Chapter 6: Not Just Once But Twice

68 3 0
                                    

✖Lexus✖

   Did he just kiss me?  Or am I just dreaming?  Gosh!  I can't believe this.  I'm still touching my lips while looking at the mirror.  He stole a kiss from me,  he stole my first kiss. 



Tama ng yung sinabi nila na kapag nangyari yung first kiss mo hindi ka mapakali at tingin ka ng tingin sa salamin. I felt the collywobbles in my stomach.




Yeah!, I admit it I have a big huge crush on  Phoenix since the first time I saw him. But I didn't expect that he would kiss me. I'm just Bea and he is Phoenix, we're not on the same level.




But what's with the kiss?  Why did he kissed me?  A big question mark popped on my head and I need an answer. For now,  I will act normal. I don't want to expect because in the end I might get hurt. 




Bago ako natulog nagtext muna ako sa coffee shop para ipaalam na hindi pa ako makaka pasok bukas. Mahirap na baka mabinat ako,  ako rin ang mahihirapan.




Humiga na ako habang yakap-yakap si PhoeXus.  "Hay PhoeXus?! Ginugulo ni Phoenix ang utak ko." sabi ko. Nakatulala lang ako hanggang sa tangayin ako ng antok at makatulog.




The next morning I woke up feeling okay.  My fever is gone and I feel energized. Bumangon ako at nag inat.  "Haayy! Good Morning PhoeXus! " sabi ko tsaka niyakap siya ng mahigpit. Nagtungo ako sa Vanity mirror at nanalamin.




Iba ang aura ko ngayon. Fresh ang itsura ko at mamula-mula ang pisngi ko. "  Epekto kaya ito ng halik niya? " Ayun at kinilig na naman ako ng maalala ko.  Those were the best seconds of my life.




Naghilamos na ako, nagtoothbrush at nagsuklay tsaka ako nagwalis sa labas at nagdilig. "Magandang umaga ho, Mommy" bati ko sa land lady namin.  Ngumiti naman siya at sinabing "Magandang Umaga rin sayo hija.  Maayos na ba ang pakiramdam mo? " bumahid ang pagtataka sa mukha ko. Bakit alam niya na may sakit ako "Opo,  magaling na po ako" sagot ko sa kanya.  "Mabuti naman. Nakita ko kasi kahapon yung kaibigan mo nag aalala kahapon may kasama pang Doctor.  Kaya tinanong ko kung napano ka." Napangiti naman ako sa sinabi ni Mommy.  "Ahh ganun po ba" tapos pumasok na si Mommy sa loob ako naman nagpatuloy sa pagdidilig.




"Iyong unang halik
Unang tibok ng pusong sabik
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang, parang walang hanggan
Limutin mo man, mahirap gawin
Dahil damdamin mo sumisigaw
Mapipi man ang 'yong bibig
Kay tamis ng una mong halik"



Kasalukuyan akong kumakanta at nagmumuni-muni ng may humapit sa baywang ko at pinihit ako paharap. Sa pagkagulat ko ay nabitawan ko ang tabo na may lamang tubig kaya nabasa kami.




"Oopps?!" sabi niya "naku Phoenix pasensya na" humingi ako ng pasensya dahil nabasa ko siya. "Ikaw naman kasi nang gugulat ka". Ngumiti lang siya "It's okay Bea. This is for you" iniabot niya sa akin ang isang basket ng prutas at isang bouquet ng sunflower.  "Naku,  ikaw talaga nag abala ka pa.  Tara sa loob ng mapatuyo natin yang damit mo"





Bigla niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan "Wait,  ano yung kinakanta mo kanina? " tanong niya bigla, sigurado akong namula ang mukha ko dahil sa kahihiyan. "Ha?  Yun wala yun" tumawa siya ng mahina "Wala daw eh narinig ko na nga sabi mo

" Iyong unang halik
Unang tibok ng pusong sabik
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang, parang walang hanggan"

"Basta yun,  hindi ko na alam ang lyrics" Sumimangot ako "Che!!  Hindi ah ! halika na nga sa loob"




Pinaupo ko muna siya atsaka inilapag ang bigay niya. "Hubarin mo na yang damit mo ng maipatuyo ko". Tumayo naman siya at sinunod ang sinabi ko.  Habang inaalis niya ang damit niya napatitig ako sa kanya.  "May abs pala siya. " kinikilig ako pero di ko pinahalata. "Maganda ba ang view? " tanong niya sa akin.  "Ha? Ano?  Ahm anong sinasabi mo? " nauutal kong sagot sa kanya.  "Sabi ko maganda ba ang view?  kasi nakatingin ka sa abs ko ehh" he stated then smirk. "Ayyy!  Ang feeling mo naman,  hindi ahh" tumawa naman siya "Sige deny pa kitang-kita ko na nga". Sigurado akong namumula na ang mukha ko kaya tumalikod na ako. "Che?! Diyan ka na nga ipapatuyo ko lang tong damit mo".



