The Day

85 6 3
                                    

Lumipas ang mga araw gumagawa  pa rin ako ng sulat sa kanya pero parang walang epek? Binabasa niya ba o tinatapon na lang sa basurahan? Kausapin ko na nga ito baka tinatapon niya lang ang sulat ko sa kanya kaya hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin.

Recess.

 Walang natira sa room, kami na lang ni ranz, tulog siya at naka ub-ob  sa kanyang arm chair.

Chance ko na.

Psst” kinulbit ko si ranz.

“Hoy..” sabi ko pa

Tinanggal niya ang headset sa tainga niya, haisst hindi pala siya tulog.

“bakit?” tanong naman niya sa akin.

Ayiee, nakikilig ako bakit ganyan siya makatingin.

“Ah. May gusto lang sana ako itanong kung may nakikita ka bang sulat sa arm chair mo tuwing hapon?”

“Yung sulat ba? Wala eh”  sabay ngiti sa akin, kunwari pa siya halata naman sa mukha niya na nababasa niya yung sulat ko.

“Ganun ba”  *pout*

 Napatingin lang siya sa akin at may sinabi pa “nababasa ko, bakit?”

Hindi ko sinagot yung tanong niya, tumayo ako at pupunta na sana sa  canteen.

“Ah, wala, sige recess lang ako”

Tumayo na ako, bigla humawak  sa kamay ko si ranz.

“teka, wag kang umalis” pinabalik niy ako sa upuan ko.

May kinuha siya sa bag niya at may  inabot sa akin.

“Oh,” sabi niya

“para saan?” tanong ko pa

“wala lang, wala kasi ako kasabay mag recess eh”

“akin lahat ito”napangiti naman ako na tinanggap ang chocolate.

Hoy hati tayo diyan,” sita niya sa akin

“oh, ikaw na mag bukas”  binalik ko lang sa kanya

“haisst.. ..sajsyu” may binubulong bulong pa ang baluga na  ito ah.

“ano sabi mo?”

“wala, maganda ka”

Inalok na niya sa akin ang chocolate at kailangan na naming maghati.

“Wag mong putulin yan, kumagat ka na marumi ang kamay mo”

“arte mo naman,”

Kumagat na ako at  kumagat rin siya.

“gusto mo pa?” alok pa niya sa akin.

“sige sayo na”

“ok”

Tumingin lang siya sa bintana at patuloy lang sa pag nguya.

Napa tingin lang din ako sa bintana at nakikita ko ang mga estudyanteng dumadaan at kumakaway dahil kay ranz kyle.

“bakit hindi ka na lang mag recess sa labas para ka namang  preso dito sa room naten”

“Huh? Ba’t ako lalabas pag ako dinumog diyan”

“atleast malalaman mo kung gaano karami ang fans mo na hindi mo pinapansin.”

“Hindi ako snobber”

“Wala akong  sinasabi”

Napangiti siyang tumingin sa akin.

“Bakit?” tanong ko naman sa kanya

“wala, magkwekwento sana ako sayo kaso baka hindi ka interesado..”

“ano ka ba mag kaklase tayo, kaya go share ka na”

“may gusto akong girl, siyempre maganda siya at ang kinatuwa ko pa napaka patient niya. Sumusulat siya sa akin araw araw, natutuwa ako  kasi sa lahat ng babaeng nakilala ko siya yung walang sawang umalala sa akin. She always reminds me na  pansinin ko naman yung ibang  tao. Siguro inis na inis na sa akin yun ngayon dahil wala akong sinasagot kahit isa sa sulat niya, “

“ahh..” yun lang nasabi ko, sino kaya yun marami pala kaming sumusulat sa kanya .

“ayaw ko kasi abalahin siya sa pag aaral niya baka mawala sa honor dahil sa akin”

Lumapit siya ng konti sa mukha ko at  nakatingin siya sa lips ko.

Bigla ako lumayo.

Napangiti naman siya sa pag iwas ko.

Tumingin lang uli siya sa bintan at nagsalita

 “ai.. sino kaya yun ? Pakisabi mo naman na crush ko  siya.”

 “swerte niya..sana…” bulong ko pero mukhang napakinggan niya.

“ Ikaw na lang?”

Natawa lang siya sa sinabi niya at nakangiting tumingin sa akin.

Naging tahimik naman ako maghapon at hindi nagsasalita sa kanya, nakakahiya kaya.

Yung ine emote niya nung isang araw pa.

Sinasabi niya sa adviser namin na   hindi pa niya kayang umamin dahil baka iwasan lang siya.  Sinabi pa nga ng teacher namin kung sino man yung girl na yun napaka swerte talaga.

Maghapon  hindi ko siya iniimikan, napapansin ko lang siya na laging nakatingin at nakangiti sa akin habang nagsusulat.

“Hmm… *ubo* “ sabi ng kaklase naming na nasa likod.

Lumingon si ranz dito at nag high five pa yung dalawa, ang baliw lang.

“Ang lakas pala ng tama nung isa diyan, katabi lang pala yung problema niya” sabi ng bestfriend ko na si Caly.

*KRIIIIIINNNGGG!!*

Uwian na.

As usual ako na naman ang pahuli huli,nilagay ko na yung books ko sa bag at sinarhan na ang pinto sa room.

Nagulat ako ng nakita ko na nasa likod ko pala si ranz

“oh bakit diyan ka pa?’’ sabi ko sabay lakad papunta sa hallway.

Ramdam ko na sinusundan niya ako hanggang sa makalabas kami ng gate.

tumigil ako sa may shed para mag abang ng taxi.

“mag tataxi ka lang” sabi niya sa akin, nasa likod ko pa rin siya pero hindi ko siya kinakausap.

 Nakita ko siya na  lumapit sa highway ng konti at nagpara ng taxi.

“Oh, sakay ka na” sabi niya sa akin at binuksan niya ang pinto ng taxi

“salamat” sabi ko mahina lang

“manong paki ingatan, sige ho salamat” sabi niya dun sa taxi driver.

Si ranz talaga.

Pinopormahan ba ako nito?

Hindi naman siguro kaibigan lang yan. Sana.

Ikaw Lang.. (Ranz Kyle Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon