Dream about You

277 4 2
                                    

“Pangarap lang kita.

Masakit isipin pero bakit nga ba hanggang pangarap na lang ba talaga?

Ang totoo, mananatili yang pangarap kung hindi ka gumagawa ng paraan para matupad ang mga yun.

Pero ako, sa tingin ko natupad ko na ang aking pangarap, kung hindi ako gumawa ng paraan, talagang pag sisisihan ko yun…”

Dear Ranz Kyle,

Sana naman pansinin mo na ako? Alam mo ang lapit mo lang , pero parang ang layo mo pa rin sa akin. Pag pumapasok ka, lagi ka na naman tulog minsan naman  busy ka mag temple run. Tapos madalas ka pang wala dahil may dance rehearsal kayo. Pansinin mo naman yung mga taong nakapaligid sayo at sana mapansin mo rin ako.

Gusto kaya kita.

                                                                                                                                   Cornetelle’                  

“Naku, mabubungi na si ranz diyan sa kakalagay mo ng candy sa sulat na yan”  sabi sa akin ni  Caly habang inaayos niya ang  gamit niya para makauwi na agad.

“Bakit naman mabubungi  first time ko lang gagawa ng Letter na may candy na kasama ah” sagot ko naman.

“ewan ko sayo, tss.. “

teka Caly hintayin mo ako,”

Agad kong nilagay ang sulat sa arm chair ni ranz,  nakapatong ang candy dun.

Dali dali akong lumabas para habulin si Caly  at yun nga naaubutan ko siya.

Na salubong naman namin si Ranz sa corridor papunta sa room, hindi niya kami pinansin, busy siya sa pag babasa ng message sa inbox niya.

Pangiti ngiti pa.

Sana nga lang makita niya yung sulat na ginawa ko.

Hanggang ngayon, magkatabi pa rin kami sa upuan.

Ikaw Lang.. (Ranz Kyle Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon