa siguro ang time ko. Tinignan ko naman yung relo ko at 9:15 na late na nga ako! Ano ba yan!

Agad agad na akong bumaba. Kaya ko to! Tatakbo ako! Tulong na rin Para ma burn ang fats ko. Hindi ako mataba actually sakto lang ang katawan ko. Chuva chuva ko lang yung fats! Nyahaha. Nag Simula na akong tumakbo. Enjoy na enjoy ko ang pagtakbo feeling ko hinahalikan ako sa pisngi. ang presko ng hangin. Sana ganito palag------.


"Ayy!" tili ko ng madapa ako kasama na ang matigas na bagay. Tanga! Bat ba kasi may papikit pikit pa akong nalalaman. Ang shunga ko late na nga ako nag enjoy pa ako. Kering king.

"You OK?" May nag Tanong. Nagtaka ako kasi boses lalaki. Kinakapa ko pa yung bagay na Nasa ilalim ko. Nakadapa ako sa matigas pero comfortable na bagay. Nang maisip ko na parang abs yun. Kinapa kapa ko pa pataas ng marealize ko na..

"Abs nga!" Gulat Kong sigaw at napatingin ako Kay Kuya. Tama! Lalaki nga. Naka tingin na siya ngayon sakin. Nakakahiya bat ko ba sinigaw? isang napakalaking tanga talaga ako! Nalunok ko nanaman ata ang dila ko kasi di na ko makapagsalita lalo na at napako ang paningin ko sa Mata niya. Ang gwapo! Kanina gwapo yung katabi ko tapos ngayon gwapo nanaman! Dalawang nilalang na gwapo ang naharap ko ngayong araw! Kinikilig ang kilikili ko!

"Miss. Tayo kana nangangawit na ako" sabi ni Kuya.

"Ah hahhaa sorry" paumanhin ko. Naloka ang Lola niyo. Di marich ng utak ko! Ang gwapo! "Ang future husband ko" mapagpangarap Kong sabi sa utak ko pagtayo naming dalawa.

"Huh? OK ka lang ba miss?" Tanong niya. Kasalukuyan niyang pinapagpag ang damit niya kaya di siya diretsyong nakatingin. Oh lala~ tinamaan ako Kay kuyang pogi!

"Ah. Sorry ulit" sabi ko. Tinignan ko yung relo ko 9: 18 na. Wala na late na talaga ako. Pasensya nalang Kay kuyang pogi kailangan ko ng umalis. Ayuko ng madagdagan ang oras ng pagiging late ko. Every 1minute pa naman may bayad, yun ang sabi ng prof namin. Agad na akong kumaripas ng takbo narinig ko pang tinatawag ako ni kuyang pogi pero wala na akong paki. Sorry nalang sayo future husband ko.

After 2hours**

"Cherry tara mag meryenda tayo" aya ni vaxien. Kaibigan ko.

"Uhm sige mauna kana. Ayusin ko lang tong gamit ko" sabi ko. Breaktime na kaya kailangan ko ng ayusin yung gamit ko nag rush kasi yung groupmate ko sa project namin. Inis ko lang sa mga yun. Pagkatapos nilang marinig ang salitang break time iniwan na ako. Odi ako na ngayon ang mag isa magliligpit ng mga gamit dito letche!

Gutom na ako ni Hindi pa ako nakapag breakfast tapos malilate pa akong mag meryenda ano ba yan! Ang malas ko naman ngayon. Lola help mo naman ako oh! Sabi ko. Hahawakan ko Sana yung kwintas na bigay ni Lola nang maramdaman kung walang nakasabit sa leeg ko. Luh!?

"Yung kwintas ko!"

*^*^*°==°*^*^*

Other side**

"Bro ok ka lang?" He ask.

"Do you think I'm OK!?" I shouted.

"Kaya nga nag tatanong ako!" Pilosopo ang gago!

"May nawawala" banggit ko. Napansin ko lang kanina na wala yung kwintas ko. Bigay yun sakin ni mom. Heck!

"Ano naman?"

"My necklace!"

Love warning (a love confession)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon