Dixie's POV
"Bakit mo ako tinitignan ng ganyan?" tanong ni Rocky sa akin nang mapansing nakatitig ako sakanya. Nabitin sa ere ang kutsarang isusubo na sana niya.
Nasa isang class na restaurant kami sa isang kilalang hotel sa Roxas Boulevard.
"Muka kasing ang saya-saya mo!" (^___^) Ako
Tuluyan na nitong inilapag ang kutsarang nasa plato nito.
"Sino ba naman ang hindi magiging masaya. Imagine, isa na kong ganap ng engineer ngayon. At may naghihintay pang trabaho sa akin."
Nag nod lang ako. Tunay namang napakasaya ko para sa boyfriend ko.
Imagine, isa na siyang engineer. Hindi lang basta lisensyado, nasa top ten ito sa mga nakapasa sa board exam. Kaninang umaga lang lumabas sa mga dyaryo ang resulta at agad nya akong tinawagan para ibalitang nakapasa siya at nasa number three sa top ten. Pakiramdam ko nga'y nagtatalon na siya kaninang magkausap kami sa cellphone, umagang-umaga.
Nagyaya na nga agad itong lumabas. Kaya kanina, pagtapos ng trabaho ko sa Evelyn Hair Center ay sinundo niya ko at nagtuloy kami sa hotel na ito para mag-celebrate.
"Ang galing galing mo naman babe!" (^____^)
At bakit hindi ko masasabi 'yon. Eh isang working student si Rocky noong nag-aaral pa ito. Isa itong macho dancer sa isang kilalang gay bar sa QC.
Nasa first year college ito nang mamatay sa isang aksidente ang kinilalang ina. Bumangga ang bus na sinasakyan at kasama ito sa mga nasawi. Upang hindi mahinto sa pag-aaral, pumasok na macho dancer si Rocky.
Doon sila nagkakilala ni Dixie. Isa siyang burlesk dancer noon sa isang kilalang nite club sa Quezon Ave. Nag-iisa siyang nag-aabang ng taxi nang hatinggabing iyon sa isang waiting shed nang hintuan siya ng isang lalaking mukang nakainom. Niyaya siya nitong sumakay sa kotse nito.
Nang tumanggi siyang sumama ay sinunggaban siya ng lalaki. Nanlaban siya pero higit na malakas ang lalaki kahit nakainom. Kinaladkad siya nito pasakay sa kotse. Nagkataon namang napakadalang ng sasakyang nagdadaan dahil sa hatinggabi na.
Maisasakay na sya ng lalaki sa kotse nang may isang matangkad at matipunong lalaki ang sumunggab sa balikat nito at nang lumingon ito ay agad na nasuntok sa mukha ng bagong dating na lalaki.
Walang malay na lumagpak sa daan ang lalaki. Mabilis naman siyang nahila ng lalaki palayo doon. May nagdaang isang taxi at nakasakay silang dalawa.
Noon sila nagkakilala at nang lumaon ay naging magkasintahan.
Dinampot ni rocky ang kutsarang binitawan at isinubo ang laman niyon.
"Gusto kong magpakasal na tayo Dixie, kapag nakadalawang buwan na ko sa trabaho."sabi niya habang titig na titig sa akin.
Parang gusto kong pangiliran ng luha. Iyon ang matagal ko nang inaasam, ang makasal kay Rocky. Mahal na mahal ko siya. At kahit hindi siya maging isang engineer ay mamahalin ko pa din siya.
Gwapo si Rocky, lalaking-lalaki. Papangarapin ito ng kahit na sinong babae. Lalo na kung hindi malalamang isa itong macho dancer. Kapag naman kasi nakabihis ng maayos si Rocky ay walang makapagsasabing isa lamang siyang macho dancer. Maganda kasi siyang magdala ng damit. Palibhasay matangkad, maganda ang katawan, macho, bodylicious at maputi. Para itong isang empleyado sa malalaking kompanya sa Makati.
Iisipin pa nga ng makakakita dito ay isa itong anak mayaman.
Ang lahat ng katangiang iyon ang minahal ko kay Rocky. Kahit nga nanatili itong macho dancer ay pakakasal pa din ako sa kanya.
YOU ARE READING
Regret
RomanceTalaga namang nakakainis yung mga taong bigla na lang nagbabago dahil lang sa sobrang babaw na dahilan. Pero may mas nakakainis pa ba sa taong ipinagpalit ang wagas na pagmamahal dahil lang sa pera? Tapos bandang huli magsisisi.