♥♥♪♥♥
[Aera's point of view]
"Napaka walang kwenta mo na nga sa pamamahay na to, tatamad tamad ka pa!"
Mataimtim na idinilat ni matt ang mga mata niya.
"Tita, hindi muna ako papasok. Nilalagnat ako."
"Nilalagnat ka? Napaka gandang dahilan naman niyan! Bumangon ka dyan ng makatulong ka! Palibhasa iniwan ka lang ng mga magulang mo saken."
Galit na lumabas ng silid ang tita ni Matt at malakas na isinara ang pinto.
Nakikita ko sa mga mata ni Matt na pagod na pagod siya. Pero kahit na ganon ay hindi niya ininda ang saket na nararamdaman niya ngayon.
Umupo siya at nag isip.
Ano kayang iniisip niya?
"Aera.. Kaninong pangalan yun?" Banggit niya.
Hindi ko alam kung anong saya ang nararamdaman ko ngayon.
Binanggit niya ang pangalan ko!
Binanggit niya ang pangalan ko!
"Lumamig nanaman ang ihip ng hangin. Malamang nandito ka nanaman."
Banggit niya kasama ang isang ngiti.
Nararamdaman niya ako.
Sa araw araw na pagdalaw ko kay Matt, ngayon alam kong nasanay na siya.
"Okay lang ako.. Wag ka mag alala."
Ako nga ang kausap niya. Sana kaya ko rin magsalita at kahit ibulong ko manlang sakanya ang mga balak kong sabihin.
Mga salitang gustong gusto kong banggitin.
"Sige.. Dyan ka lang ha."
Tumayo si Matt at kinuha ang twalya niya at isinampay ito sa kanyang kanang balikat, at dumeretso na sa banyo.
Nakilala ko si Matt bilang isang napaka busy na tao.
Nagaaral sa umaga, nagtatrabaho sa gabi.
Lunes hanggang biyernes ay studyante siya.
Ngunit pagpatak ng 6 pm ay iba iba na ang kanyang karanasan.
Monday, Wednesday, Friday ay isa siyang Waiter sa mga sikat at pangmayayamang Restaurants.
Tuesday at Thursday naman ay isa siyang Call Center agent.
Hindi ko nga rin alam kung paano naging madali ang buhay para sakanya.
Nananatili siyang positibo at matatag sa ganitong mga sitwasyon.
Hindi ko rin alam kung bakit.
♥♥♪♥♥
Nakarating si Matt sa unibersidad nila at habang naglalakad ay tila para siyang anino na binabangga banga lang at dinadaan daan ng mga tao.
Ang buhay studyante ni Matt ay hindi naging karaniwan kagaya ng sa iba.
Wala siyang kaibigan, wala rin siyang kasama.
Siguro nga mag isa lang siyang lumalaban sa buong buhay niya.
Paano niya nagagawa yun?
Kung pwede lang maging tao ako, gagawin ko ang lahat maging masaya lang siya.
Ano bang meron sakanya?
Ewan ko. Hindi ko rin alam kung bakit naging ganito.
"Hey watch it!!" Sigaw ni Corine.
Si Corine, sa palagay ko, ang pinaka maganda ngunit pinaka rebelde sa lahat ng nandito ngayon.
Corine is the name, and hearts is her Game.
Hilig niyang paglaruan ng puso ng mga taong nakapaligid sakanya.
Yung guys na pinapaasa lang niya, pinaghihintay niya, then iiwanan lang niya.
But Matt was never her victim.
Kahit kailan hindi niya nasaktan si Matt dahil hindi naman siya nagawang lapitan ni Matt.
Kahit kausapin ay hindi rin niya magawa.
"Sorry." Sagot ni Matt.
Nabangga lang naman niya si Corine dahil hindi ito nakatingin sAqa kanyang dinadaanan.
At siya pa ngayon ang may ganang magalit?
"You prayer boy! Get a life!" Bwiset na sambit ni Corine at nagsimula na itong lumakad palayo.
Muling pinagtinginan siya ng mga tao dahil sa pagsigaw ni Corine sa kanya.
Nakarating si Matt sa kanilang silid, inilapag niya ang mga gamit niya sa upuan at umupo.
Yumuko lang si Matt dahil napaka raming bumabagabag sa isip niya.
Kaya naisipan niyang magdasal.
Yumuko lang siya at pumikit.
Sa lahat ng oras ay madalas ko siyang nakikitang magdasal.
Mukhang pagod rin si Matt.
Maya maya ay nagsimula na rin akong klase nila.
♥♥♪♥♥
Nakarating na sa bahay si Matt dala dala ang isang supot ng siopao na ibibigay niya sa lola niya.
"Lola, siopao niyo po."
"Apo, aalis ka nanaman ba?"
"Opo."
"Hindi ka ba magpapahinga muna?"
"Hindi po. Kailangan ko pong pumasok ng maaga."
"Sige.. Mag iingat ka apo."
Ngumiti si Matt, dumeretso sa kwarto niya at nagpalit ng damit.
Mukhang magtatrabaho nanaman siya.
Gusto ko na maging tao.
Gusto ko na siyang tulungan.
Nakaalis na siya ng bahay at nagsimulang maglakad.
"Nandito ka ulit. Nararamdaman kita."
Banggit ni Matt habang nakayuko at naglalakad.
Nararamdaman niya ulit ako.
Maaaaaaatt!! Im heeere! Yuhooooo?
Mukhang hindi niya alam na ako to.
Hays.
Habang naglalakad ay may napansin siya.
Isang babaeng nakabulagta sa sulok.
"Tulong..." Rinig niyang bulong nito.
Lumapit siya ng dahan dahan at laking gulat niya sa nakita niya.
"Corine?!"
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.
Nakita ko ang Kaluluwa ni Corine na humiwalay sa katawan niya.
At sa sandaling yon, naramdaman ko rin na umaangat ako.
Kaluluwa nalang ako, at kasabay ng pag angat ko at pag angat ni Corine.
Kukunin mo na rin ba ako Lord?
Itutuloy...
![](https://img.wattpad.com/cover/87080796-288-k566469.jpg)
YOU ARE READING
When A Ghost Fell Inlove
Novela JuvenilAng storyang ito ay pawang imahinasyon lamang, kathang isip at lawak lang ng pananaw. Ganern!