Chapter 4: First Date

68 7 4
                                    

Lexus ❤

Today is my rest day. Nakapaglinis na ako ng apartment ko at naayos ko na rin lahat ng gamit ko. Nabo-bored naman ako mag-isa dito sa kwarto kaya nagdesisyon akong lumabas. Nakalimutan ko yung tablet ko sa Coffee Shop kaya dadaanan ko ito.


Pagpasok ko sa Shop nakita ko agad si Jouie na maaliwalas ang mukha. "Anyare? Bakit ang saya mo? Pakiabot mo nga yung tablet ko doon Jouie." pasuyo ko sa kanya.



Nang maiabot niya yung tablet ko, iniliagay ko na ito sa bag ko tapos bigla siyang nagsalita.


"Sesh! Si Fafa Phoenix hinahanap ka kanina" kinikilig niyang pahayag sa akin.



Ako naman kinilig din 'whoah!' yun lang ang nasabi




"Tumingin ka sa likod mo sesh, nakatingin siya sayo" sabi niya kaya tumalikod ako. At nakita ko nga si Phoenix kaya kinawayan ko siya at binati ng "HI". Pagkasabi ko nun ay lumabas na ako sa Coffee Shop.



Nakakailang hakbang palang ako ng may humawak sa braso ko at pumigil sa akin. Pag lingon ko si Phoenix ito.


"Hi" masayang bati ko sa kanya.


"Hello, off mo raw ngayon?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako.


"Pwede ba kitang yayain mamasyal sa mall?" nahihiyang sabi niya.

I smiled at him and say..

"Okay, doon din naman ang punta ko eh"

He intertwined our fingers together and lead me to the Parking Lot. Meron pala siyang Ducatti grabe! dagdag pogi points! Ang lakas makagwapo.



Isinuot niya yung Jacket niya at ibinigay niya yung helmet niya sa akin.



"Isuot mo 'to" sabi niya. Isinuot ko naman yung helmet. Pinaandar na niya yung Ducatti niya, nang maka angkas ako nagsalita siya bigla



"Pull me closer" kaya hinigpitan ko yung pagkakayakap ko sa kanya. Nang masiguro niyang mahigpit na ang pagkaka yakap ko sa kanya pinaharurot na niya ang Ducatti niya.




When we arrived at the Mall, he intertwined our fingers possessively. It's like he's saying 'BACK-OFF SHE'S MINE'. Hindi naman ako nag protesta minsan lang ito kaya lulubusin ko na.


"Where do you want to go? Kumain ka na ba? " tanong niya sa akin.


"Hindi pa ehh, pero gusto kong pumunta sa Arcade." sagot ko sa kanya.

"Kain muna tayo tapos pumunta tayo sa Arcade mamaya"sabi niya.


Hinayaan ko na lang siyang magdesisyon kung saan kami kakain. The whole time that we're together I realize one thing. Masaya siyang kasama. Paano ba naman wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang patawanin ako. Sobrang sakit na nga ng tiyan ko sa kakatawa.



Pagkatapos naming kumain nagpunta na kami sa Arcade at naglaro. Una kaming pumunta sa Teddy Bear Machine. Nakailang ulit attempt siya bago siya makakuha ng isang Stitch na Teddy Bear. Tapos ibinigay niya sa akin.

"Here, take this" ayy shocks! Kakilig!

"Thanks!" yun lang ang nasambit ko


Nang magsawa siya sa Machine pumunta naman kami sa 'Shoot and Get'. Binaril niya yung mga bola na nakapatong, kapag naasinta mo ang limang bola  makukuha mo yung Grand Prize na malaking Teddy Bear. As usual naasinta niya yung limang bola at nakuha namin yung Grand Prize.

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now