Nang maisampay ko ang damit niya tinanong ko siya kung nag almusal na siya.  "Coffee? " tumingin naman siya sa akin tsaka tumango.  Kaya pinagtimpla ko siya ng kape "Black Coffee" to be exact dahil hindi siya nagsu sugar.  Tapos naglabas ako ng Wheat bread at yung Good Shepherd Ube Jam.

Tinawag ko na siya para kumain."Oh halika na kain na tayo" tumayo naman siya agad at umupo sa mesa.  "Wow!  Alam na alam ang timpla ng kape ko ah" tapos ngumiti siya.  "Oo naman noh,  matagal ka na namin customer and never ka oang humingi ng creamer or sugar sa amin.  Kaya kilala ko ang timpla ng kape mo" pagpapaliwanag ko.




Kinuhaan ko siya ng tinapay at pinalamanan.  "Eto oh,  tikman mo masarap yan" sabi ko sabay abot sa tinapay na may palaman.  Agad naman siyang kumagat. "This is soo..  hmmm delicious''sabi niya habang ninanamnam ang tinapay. "Anong palaman 'to" tanong niya. "Ayan ohh" sabay abot sa kanya nung palaman.




"Sa Baguio 'to? Masarap siya ha. Punta tayo sa Baguio.?" bigla niyang sinabi. "Ha?  Seryoso ka?  Gusto mong pumunta sa Baguio? " tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya at sumagot "Oo,  gusto kong pumunta kasama ka.  Hindi ko alam doon eh baka mawala ako. Sama ka".


Gusto ko rin pumunta sa Baguio last christmas vacation pumunta kami nila Jouie doon para mamasyal kaya medyo kabisado ko rin ang pasikot-sikot doon at mga tourist spots.  "Ohh sige sasama ako,  kailan ba? At ano ang sasakyan natin? "tanong ko sa kanya. 




"Bukas?  Tatanungin ko yung kaibigan ko kung gusto niya sumama. Yung Rover ko ang gagamitin natin" sagot niya. "May Rover ka? " I asked in disbelief. "Yeah meron akong Rover,  pero madalang ko lang gamitin".




Ipinagpatuloy lang namin ang pagkain ng almusal habang nagku kwentuhan ng kung ano-ano sa buhay. Nakatitig lang ako sa kanya,  sa mga labi niya actually. Habang nagsasalita siya hindi ko mapigilan mapansin ang mga labi niya. Yung mga labi niyang makasalanan. Yung labi niya nagnakaw ng aking unang halik. Yung labi niyang kay sarap ulit halikan. 




"Bea!  Tssked! Iba naman ang tinitignan mo eh.  Kanina pa ako nagsasalita dito. Hindi ka naman nakikinig.  Nakatingin ka na naman sa labi ko" tapos tumawa siya ng malakas. "Ayy grabe siya ohh! Wag kang feeling uyy! " sita ko sa kanya.





" Wag kang aarte-arte jan. Hahalikan kita ulit " panghahamon niya. "Ako? Matatakot?  Tssk?! Alam ko naman hindi mo magagawa" sabi ko sa kanya.  Dahil sa binitawan kong salita bigla siyang tumayo at tinawid ang pagitan naming dalawa upang halikan ang aking labi.  5, 7, or 8 seconds.? Hindi ko nabilang kung ilang segundo na naman naglapat ang mga labi namin.  Utang na loob!  Hindi ako marunong humalik.  Kaya nagpadala na lang ako ng ipasok niya ang dila niya sa bibig ko.




"Still the same innocent sultry lips I kissed last night" he said while smiling sweetly.





"Of course,  I have no expirience at all.  For the record you're my First and Second kiss" I stated.

Author's Note:

Naku Phoenix,  oara-paraan lang ha?  Hahaha!  Excited ako sa pagpunta nila sa Baguio. 😁😁

Vote
Comment
Share

10-16-16
 



The One That Got AwayWhere stories live. Discover now